Chapter 5 - Hidden War

888 Words
Chapter 5 - Hidden War  Wala pa atang kalahating oras nang makarating ako sa pinagtatrabahuhan ko. Saktong alas tres na nga, kaso alas kwatro pa talaga duty ko. Okay narin siguro to para makapahinga naman ako kahit papano, at mabawasan ang dalahing problema't stress Nagtungo muna ako saglit sa dorm naming mga staff, at matutulog muna ko saglit --------------   Cock-a-doodle, c**k-a-doodle" tunog na naman ng aking alarm clock. Alas tres kwarenta'y otso na pala? Shet, ilang minuto na lang at on duty na ko. Dali dali na akong nagpalit ng damit at nag log sa logbook. At sinimulang gawin ang aking trabaho   Alas dyes na ng gabi, habang namamahinga ako saglit sa laundry shop area, bigla bigla na lang akong pinatawag ng supervisor ko. Shet, kinabahan ako, wala naman akong ginagawang masama o pagkakamali. Anywayssss, daig ko pa si flash sa pagmamadali patungo ng office at nang ako'y makapasok "Good evening Mr. Galvez" bungad agad ng bisor ko "Good evening din po ma'am" sagot ko "Good to see you again, pinatawag kita kasi may mahalaga akong ipapagawa sayo" seryosong turan ni mam "A-ano po yon mam?" "kasi, dumating na kanina yung bigatin nating guest, galing pa silang Cebu straight after their Company advertisement sa East Timor, at sila ay nagrerequest ng bellboy s***h housekeeper s***h vallet runner at di mo nga akalaing, ikaw ang nirequest, kilala mo daw sila eh" "Ho?" di ako makapaniwala sa sinabi ni mam. Wala kaya akong connection sa mayayaman eh "Kaibigan mo daw sila and because of that, pinatawag kita kasi ikaw na ang aasikaso sa kanila dito sa condotel natin for 3 days, kaya pinaaalalahanan kita, ayusin mong mabuti trabaho mo, iparamdam mo ang ganda at nakakarelax na ambiance dito okay? Good for you ito dahil lalakihan daw nila pagbibigay ng tip sayo. Kaya ngayon palang, please be kind and gentle in our guests okay?" 'O-okay po" kahit naguguluhan, umoo na lang ako Kaya nga hanggang ngayon, wala ako sa sarili habang naglalakad patungo sa room nila. Tss lumalakas kabog ng dibdib ko. At sakto, dito na ako sa tapat ng pinto ng kwarto nila. Ahh. Aatakihin ata ako sa puso, kilala daw nila ako, eh samantalang ako, palaisipan pa din kung sino sila dahil wala naman akong kaibigang mayaman.   "Tok tok tok! Housekeeping!" usal ko "Come in" rinig kong sagot Pagbukas ko ng pinto dala ang push cart ko, laking gulat ko nang masilayan ko ang dalawang adonis sa aking harapan na pawang nakaboxer shorts lamang. Sila James at Ryan!!! "Oh Peter. Baka matunaw kami nyan!" basag ni kuya Ryan "Ah eh,sorry po sir" iwas tingin ko sa kanila at dali daling niligpit ang mga pinagkainan at pinagkalatan nila ng mga kung ano ano at oohhhhh!! CONDOM! Halatang may milagrong nangyari hahaha "Oops, sorry pre, hahaha" hinging paumanhin ni James nang aksidenteng maitapon ang laman ng gatorade na halata namang sinadyang ibuhos sa kama "O-okay lang sir. Papalitan ko na lang po ang sapin" ang tanging sagot ko na lang. Shet, nababadtrip na ako! Pinagtitripan ako eh! "Oyy eto pa kalat oh!" sigaw naman ni Ryan. Tangna, ibuhos daw ba ang laman ng garbage can "Sige sir, pupulutin ko na lang po iyan" agad akong tumalima para pulutin ito "Hahahaha,alam mo. May naaalala ka bang parang nangyari nato dati?" tanong ni Ryan "Oo nga tol!' sagot ni James "Ikaw Peter? May naaalala ka ba?" "Huh? W-wala po sir" sagot ko na halos sa totoo lang kinikimkim ko lang galit ko sa kanila "Talaga?" "Opo sir" "ahh, bilis mo atang makalimot?" "Ha? H-hindi po' "Talaga lang? Di nga? Alam mo, akala mo di ka namin natatandaan ano? Nako, nagkakamali ka" "Anong ibig nyong sabihin sir?" "Limang taon ka naming hinanap, tapos nandito ka lang pala sa Manila at swerte nga naman ng tadhana, bestfriend ka pa ng bunso namin hahaha" "Pwede po ba sir, wag nyo nang idamay si Charles dito. kung  ano man ang nangyari noong nakalipas na "actually syam na taon", tapos na yon. Wag nyo na pong halungkatin pa, atsapa, wag nyo namang personalin trabaho ko" mahinahon kong paliwanag "Oooohhhhh tapang mo na ahh!!! Iba na talaga panahon hahaha" "Kung wala na kayong ipag uutos, aalis na po ako, tapos na paglilinis" "Teka! Sinong may sabing tapos na? May gagawin pa tayo" pigil sakin ni Ryan na may nakalolokong tingin "Please lang po sir, madami pa po akong gagawin" "Ah tulad ng ano? Wag ka ng magpalusot, hawak namin oras mo, at subukan mong pumalag, masisisante ka sige" "Please lang po sir, tigilan nyo na ko, sawa na ko. Wala na kapatid ko, namatay ng dahil sa inyo! Kaya pati ba naman trabaho ko idadamay nyo sa away natin?" "Hahaha chillax lang, alam namin yon, sayang nga at di ka pa namatay nung araw na yon" "Pwes, buhay na buhay ako ngayon! Sirang sira pa ang buhay!" "Talaga? Mas gusto naming mas masira pa ngayon hahaha" "Ah ganon? Okay fine, magreresign na lang ako para wala na kayong ipanakot sakin at eto tatandaan nyo, di ako babalik sa inyo!" "Ohhh, sige lang, tingnan na lang natin at sigurado akong babalik ka din samin! Hahaha, kung ayaw mong mapasama, sasama ka samin at kung di naman, sapilitan na lang, gaya ng dati!" nanggagalaiti ngunit may mala demonyong pagtingin ni James "Arggghhhh!!!!! Wala akong pakielam! Mas gugustuhin ko na lang mamatay kaysa makita pagmumukha nyo!" di na ko nagpaalam, dali dali na akong lumabas ng kwarto at umalis na din ng hotel, bahala na, masisante na kung masisante, buhay ko na nakataya dito, at di ko hahayaang mangyari sa akin ulit ang kapangahasang ginawa nila sa katawan ko!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD