Mikaela's POV
Gabi na ng kami ay makauwi ni Blaine sa mansion. Sinulit namin ang mga sandali na kami ay magkasama dahil bihirang-bihira na mangyari iyon. Sa dami ng responsibilidad ni Blaine at sa sobrang busy niya sa maraming bagay ay natutuwa ako dahil gumagawa pa rin siya ng paraan para magkaroon ng oras sa akin. Hindi nga lang madalas ngunit nakikita ko naman na nag-e-effort talaga siya.
Matapos naming makababa ng sasakyan ay lumakad na kami papasok ng bahay. Tama namang pagpasok namin ay natanawan namin si Mama Claudia na pababa ng hagdan.
"Shhh!" sabi ni Blaine, sabay lapat ng hintuturo niya sa aking labi. Hindi niya inaalis ang tingin sa aking biyenan na ngayon ay ilang hakbang na lang at nasa paanan na ng hagdan. Kinuha ni Blaine ang isang kamay ko, hinatak niya ako. Hindi naman ako tumutol, sumunod lang ako sa kaniya at nagtago pa sa likuran niya. May pag-iingat na naglakad kami patungo sa malaking estante at doon kami nagtago. Hinintay naming makababa ng hagdan si Mama Claudia at sinundan namin ng tingin kung saan siya pupunta. Pumasok ito sa kusina. Nagkatinginan kami sabay tango. Sasamantalahin namin ang pagkakataong iyon para makapanhik sa second floor ng hindi niya kami nakikita. May pagmamadaling hinatak na naman ako ni Blaine, magkahawak kamay at lakad takbo ang ginawa namin para mas mabilis na marating ang hagdan. Puno ng pag-iingat ang bawat kilos namin. Iniiwasan naming makuha ang atensiyon ni Mama Claudia.
Ang totoong dahilan kung bakit hindi kami nagpakita sa aking biyenan ay dahil siguradong masesermunan na naman kami nito. Ayaw na ayaw niyang nakikita na magkasama kami ni Blaine at nagdi-date. Lalong ayaw niya na umuuwi kami ng dis oras ng gabi galing sa galaan. Kahit nasa tamang edad na kami at asawa na ako ng kaniyang anak ay para pa rin akong estranghero sa kaniya.
"Whooah! That was so close!" nakangiting sabi ni Blaine nang makapasok na kami sa aming kuwarto. Agad niyang isinara ang pinto at ni-lock iyon. Napagtagumpayan namin na makarating sa ikalawang palapag ng mansion ng hindi namamalayan ni Mama Claudia.
Napangiti na rin ako. Sino ba naman ang hindi matatawa sa pinaggagawa namin. Malalaki na kami pero para pa rin kaming mga bata na nakikipaglaro ng taguan sa aking biyenan. Nakasanayan na namin ang ganu'n simula pa ng magkasintahan pa lang kami. Dahil nga pinagbabawalan kami ay patago kaming nagkikita. Dadalawin ako ni Blaine sa bahay ampunan at ipagpapaalam niya ako sa mga madre, mamasyal kami, kakain sa labas at pagkatapos ay dadalhin niya ako sa kanilang bahay. Para kaming lumulusot sa butas ng karayom bago kami makarating sa kuwarto ni Blaine noon. Isang beses ay nahuli kami ni Mama Claudia na magkasama sa kuwarto ni Blaine. Kahit wala naman kaming ginagawang masama at madalas ay gumagawa lang naman kami ng assignments ng sabay, nagkukwentuhan o kaya ay nanunuod ng movie sa kwarto ni Blaine ay iniisip na ni Mama Claudia na may ginagawa kaming hindi namin dapat na gawin. Kahit naman mga bata pa kami noon ay alam naman namin ang aming limitasyon. Gusto lang namin na magkaroon kami ng lugar na para sa aming dalawa lang.
Lumapit ako kay Blaine at yumakap sa bewang niya, habang ang ulo ko naman ay isinandal ko sa kaniyang matipunong dibdib. Gumanti naman siya ng yakap sa akin, hinalikan pa niya ang buhok ko. Ang mga ganuong eksena sa buhay naming mag-asawa ang itinatatak ko sa aking isipan. Hindi araw-araw ay nagagawa naming maglambingan kagaya nito, kaya naman isa ang mga ganitong pangyayari na tini-treasure ko.
Buhat sa pagkakasubsob sa dibdib niya ay tumingala ako para tingnan siya. Ang hindi ko alam ay nakatingin din pala siya sa akin kaya nagtagpo ang aming mga mata. Titig na titig siya sa akin, napakurap tuloy ako. Hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya. Kahit na mag-asawa na kami ay pinamumulahan pa rin ako ng pisngi kapag ganu'n na siya sa akin. May halong kilig at hiya pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing titigan niya ako na puno ng paghanga. Sino ba naman kasi ang hindi mako-conscious kung may napakagwapong lalaking nakatitig sa'yo?
Yumuko siya at unti-unting inilapit ang mukha sa akin. Napapikit na lamang ako at hinintay ang mga susunod na mangyayari.
Ang malambot niyang mga labi ay dumampi sa labi ko. Isang masuyong halik ang ibinigay sa akin ng aking asawa. Dinama ko ang halik na iyon at sinuklian ang mga halik niya.
"Let's take a shower together," sabi niya.
Tumango naman ako bilang tugon. Ang excitement at matinding antipasyon ay nagpakaba sa akin ng husto. Kinuha niya ang kanang kamay ko at hinatak ako papunta sa banyo na naroon din sa loob ng aming silid.
Hinayaan ko lang siya na isa-isang hubarin ang aking mga damit.
"You're so perfectly beautiful, sweetheart!" napapalatak na sabi niya habang pinagmamasdan ang aking kahubaran. Nakikita ko sa mga mata niya ang matinding paghanga. Nakaramdam na naman tuloy ako ng hiya. Gusto kong takpan ang maseselang parte ng aking katawan dahil nako-conscious ako sa mga tingin niya sa akin. Kahit mahigit isang taon na kaming mag-asawa ay hindi pa rin ako sanay na nakikita niya akong nakahubad. Yumakap na lamang ako sa kaniya at ibinaon ang ulo ko sa dibdib niya para maitago ko ang pamumula ng aking pisngi.
"Hmm... Hanggang ngayon ba ay nahihiya ka pa rin sa akin?" nanunudyong tanong niya.
Niyakap niya ako nang mahigpit.
Marahan akong tumango, hindi ko kayang magsinungaling sa kaniya. Si Blaine ang una ko sa lahat ng bagay at siya lang ang pamilya na meron ako.
Hinakawan niya ang baba ko at inangat ang ulo ko. Nang bumaling ako ng tingin sa kaniya ay nakita kong nakangiti siya sa akin.
"Hindi ka pa rin nagbabago, ganu'n ka pa rin simula nang una kitang makilala. "I like that you're innocent and naive, those qualities in you are really sweet."
Inilapit niya ang mukha sa akin at hinalikan niya ako, sa pagkakataong ito ay mapusok na ang mga halik niya. Napakainit ng labi niya at damang-dama ko ang kagustuhan ng dila niya na makapasok at magsaliksik sa kaloob-looban ng bibig ko, kaya naman hindi ko pinagkait sa kaniya iyon.
Hindi niya inaalis ang kaniyang mga labi sa akin, habang hinuhubad ang kaniyang pang-ibabang damit. Hindi na ako nakatiis at tinulungan ko na siya, tinanggal ko sa pagkakabutones ang suot niyang polo.
Pareho na kaming walang saplot ngayon, niyakap niya ako nang mahigpit, ang mga kamay niya ay humahagod sa aking likod. Magkadikit ang hubad naming mga katawan at dama ko ang matigas niyang sandata na tumutusok sa aking tagiliran. Patuloy lang kami sa pagpapalitan ng maiinit na halik. Nang umtras si Blaine ay ginawa ko namang umabante, paulit-ulit lang siya sa pag-atras at dahil magkayakap kami ay wala akong magawa kung hindi ang umabante.
Sabay kaming napasinghap ng walang pasabi na biglang bumagsak ang malamig na tubig at bumuhos sa aming hubad na katawan.
Sensored ang shower namin sa banyo kaya naman nang maramdaman kami nito ay automatic na nagpakawala ito ng tubig.
Nahampas ko sa balikat si Blaine. Sinadya niyang gawin iyon, kaya naman pala panay ang atras niya dahil gusto niyang matapat kami sa shower.
Tumawa siya nang malakas at napasimangot naman ako, nanulis ang nguso ko. Kinabig niya ako at niyakap nang mahigpit.
"I'm sorry," sabi niya sabay halik sa noo ko.
Ngumiti ako, hindi ko naman kayang magalit sa kaniya ng matagal.
Maya-maya ay binitawan niya ako, kumuha siya ng sabon at sinimulan ng sabunin ang buo kong katawan. Parang batang sinabon niya ako, nagsimula sa aking leeg, pababa sa aking mga balikat, patungo sa aking dibdib. Bawat hagod ng kamay niyang may sabon sa aking katawan ay nagdudulot ng hindi maipaliwanag na kiliti sa akin. Matapos niya akong sabunin ay siya naman ang sinabon ko. Pinaliguan namin ang isa't-isa.
Matapos naming maligo at magbihis ng damit pantulog ay presko na kaming nakahiga ngayon sa kama. Nakaunan ako sa braso ni Blaine.
"Ano ba'ng gusto mong maging panganay natin, lalaki ba o babae?" tanong ko sa kaniya, habang hinihimas ang flat na flat niyang tiyan.
"If I were to choose, I would prefer our firstborn to be a boy. However, whatever the Lord grants us, I wholeheartedly accept. Having a child is a great blessing," sagot niya.
Napangiti ako. "Curious ako, bakit lalaki ang gusto mo?" tanong ko na naman.
"Dahil gusto ko na may matatanggol at magpo-protekta sa'yo kung sakali mang wala ako sa tabi mo," pahayag niya.
Hindi ko maiwasan na hindi maging emosyonal. Sa lahat ng pagkakataon ang kapakanan ko ang laging iniisip ni Blaine. Hindi ko alam kung anong maganda ang nagawa ko para biyayaan ako ng Panginoon ng napakabait at mapagmahal na asawa?
Alam kong marami pa kaming pagdadaanan na magkasama. Ang ipagtanggol niya ako sa pamilya niya at ipaglaban ang pag-iibigan namin kahit na langit at lupa ang pagitan namin ay napakalaking bagay na sa akin.
"Pareho tayo, gusto ko rin na lalaki ang maging panganay natin. Excited na ako na makita ang maliit na ikaw. Sigurado akong napakagwapo ng magiging anak natin dahil sa'yo siya magmamana," masayang sabi ko.
Lumipas ang ilang minuto ay wala akong narinig na salita mula sa kaniya at ng tumingala ako para lingunin siya ay nakita kong nakatulog na pala siya. Madalas niya akong tulugan kapag ganitong nakahiga na kami at nagkukwentuhan. Hindi ko naman magawang mainis o magtampo dahil alam kong pagod siya sa maghapong trabaho. Sa trabaho niya ay hindi lang naman ang katawan niya ang gumagana kung hindi pati na ang utak niya.
Dinampian ko ng halik ang kaniyang mapupulang labi.
"I love you!" sabi ko.
Alam kong hindi niya ako naririnig ngunit gusto ko pa ring sabihin. Ayokong natatapos ang araw na hindi ko nasasabi sa kaniya na mahal ko siya.
Ipinikit ko ang aking mga mata at kampanteng natulog ng nakayakap sa aking asawa.