Ashure's POV
"Lumayo ka nga sa'min freak!" Tinulak ako ni Mae kasamahan ko sa ampunan dahil 'dun dumeritso ako sa putikan, gusto ko lang naman ipakita sa kanila ang manika ko na binigay ng isang estranghero na bumisita sa ampunan.
Halakhak nila tila dumudurog sa puso ko, masaya silang nakikipaglaro sa ibang bata sa ampunan habang ako na sa sulok lamang at nakatanaw sa mga ngiti sa labi nila. Balang araw gusto ko rin ngumiti dahil sa saya.
"Anong ginawa mo!" Sita sakin ni Sister ng matulak ko ng kay lakas si Mae na pilit inaagaw ang manika ko.
"Sister! Gusto ko lang naman hiramin yung doll nya," pagsisinungaling nya, kahit gusto nya talaga agawin ang manika ko.
Yung mga tingin nila na para bang isang mapanganib akong halimaw, gusto ko makalayo subalit wala naman akong matakbuhan.
●●●
As i slowly open my eyes i felt my tears fell down on my cheeks, tumagilid ako para buksan ang lamp shied na nagbigay agad ng liwanag sa silid ko.
"Nightmare," bulong ko,
No... it really happened.
Bumalikwas ako ng bangon hinablot ang towel ko at dumiretso sa banyo nilublob ko hubad kong katawan sa maligamgam na tubig sa bathub.
Inangat ko ulo ko walang pasok ngayon, ito'ng gabi sana kami magkikita ni Hero.
"Alam ko may iba kang rason Hero," usal ko sa sarili habang pinaglalaruan ang bubbles.
Dahil naiinip ako sa loob, i decided to get some fresh air outside, tyempo na paglabas ko ng apartment ko bumungad sakin ang kapit bahay ko, nag-iwas tingin agad ako kahit hindi nila sabihin alam ko kung ano tumatakbo sa isip nila.
They see me as a Freak.
"Magandang Gabi sa'iyo hija? Naghapunan ka na ba? Sakto at nagluto ang anak ko ng--"
"Salamat na lang po'" madalian ako bumaba iniiwasan kung makasakit pa ako ng tao.
Dinala ako ng mga paa ko sa isang playground na walang katao-tao i sighed, when i notice i didn't bring my wallet, gusto ko pa naman kumain ngayon ng Ramen kaso nga lang abala pa yung dalawang mukong na sila Jacob at Hana ano? Kaya ginagawa nila?
I sat on a rusty swing, nag swing lang ako nanumbalik yung alaala inaaliw ko lang sarili ko. Mag isa wala ni isang kaibigan noon, ang akala ko'y ang mga Henson ang magpapadama sakin ng pagmamahal ng pamilya pero...mali ako, inampon nila ako upang pahirapan. Sumasariwa pa sakin bawat hampas ng latigo sa katawan ko pag hindi ko nagawa ng tama inuutos nila.
Namilog mga mata ko when someone hug me from back, my heart is pounding and it might get explode any moment from now. Humigpit ang yakap nya sa leeg ko, nakasout ng gloves ang kamay nya at mahaba na sleeve.
"I finally touch you again my little princess," He coldly whispered, Why do i feel safe in his arms? I could even feel his could breath against my ear and the smell of his musk. I knew it sya ito! Apat na taon tanda ko pa amoy ng mamahalin nyang pabango nang kargahin nya ako noong naghihingalo ako dahil sa lagnat dulot ng malakas na ulan ng gabing iyon.
"H-hero?" Panenegurado ko.
"Yes i am, what are you doing here my princess?" Gusto ko sya makaharap subalit kinulong nya ako sa braso nya.
"Nagpapahangin," usal ko, ang dami ko gustong sabihin ngunit tila nauunahan ako ng kaba ko, Pakiramdam ko ngumiti sya.
"I shall formally introduce myself to you sooner, hintayin mo lang ang araw na iyon ang araw na handa na ako humarap sa'iyo, i'll keep you safe princess nakatanaw lang ako sa malayo, Sorry may mahalaga akong inaabala ngayon," Matipid ako ngumiti and this is the reason why i love this man, napagtanto ko na mahal ko sya nang niyakap nya ako ngayon. Sya ang naging inspirasyon ko para ipagpatuloy ang buhay He comforts me with his words.
Pag upset ako andyan ang telepono at ang boses nya para e cheer up ako, how i love hearing his cold voice. Hinawakan ko kamay nyang may gloves.
"You're so warm, i want to hug you like this forever but my time is limited i hope you'll understand,"
"Yeah,"
Nalungkot ako ng kumawala ang braso nya sakin, Di ako nag-alinlangan lumingon pero nadismaya ako wala na akong nadatnan, I found myself smiling like crazy! Sya ang dahilan kung bakit nakakangiti na ako.
Rarf!
Wah! Isang shih tzu ang cute may ribbon sya na may naka-usli na papel, hahawakan ko sana ng hablutin nya bracelet ko tapos kumaripas ng takbo agad ko yun hinabol, argh! Ang mahal pa naman ng bili ko dyan sa bracelet!
BEEP! BEEP!
Paparating na sakin ang humaharurot na Van, napako ako sa kinatatayuan ko hanggang nga sa mahagip ako--
And everythings went black...
●●●
I could hear faint voices, my head felt so dizzy, gusto ko ibuka ang mga mata ko ngunit ayaw ng mga talukap ko.
"Tol' bakit itim dugo nito" boses ng isang lalake.
"Basta ihulog natin 'to baka tayo pa ma-agrabyado,"
"Mabuti pa nga, baka isa ito sa mga nababalitaan na bampira"
Nang ihulog nila ako naramdaman ko ang matarik na pinaghulugan sakin, napadaing ako sa bawat bato na tumatama sa katawan ko, gumulong lang ako hanggang sa bumagsak ako sa damuhan kung normal lang ako malamang patay na ako sa taas ba naman ng pinaghulugan sakin.
Nakaramdam uli ako ng pagkahilo at hinayaan ko na lamang sarili mawalan ng malay ulit.
●●●
Nang magkamalay ako uli ay, napasabunot ako sa d**o, dumadampi sa sa balat ko ang patak ng ulan. Nag f-flash back sa isipan ko ang gabing iyon, I hate rain.
Pakiramdam ko tumama ng kay lakas ang ulo ko nanlalabo paningin ko, dahan-dahan ako tumayo. Napa-singhap ako ng pinapalibutan ako ng mga nanlilisik at mapupulang mata sa madilim na parte ng gubat.
"Blood E," usal ko bago humakbang, marami akong pasa na tamo sa pagkakahulog.
Paika-ika ako lumakad binilisan ko na nang sumunod sakin ang mga Blood E, kasabay ng pag-agos ng ulan ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi ko kakayanin ang bilang nila baka hindi ko na makita si Hero i must save my self in at this sort of time.
Hinang-hina ako tumakbo sa masukal na kagubatan nanlaki mga mata ko ng hinablot ng isang gutom na Blood E ang isang binti ko namimilipit ako sa sakit ng kumapit ako sa puno. They're all agressive they don't even care if my blood is harmful. Sinipa ko pagmumukha ng bampira na iyon upang bumitaw.
At pinagpatuloy ko ang pagtakbo, minsan ay natitisud o sumisimplang ako.
"Help," bulong ko.
Hanggang nga sa hindi na kinaya ng mga paa ko bago pa ako bumagsak may braso na sumalo sakin, Nilingon ko ang mga Blood E in just one blink they all turn into ashes.
"You're safe now my little princess," Hindi ko naaninag ang mukha ni Hero, bago ako mawalan ng malay na pa ngiti ako.
"You save me again... my Hero," Naghihingalo kong sabi.
●●●
[ 3rd Person's POV ]
Balot ng itim na dugo ang puting kasuotan ni Ashure ng Pagbuksan sila nang mala-pilak na pinto sa mansion ng Crown Prince ang kanyang Hero.
"Your Highness, mabuti naman at nahanap nyo si Ash," Nag-aalalang bungad ni Hana sa kanya, buhat ngayon ng prinsepi ang dilag.
Kanina pa nila hinahanap ang dalaga kaya nagkakagulo na rin ang mga taga pag silbi ng prinsepi sa labas upang hanapin lang si Ashure.
"Call Dr. Santiago Immediately," Isang Doctor na nagsisilbi sa mga bampira. Bumakas ang matinding pag-alala sa mukha ng prinsepi ng sulyapan nya ang sugatang dalaga.
Meanwhile, Inulat ng doctor na stable na ang kalagayan ng dalaga kahit malala ang fracture na natamo dahil sa pagkakahulog, and by the help of her black blood her wounds and fractures slowly heals.
Apat na taon ang nakaraan Ganun rin ang awa sa mata ng prinsepi nang titigan nya si Ashure na nakahiga sa king size bed, mahimbing itong natutulog binabawi ang lakas na nawala.
Nang magkamalay ang dalaga agad tumambad sa kanya ang mukha ng prinsepi na nasisinagan ng liwanag galing sa buwan na pumapasok sa bintana ng malawak na silid. Hindi nya maiwasan magulat at masindak sa hitsura nito hanggang nga sa bumangga likuran nya sa headboard ng kama.
Agad nadismaya ang prinsepi sa naging reaction ni Ashure ng makita ang hitsura nya, Puno sya ng piklat ulo hanggang paa, Scars of his every sins. Nakapikit at bulag rin ang kanang mata nito dulot ng isang matinding kasalanan.
"Who are you?" Tanong ni Ashure sa timbre ng boses ay halata ng nagpipigil sya ng takot.
"Your Hero," Kalmado na tugon ng Prinsepi, ito ang isang dahilan kung bakit ayaw nya magpakita sa babaeng inampon nya.
"Y-you're not! Isa ka rin sa mga Blood E diba? Umalis ka lubayan mo ako!"
Tila binugbog ang kalooban ng prinsepi ng marinig na pinagtabuyan sya ng dalaga na apat na taon nya pinotektahan sa mga nagnanais kunin sya. Boung akala nya'y matatangap ni Ashure ang anyo nya ngunit bigo sya at parang dinudurog sya ng makita ang takot sa mukha ng dalaga.
He smiled bitterly.
"Accept the mere fact..." He trilled off and his orbs turning into bright crimson color.
"Your Hero is a Monster," Mas lumamig ang boses nito.
----
To be continued...