Chapter 9 - Revenge

631 Words
Chapter 9 - Revenge   Isang malakas na paghataw ng latigo ang dahilan nang muli kong pagbabalik sa kinalalagakan kong kahirapan. Ayysss. Naaalala ko ang dahilan kung bakit nila ako kasalukuyang tinotorture. "Ano? Gusto mo pa?!!" sunod sunod na paglalatigo sakin ni Ryan Shet!! Tangna! Di ko na kaya! Apat na taon akong nagtago sa Manila sa tulong ng ama nila. Bakit kasi naisipan ko pang umuwi. Ayan tuloy, nadamay kapatid ko sa katarantaduhang ginagawa nila! Kulang na lang ay patayin ako kaysa pasakitan ng ganto! Pamaya maya'y huminto na sa ginagawa si Ryan. Iniisip ko sa mga oras na ito kung magkakagraduate pa ba ako? Makakatulong pa ba ako sa pamilya ko? Ang bata ko pa para mamatay. May pangarap pa ako. Ano na kaya nangyari kay Diana? Si inay kaya? Nag aalala na siguro sila!!   Lumipas ang dalawang araw, tuloy parin ang pagpapahirap sa akin. Nandyan yung painumin ako ng ihi nila. Ilublob sa tubig. Latiguhin. Kuryentihin. Suntukin. At ang malala, sa ikatlong araw, katawan ko na ang pinag interesan. Buong magdamag nila akong nilapastangan!. Mga hayop sa laman! Kahit na lamog na katawan ko at puno ng sugat. Go pa din sila. Lumipas na ang isang linggo, ganun pa din ang dinanas ko. Tinamaan ng lintek! Sobra na paghihiganti nila! Tuluyan na akong nawalan ng pag asa sa buhay. Ipinapasa Dyos ko na lang ang mga nangyayari. Ipinagdasal ko na sana, ligtas si Diana. Okay si inay at itay. At kung sakaling mamatay ako sa kamay nila, sana naibigay ko ang satisfaction na gusto nila kapalit ng paghihiganti sa nawala nilang mana.   At unti unti....... Sa kawalan ng pag asa. Nagdilim na ng tuluyan ang aking paningin. --------------------------   Nagising na lang ako na nasa ospital ako. Halos dalawang linggo na pala akong natutulog. At nabalitaan ko, naligtas daw ako nang isang twelve years old na binatilyo na naligaw daw sa kakahuyan at nakakita ng kubol. Hihingi sana ito ng tulong na mahanap ang daan palabas ng gubat, at yun nga, nakita nya kong nakagapos. Agad nya akong tinulungang makalag ang pagkakatali. Kadena ang nakatali sa akin kaya ang ginawa daw nya ay binasag nya ang pader. At kahit nag iisa, ay binuhat nya ako ng buong husay, at nang may makitang ibang tao na naghahanap sa kanya, agad nila akong sinaklolohan. Iyon ang dahilan kung bakit nandito ako. Pagkadilat ko ng mata'y agad kong kinamusta kung ano nangyari sa kapatid kong si Diana. Ngunit walang nakakaalam. Lumipas pa ang tatlong araw na walang bisita (ibang bayan ako natagpuan). Dumating ang inaasahan kong pamilya, sa kasamaang palad, tanging si itay lang ang dumating. Malungkot ito at may dala ding masamang balita. Wala na si Diana at si inay. Namatay si Diana, dead on arrival, habang si inay ay inatake sa puso nang mabalitaan ang nangyari sa sa bunsong si Diana at si ako na di daw mahagilap Buong lakas akong napahagulgol dahil sa kasawiang palad na aking natamo. Dala na din ng takot na mabalikan kapag nagsumbong ako, puro's "di ko po alam kung sino kumidnap" ang naisagot ko sa nga pulis na nag iimbestiga Isang buwan ang lumipas, medyo sariwa pa din ang mga sugat ko pero bumalik pa din ako sa pag aaral. Kahit late na sa pag eenroll, nakakasok pa din ako. Valid naman kasi reason ko. Yun nga lang, dahil sa late ako, di ko na na-meet ang requirements kaya tuluyan nang nawala ako sa linya bilang magna cumlaude. Dahil sa kasawian sa buhay, nagtangka na akong magpakamatay pero naudlot ito nang maalala kong may itay pa akong kinasasandigan sa buhay. Nagsama kami ni itay sa isang maliit na apartment sa Manila at nagbagong buhay. Kinalimutan ang kapaitan sa buhay. Nanghinayang sa buhay ng sana'y valedictorian na si Diana, ginawa namin itong inspirasyon na magpapatuloy kami sa buhay. Sa ala ala nila kasama si inay, sana'y gabayan nila kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD