Black 4

1577 Words
Ashure's POV Your hero is a monster... Your hero is a monster... Those words keeps playing on my mind, i've hurt him ang sama-sama ko. "Ikaw na kasi gumising dyan!!" ang ingay, hinampas ko kung sino man yung nag-iingay. "Argh! Napaso ako," Pagmulat ko natapunan ng mainit na porridge si Hana. "So...noisy," Bored na sabi ko sabay upo. "Alam kong mangyayari 'to kaya ito oh mas masarap to kesa sa luto ni Hana," Nilapag ni Jacob ang isang tray na may porridge sa side table. "Sorry, hindi ka namin na ligtas but good thing nahanap ka agad ni master," sabi ni Hana. "Sabihin nyo? Pu-pumasok ba dito si Hero kanina?" Inabot ni Jacob ang mainit na porridge. Nagkatinginan sila at para bang nag-iisip pa kung anong sasabihin. "Natakot ka sa kanya kanina," Napabitaw agad ako sa kutsara dahil sa gulat, napatungo ako akala ko kasi isa syang Blood E mapanghusga ang inasal ko kanina. Muli ko pinulot ang kutsara at maluha-luha na sumubo ng pagkain. "Sorry..." Humihikbi kong sabi, hinagod ni Hana ang likuran ko. "Ayos lang yan nagulat ka lang seguro?" wika ni Hana. "Nasaktan at nainsulto ko sya, tapos ang alat pa nitong kinakain ko," sumubo uli ako kahit napatakan ng luha ang porridge. "Haha si Jacob kasi nagluto nyan, see? Pati luto mo worst!" "Tss, nakaka-insulto huh? Mamaya Ash hatid ka namin pauwi," I shook my head at saka inangat ang ulo ko. "I need to apologize to him," Sabi ko. Tumabi sa pag-upo si Hana sakin dito sa malawak na higaan. "He was born to be a monster..." Saad ni Hana. "Hindi! Kahit ganun ang hitsura nya wag nyo sya tawagin na halimaw--" "You still don't know ash, nagtatago lamang sya sa ganoong hitsura upang ikubli ang tunay na halimaw sa loob nya, hindi ito sumpa kagaya ng prince sa beauty and the beast sya mismo ang gumawa nyan sa kanya, sabihin na lang natin magiging prince charming hitsura nya once masugutan sya subali't maihahalintulad naman sa halimaw ang ugali nya He kill and loves to see blood splattered in short evil " kwento ni Jacob. "Pero bakit ang dami nyang piklat halos natatakpan na ang mukha nya sa dami, naawa ako sa kanya," "Ang mga piklat na iyon ay mga bilang ng mga innosenteng nilalang na patay nya bawat pagkakataon na lumalabas ang halimaw sa kanya, nadadagdagan ng permanenting sugat sa katawan ni Master, parang kabaliktaran lang pag halimaw ang anyo nya doon nagpapakita ang gintong puso nya at kung nasa prince charming na anyo sya... prepare to die Ash," Nagulantang ako sa narinig ko kay Hana. "K-kaya ba nadadatnan ko kayong may sugat?" Noon kasi pag sabay kami papasok magtataka na lang ako minsan may maraming pasa sila kahit pagkakaalam ko sa mansion lang sila madalas nagta-trabaho. They nodded, tinatago nya ang tunay na halimaw sa ganoong hitsura, mapait rin seguro ang karanasan na iyon nasasaktan sya sa kasalanan ng halimaw sa loob nya. "At yun ang dahilan kung bakit? Sa apat na taon patago ka nya pinagmamasdan sa malayo, You're a precious jewel to him that he can't afford to lose," Napahagulgol na nga ako, yun lang naman pala ang rason? Unang pagkakataon ko maaninag mukha nya tapos ganun ang naging reaction ko. kailangan ko magpakita ng utang na loob sa kanya. Di naglaon matapos akong maligo at magbihis lumabas ako sa malawak na silid na iyon nakakabawi na rin ako ng lakas. bumungad agad sakin ang mahaba na pasilyo na para bang nasa loob ako ng palasyo noong Medieval Age, medyo madilim na nga lang dito, maliligaw ata ako sa dami ng pasikot-sikot. Rarf! Ang aso na yan! Nagpapahabol na naman sya sakin kaya chill lang ako sumunod sa disaster dog na yun. Hanggang sa nakarating ako sa Harden humahalimuyak ang samu't saring bulaklak sa paligid malaya na nakakalipad ang mga colorful butterflies at saka, nagliliwanag sa ganda ang crescent moon! Nilipad ng malamig na hangin ang iilang hibla ng buhok ko binaling ko tingin ko sa direksyon kung saan humampas ang hangin. Agad akong napatakbo ng makita ang isang familiar na pegura na nasa pavilion. Napahinto naman ako at napa-isip may mukha kaya ako ihaharap sa kanya matapos ko sya insultuhin? Dahan-dahan ako lumakad hanggang sa makita ko ang likuran nya tila tumingala sya sa magandang buwan. "What are you doing here?" Nanginig kalamnan ko sa lamig ng boses nya para bang matindi ang galit nya sakin. "H-hero?" "I told you i'm a monster not a Hero...Ash umuwi ka na bago pa--" Niyakap ko sya sa likuran binaon ko ulo ko sa matipuno na likuran nya. "Patawad sa naging reaction ko, ito ba ang rason kung bakit hindi ka nagpapakita sakin? Your appearance doesn't matter to me, na gulat lang talaga ako kanina sorry," Hinarap nya ako may sout na syang itim na maskara na natatakpan ang boung mukha nya, Nag bend sya para magka lebel kami. "Hindi ang hitsura ang rason ko prinsesa, kundi ang halimaw na nakatago sa pangit na hitsura na ito nilalayo lang kita sa kanya, you must leave now" bulong nya. Bahagya ako umatras at siningkitan sya ng tingin. "Ikaw ngayon si Hero, wala akong pakialam kung sino man yang halimaw na pinagsasabi nyo!" Huminga ako ng malalim tapos ngumiti sa kanya, magpapakilala ako sa kanya ng maayos, eheem pa cute effect muna (*^﹏^*). "Kamusta? Ako pala si Ashure Henson 17 years old ikaw ginoo maari ko ba malaman ang pangalan mo?" Masigla na pagpapakilala ko sa kanya hindi ko matukoy kung ano ang reaction nya, please Hero take off that mask. Saglit sya tumahimik at napa-upo sa upuan. "I don't have a name they call me master or prince... the named Theodore belongs to the monster inside me," Nalungkot ako sa sinabi nya, nakakahawa naman to oh? Napaluha uli ako mahalaga sya sakin kaya ipapadama ko sa kanya na importante sya sa buhay ko. Natigilan ako ng lumuhod sya sa harap ko at pinunasan gamit ang kamay na may gloves ang dumadaloy na luha sa pisngi ko. "Don't show me your precious tears my little princess someone else deserves those tears," Niyakap ko sya uli, apat na taon ako naghintay sa sandali na ito. "You're the deserving one, kung wala kang pangalan can i call you Hero?" Bumilis pitik ng puso ko nang tumugon sya sa yakap ko. "Of course you can," hinaplos ko ang itim nyang buhok. "My hero... finally your closer to me now," kinapa ko maskara nya at tinangka na alisin yun sa mukha nya kaso napigilan nya kamay ko. "Please don't, baka matakot ka lang sa mukha ko," Nirespeto ko na lamang ang gusto nya. "Okay," Rarf! Rarf! Kumalas ako sa yakap ng pumagitna si Disaster dog bakit ba nakapasok ito dito? "A-ayaw mo ba sa aso na iyan? Binili ko pa naman yan pangbawi sa naudlot na pagkikita natin," I chuckled when i heared his innocent voice. Kinarga ko yung shih tzu dinilaan nya pisngi ko ang likot talaga nito! "Ano ipapangalan natin sa makulet na ito Hero," hehe ang gaan agad ng loob ko sa kanya. "P-p-potchu?" "Pfft! Hahaha! Bakit naman?" Ang cute nya sa shy side nya. "Wala ako maisip," ngayon lumapit ang aso sa kanya parang gusto nya si Hero. "Cge potchu na lang, hehe ang cute nyong dal'wa," " Kamahalan, paumanhin ngunit kailangan kaayo sa kunseho," Wika ng isang men in black suit. Tss! Ang Kj nya gusto ko pa makasama si Hero! "Okay Just give me a minute," Bigla naglaho yung lalake, bampira pala yun? "I'll be back, just approach your butlers if you want something okay?" Tumango lang ako bago sya makalayo hinawakan ko laylayan ng tux na sout nya. "Nice to meet you hero," nakangisi kung sabi. "Me too," ●●● Ito na naman ngiti ko, wala na akong pakialam kung naligaw na ako sa castle mansion na ito. Yakap ko ngayon si putcho. Blag! Tss susumbatan ko sana yung bumangga sakin... "Aba? Look who's here so you meet the ugly monster right?" Chess said mockingly. Nilagpasan ko lang sya kainis dito pala sya nakatira sarap nya patulan sa pag tawag nya ng halimaw kay Hero ko but i must control my temper baka hindi ako makapagpigil at lumabas yung bad side ko. "Dedma na naman ba ako sayo? pansinin mo naman ako," ngayon nasa unahan ko na sya at nakasandal sa pader. May atraso kaya sya sakin hanggang nga humarang na sya sa daan ko, nag poker face lang ako sa kanya. "Wag mo ako sagarin babae ka!" "Who are you? Kung napipikon ka sakin you can get out of my sight now," "Ah! Ngayon nag ka amnesia ka na grr-" Inunahan ko na sya binigyan ko sya ng malutong na sampal. "Ah? May lamok eh?" Agad ko pinahid sa mahahalin na damit nya yung palad ko na may lamok. "Ikaw!" "I warn you don't mess up with me again Blonde Hudlom bye," Nakalagpas na rin ako sa kanya. "I forget to say, yung halimaw na tinatawag mo mas deserving tawagin na prince kesa sa'iyo," He looked at me intently pero hindi ako nag padala sa kaba at dumiresto lang ng lakad. "May araw ka rin sakin babae ka," Paglingon ko naglaho na sya bakit ba hilig nila maglaho? Hinimas ko ang ulo ni putcho. "Parang pinaglihi sa sama ng loob yun diba putcho?" Rarf! ●●● To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD