Chapter 4 - First Impression

560 Words
Chapter 4 - First Impression  "Oh pareng Peter, anong nangyari? Ba't nakatulala ka? Aba aba, nagugwapuhan ka siguro sa mga kuya ko ano? Hahaha" sabi sakin ni Charles na syang nagpabalik sa akin sa katinuan "Hah? Ah-eh, sorry naman, nagulat lang ako eh" palusot ko habang kinokondisyon ang sarili na di maglabas ng emosyon "Ah,,, akala ko kung ano na eh hehehe" "Ulol!!!" kundena ko "Haha, kayong dalawa ! Baka may gusto kayong sabihin samin?" sabi nung nakaakbay sakin "Oo nga Charles, ikaw ah, nakikipagdate ka lang pala dito, buti na lang at napadaan kami rito" ang segunda nung nakaakbay kay Charles "Kuya naman eh! Bestfriend ko lang naman si Peter, grabe naman kayo, at teka teka, bakit nandito din kayo? Katanghaliang tapat, mga wala ba kayong pasok sa trabaho ngayon?" "Wala" sagot ng dalawa, at nang mapansin ni Charles na na-o-O.P. ako, pinakilala nya ako sa kanila "Peter, mga kuya ko nga pala, eto si kuya Ryan" sabay turo sa nakaakbay sa kanya "at yan naman si kuya James, at hephep, aba kuya naman! Di na ko makahinga, please baba nyo na kamay nyo" pagrereklamo nya "Oo na, sensya na baby boy" ani ni Ryan "Sorry pre, baka di ka na nakahinga, sarap mo kasing yakapin" patutsada ni James   Masayang nagbibiruan ang magkakapatid samantalang ako nama'y nagpaalam na aalis na, di ko na kasing ihandle ang nararamdaman kong galit at takot. Yung tipong pinagmamasdan ko silang tatlo, habang unti unting nalulukob ng ala ala ng nakaraan ang isip ko. Naguguluhan ako. Tipong nahihibang ako. Pinagmamamasdan ang dalawang kuya ni Charles. Sinusuring mabuti kung naalala pa ba nila ako, at sana hindi, kaso umaalon sa kaba ang dibdib ko sa tuwing tumitingin silang pareho sakin kahit nakikipag usap sa isa't isa. Tila inaalala ang hitsura ko o sadyang kilala na nila ako. Tss ewan! Kaya kahit walang abiso ni Charles, dali dali na akong lumakad pabalik sa aking motor. Todo habol naman sakin si Charles. Tanong ng tanong kung bakit, ngunit sinasagot ko na lang ito ng "Pasensya na pare, may pasok pa kasi ako sa trabaho at malelate na ako "Oh S-sige, sorry kung di ko namalayan ang oras" kamot ulo nyang tugon "Ano ka ba pare, okay lang! Atsapa, what a coincidence, magbonding muna kayo ng mga kapatid mo, halatang miss nyo na isa't isa ahehe" "Ahehehe oo nga eh, parang di nagkikita sa bahay" "Hahaha, ugok! Oh sya, mauna na ko" "Oh sige, basta sunduin na lang kita mamaya sa trabaho" "Huh? Bakit naman?" "Tinatanong pa ba yan?" sabay taas baba ng kilay "Ah oh sige, sang lugar ba tayo?" "Ako na bahala!" "Okay,sabi mo eh hehe" "Ako pa!" yun lang at tuluyan na kong nagpaalam     Nagdudumali akong nagpatakbo ng motor sa abot ng aking makakaya. Di ko maipaliwanag, bumabalik na naman ang masasamang bangungot ko na matagal ko ng kinalimutan Ang katawan ni Ryan na animo'y isang gym instructor sa ganda,may 8 pack abs, buo at magandang hubog ng triceps at biceps, sahugan pa ng gwapong hulma ng mukha ala John Travolta. At sa edad na 36, di mo mababakas na may asawa't dalawang anak na ito ngayon Si James naman na akala mo isang modelo, daig pa si Andrew Wolf, sa hubog ng katawan at hitsura, 6 pack abs, maskulado, proportion sa mukha ang buong katawan, halos kasing puti ng kuya nya. At sa edad na 32, di na biro na single pa rin ito at looking for someone special   At ang dahilan kung bakit alam ko ito? Well, it's my little dirty secret.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD