RAFAEL'S POV: After Five Years.. "GOOD MORNING! Dad!" Marahan kong tinapik ang balikat niya nang sabayan ko siya ng almusal. "Anong nakain mo bakit sinabayan mo ako sa pagkain?" tanong ni Daddy nang hindi lumilingon sa akin. Lumapit ang katulong namin at inabot sa akin ang pagkain na hinanda nila. "Huwag na kayong magtampo." "Ang akala ko nga doon ka na titira sa condo ng girlfriend mo. Halos ayaw mo na siyang iwan." "Dad, alam n'yo naman na walang kasama sa condo ang girlfriend ko." "Bakit pa siya kumuha ng condo kung hindi naman siya sanay mag-isa." "Dad, pag-aawayan ba natin ito? Ngayon na lang tayo nagkasama sa pagkain." Bumuntong-hininga siya. "Pupunta pala tayo sa Amerika para sa kasal ng Ate Shiela mo." Natigilan ako sa sinabi ni Daddy. "What? Bakit siya magpapakasal?" N