Chapter 10 - Pagbabagong Buhay

804 Words
Chapter 10 - Pagbabagong Buhay   Dalawang taon ang nakalipas, pagkatapos ng mga nangyari, unti unti kaming nakabangon ni itay. Graduate na ako at kasalukuyang nagtatrabaho na sa isang condotel, na syang pinagkukunan namin ng pera. Si itay kasi ay masyado ng mahina. Dala na din ng trauma, namayat ito't nagkasakit. Bente dos anyos na ako noon, gabi pagkatapos ng trabaho. Pagkauwing pagkauwi ko, bumungad sa akin ang lamensang puno ng masasarap na pagkain. Laking gulat ko na ang itay ko pala ang naghanda nito. Kahit na may karamdaman ay pinaghanda nya ako sa nakalimutan kong "kaarawan". "Happy birthday anak!" bati sakin ni itay. Agad akong yumakap sa kanya at umiiyak na nagpasalamat "Hay nako anak, hayaan mo na akong gawin ito, di ko na rin magagawa ito sa susunod. Dahil sigurado akong susunod na ako sa inay at sa kapatid mo" may emosyong lahad sakin ni itay "Itay naman oh! Wag naman po kayong magsalita ng ganyan. Natatakot po ako" "Wag kang matakot anak, ganon talaga buhay. Una una lang yan. Atsapa. Matanda naman din ako at may sakit. Di ko na din kakayanin" "Itay naman oh! Wag na kayong magsalita ng ganyan. Aabay pa kayo sa kasal ko di ba. Nangako kayo. Magmamano pa sa inyo magiging apo nyo" "Di ko na siguro magagawa iyon anak" "Tay! Wag naman kayong ganyan" humahagulgol na ako habang yakap yakap si itay "Oh sya, tama na drama, kumain na muna tayo, alam kong gutom at pagod ka galing trabaho" "O-opo itay, salamat po sa handa" sabay bitiw ng ngiti "Walang anuman anak, lahat gagawin ko para sayo" sagot ni itay na may bahid ng ngiti   Kumain kami at nagkasiyahan, kahit papaano kahit kaming dalawa lang. Masaya ako sobra. Muntikan ko na talagang makalimutan ang birthday ko. Sobra kasi akong nakatutok sa trabaho. Syempre para nga makalimot. Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan nang maya maya'y nagsalita si itay.   "Alam mo anak, andami nang nangyari sa buhay mo. Sobrang kasawian ito para sayo. Pero wag kang susuko sa buhay. Tandaan mo, mawala man ako ngayon sa mundo. Babantayan at aalagaan kita. Susubaybayan ka namin ng inay at ng kapatid mo" sabi ni itay na seryosong nakatingin sa akin "Itay naman oh. Heto na naman tayo. Wag po kayong magsalita ng ganyan. Malakas pa kayo okay. Kay macho nyo pa oh. Mana ako sayo eh" panlilihis ko sa usapan sabay pakita ng muscles ko "Pero di mo maitatangging dadating ang oras na iiwanan din kita. Kaya nga sinasabihan na kitang wag susuko sa buhay eh" "Itay naman oh!" "Basta anak, mangako ka" "Itay naman oh, wag na kayong magsalita ng ganyan" "Basta mangako ka muna" "Itay naman oh" "Anak, basta mangako ka. Ipangako mo sa akin iyon. Please, sige na anak" "S-sige po, opo itay, pangako po" sagot ko upang di na mangulit si itay "Salamat anak. Inaasahan ko iyan ah" "O-opo" "Oh sya sya, anong oras na, matulog na tayo. May pasok ka pa bukas" "Opo sige po" "Basta lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita anak. Yan lagi mong iisipin ha" "Opo" nawi-weirduhan man. Umoo na lang alo kay itay at tuluyan na akong pumasok sa kwarto. Hayyssst, si itay talaga. Nilinis din pala nya kwarto ko? Ambait talaga ni itay. Hayaan mo, bukas na bukas, pagkasweldo, bibilhan ko sya ng bagong sumbrero. Hehehe pangako ko yan sa sarili ko bago humiga sa kama ko. Nagpasalamat muna ako sa Panginoon at natulog. KINABUKASAN, maaga akong nagising, alas nueve pa lang ng umaga. Naabutan ko si itay na naghahain ng pagkain. "Good morning anak" wika nito na may ngiti sabay lapag ng mga plato. "Tara kain na" "Opo" sagot ko bago makaupo "Mmm wow! Ang sarap naman po ng luto nyo" komento ko "Syempre ako pa!" "Oo naman po itay. Kaya nga mana din po ako sa inyo e" "Hahaha, nambola pa ang anak ko" sagot nito. Sobra ang kasiyahan ko nung araw na iyon. Puno ng kagalakan. Bandang alas dos na nang magpaalam ako kay itay na papasok na ako sa trabaho. Sobrang saya ko. Ngayong araw din kasi ang araw kung saan magiging supervisor ako. Mapopromote kasi ako. Masipag din daw ako. Nagpaalam na ako kay itay at nangakong pag uwi, pasasalubungan ko sya ng masarap na ulam at bagong sumbrero. Tanging ngiti ang sagot nya   Alas dyes na ng gabi, i-a-anounce na ang bagong supervisor nang............ Biglang may tumawag sa cellphone ko. Napahiya man sa nakatataas, sinagot ko ito at dito...... Isang balita ang lubos kong ikinalungkot. Pumanaw na ang aking ama! Dahil dito, nagmadali akong umuwi, di nagpaalam. Malungkot ako. Sobra. Di ko na gustong maging supervisor kung wala naman ang aking ama. Lubos ko itong dinamdam. Kaya halos kamuntikan na kong mapatalsik sa trabaho. Lumipas ang tatlong taon, nakakabawi na ako. Tangan ang pangakong binitiwan ko kay itay. Magpapakatatag ako.   Ngunit.... Sa katagalan ng panahon.... Ang pananahimik ko'y nabulabog. Eto na nga ang kinatatakutan ko. Nagtagpo ang landas namin nila kuya Ryan at kuya James. Bestfriend ko pa ang bunso nilang si Charles. Tangines!!!   "WELCOME SAKIN SA AURORA!" sana matahimik na ko dito  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD