Chapter 4:Scared

2211 Words
"Ma'am, gising na po. Manananghalian na." Nag mulat ako ng mata nang may yumugyog sa balikat ko. "Bakit po, Manang? Anong oras na?" tanong ko habang papikit-pikit pa.Inaantok pa ako eh. Gusto ko pang matulog. Sobra akong napagod. Hindi ko tuloy maiwasang mamula kapag naalala ko 'yung mga pinagsaluhan namin ni Superior kagabi."Kain na po, Ma'am. Mag-a-alas dose na po. Utos po kasi ng Superior na gisingin ka para kumain." Nagmulat ako ng mga mata para tignan 'yung katulong. Sa tingin ko, siya ang mayordoma dito. Iba kasi 'yung uniform niya kesa sa uniform ng mga maid kagabi. "Mag-aayos lang po ako, Manang." "Sige po, Ma'am." Lumabas na siya ng kwarto kaya pumikit muna ako nang ilang minuto dahil masakit pa rin ang gitna ko. Heck! Gano'n pala ang pakiramdam no'n ? Mas lalo akung namula. Pero na-enjoy ko naman kahit papaano. My between is sore pero kaya ko pa namang tumayo.Kinapa ko ang katabi ko habang nakapikit parin kaso wala na do'n si Superior. Wala akong makapang katawan niya. Nagmulat ako ng mata at tiningnan ang katabi ko at talagang wala na siya do'n. I sighed, pinapagising niya nga pala ako kay Mayordoma.'Nasaan kaya siya?' tanong ng utak ko. Hindi ko alam pero bigla ko siyang na-miss. Posible kaya 'yon kahit kagabi pa lang kami nagkakilala? Hay, nababaliw na yata ako. Napagpasyahan kong bumangon. Nahihirapan pa ako nu'ng una dahil masakit talaga siya. Okay, paulit-ulit na ako.Paika-ika pa akong naglakad papuntang bathroom. Mukha akong penguin sa paraan ng pag lalakad ko. Buti na lang at nakarating din ako sa loob.Naligo muna ako kaso walang pambabaeng gamit si Superior panligo. Gumamit na lang ako ng sabon pagkatapos nag-shampoo. May stock siya'ng toothbrush kaya ginamit ko 'yon.Nang matapos ako, doon lang ako natauhan na wala pala akong damit na susuotin.Napatingin ako sa walk-incloset niya at pumasok do'n. Bahala na nga kung papakialaman ko ang mga gamit niya. Kesa naman wala akong maisuot, 'di ba? Kumuha ako ng t-shirt na 'yung manggas ay abot hanggang siko ko tapos sobrang haba. Kulang na lang umabot na sa tuhod dahil sobrang haba talaga tsaka maluwang. Kunsabagay, ang hunk ni Zieg. Kumuha rin ako ng boxer niya do'n.Pumunta ako sa salamin pagkatapos kong magbihis. Full length mirror ang salamin niya dito sa loob ng walk-in closet kaya kita ko ang buong katawan ko. "Mukha akong ganster." natatawang sabi ko First time kong magsuot ng panlalaking damit tapos sobrang luwag pa sa akin.Napahawak ako sa leeg ko nang may makita akong dalawang butas o marka ng kagat ng bampira. Nilapit ko sa salamin ang leeg ko at 'di nga ako nagkakamali. May marka nga do'n. "Kinagat n'ya nga pala 'ko kagabi." bulong ko. Baka nanggigil lang siya kaya kinagat niya ang leeg ko. May nakita rin akong hickeys. Nagkibit-balikat na lamang ako bago napagpasyahang lumabas ng kuwarto. Doon ko mas nasuri ang buong bahay. Para nga itong castle sa laki ng lugar. May nag lalakihang chandelier kaso 'yung mga kurtina, nakasara lahat kaya naging creepy ang ambiance. Pero hindi naman madilim dahil sa ilaw mula sa chandelier. Naglakad ako sa hagdan papuntang ibaba. Pagkababa ko naman, nakita ko si Mayordoma na nakangiti sa akin. Nilapitan niya ako. "Ma'am, dito po 'yung dining room." sabi niya at ginaya ako sa pintong malaki na kulay gold. Binuksan niya ito at naamoy ko agad ang mabangong amoy ng mga pagkain at bumungad sa akin ang mahabang lamesa. "Dito po kayo umupo, Ma'am." sabi niya sabay hila ng kabisera o 'yung upuan na para sa mga padre de pamilya. "Manang, ako lang po ba'ng kakain? Nasa'n po si Zieg?" tanong ko sabay upo sa upuan.Ang haba talaga ng lamesa. Sa tingin ko, mga 30'ng upuan ata ang nakapalibot sa mahabang lamesa tapos ako lang ang kakain. Para akong queen kung titingnan. "May pinuntahan lang po. Pero huwag po kayong mag-alala, babalik din po ang Superior." sabi niya. Tumango na lang ako. "Kumain na po ba kayong lahat?"tiningnan ko sila isa-isa. 'Yung mga men in black ay nakatayo sa gilid at mga maid na nagse-serve sa akin ng pagkain."Tapos na po, Ma'am. Kumain na po kayo." yumuko si Mayordoma at lumabas ng dining room kasunod ang mga maid. Ang cute pala ng uniform nila. Tiningnan ko lahat ng pagkain sa lamesa at kumalam ang tiyan ko sa nakahilerang mga pagkain sa harap ko.Kumain na ako kahit naasiwa ako dahil mag-isa akong kumakain sa mahabang lamesang ito.Ang sasarap ng mga pagkain kahit hindi ko alam kung ano ang tawag sa mga ito. Bahala na. Gutom na gutom na ako eh. Napatigil ako sa pagkain nang biglang bumukas 'yung pinto ng dining room kaya napatingin ako do'n sa pinto habang kagat-kagat ang pakpak ng manok.Muntik na akong maubo pagkakita ko sa taong pumasok. Naunang pumasok si Superior na nakasuot ulit ng shades habang seryosong nakatingin sa akin. Sumunod si Rusty na nakikipagtawanan sa dalawang pang lalaking kasama nila. Napatigil sa pagtatawanan sina Rusty at 'yung dalawang guy nang makita nila ako. Nagkanya-kanya silang tikhim at umayos ng lakad. "Hi." bati ko sa kanila sabay kagat ng chicken wings na kagat-kagat ko. s**t, nakakahiya 'yung bungad nila sa akin. "S'ya na ba 'yon, Superior?" tanong nu'ng cute na lalaki kay Zieg sabay upo 'di kalayuan sa akin. "Tangina! May mata ka naman, 'di ba? Nagtanong ka pa. Ulol ka talaga!" sabi ni Rusty sabay upo sa tabi nu'ng cute guy. "Putcha! Nagtatanong lang kagwapuhan ko eh. Ang ganda kasi ng binibini. Hi nga pala, Miss." sabi nu'ng cute sabay ngiti sa akin at kumaway. Nginitian ko rin siya pabalik. Ang cute niyang ngumiti promise, napaka friendly rin. "Woah! Ang ganda! Galing talaga ng taste mo, Superior." sabi rin nu'ng isa pa nilang kasama na cute rin. Manghang-mangha sa akin Umupo si Zieg sa tabi ko habang sinusuyod ng tingin ang kabuuan ko kahit nakaupo ako. 'Di tuloy ako makakain nang maayos.'Yung tatlo naman ay nasa harap niya, nakaupo. Ganito kasi 'yung formation ng pagkakaupo naming lima. 3 vacant chairs-Cute guy-Rusty-Cute guy-chair | |Ako| long table |Chair | | Zieg-6 vacant chairs Gan'yan 'yung formation namin sa isang mahabang lamesa. Nahihirapan tuloy akong lumunok dahil sa titig ni Zieg sa akin. Siguro na isip niya, bakit ko suot ang damit niya. "Pinakialaman ko pala gamit mo. Wala akong damit eh." sabi ko sa kanya. "Tss." Napatuwid ako nang upo dahil bigla niyang hinawi 'yung buhok ko na nakatakip sa leeg ko na may kagat niya. Tiningnan niya ito nang maigi at parang may malalim siyang iniisip. "Don't worry. You're still a human." sabi niya na 'di ko naman na-gets. "Superior, ang bilis mo naman. Katulad na ba 'yan natin?" tanong nu'ng cute guy. Hay! Puro ako cute guy. 'Di ko alam pangalan nila eh. Basta gold ang buhok nu'ng nagsabi no'n. Goldy na lang kaya muna itawag ko sa kanya? "Anong katulad n'yo?" takang tanong ko, kumunot pa ang aking noo.Nagulat ako nang hinagisan ni Zieg si Goldy ng kutsilyo na kinuha niya lang sa lamesa. Napasinghap tuloy ako dahil sa kaba. Buti na lang 'di natamaan si Goldy. "Woah! Superior, muntik na 'yon ah!" sabi ni Goldy. "Don't try me, shithead." nakakatakot na sambit ni Zieg. "Tangina! Mananahimik na nga lang itong kagwapuhan ko. Ayaw ko pang mamatay, pakshet naman." sabi niya. "Buti nga sa'yo. 'Wag mo kasing pangunahan si Superior." natatawang sabi ni Rusty at nu'ng isang cute. "Tsugi ka sana 'tol. Buti na lang nakailag ka." si cute guy habang tumatawa nang malakas. "Gago! Sa'yo ko kaya ihagis 'yung kustsilyo para mawala ka sa mundo." -Goldy. "Nga naman, Alexander."-Rusty. Magsasalita pa sana si Goldy kaso sumingit si Zieg na nagpatahimik sa kanilang tatlo. "The three of you are so freaking noisy. Do you want me to get your ass out of here?" nawala ang tawanan nu'ng dalawa at natahimik sila pero nagpapatayan sila sa tingin. Grabe, ang sama pala talaga ng ugali ng Superior na 'to. "Hoy! 'Wag mo na nga 'yung ulitin. Muntikan mo nang mapatay 'yong tao." saway ko kay Zieg.Binalingan niya ako ng tingin at binigyan ng walang emosyong mukha. Napa-urong ako sa paraan ng titig niya. "Oh, shet. Ayaw pa naman ni Superior ng gan'yan." rinig kong bulong ni Rusty. "The hell I care? Continue your food." walang emosyong sabi niya. Ngumuso naman ako. Akala ko sisigawan niya ako. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang sila naman, may pinapaluto yatang ibang putahe. Narinig ko pa ang malulutong nilang mura at gulat na mukha habang nakatingin sa akin."Get your dirty eyes off her, fuckers." Nag-iwas ng tingin 'yung tatlo sa akin at nagsisipulan. Rinig ko pa 'yung malalim nilang paglunok. Ano ba'ng meron kay Zieg at nagagawa niyang takutin ang mga nakapaligid sa kanya sa simpleng salita niya lang? Hay! 'Di ko pa alam pangalan ng dalawang kasama nila. Ano kayang pangalan ng dalawang cute na 'to? Kaibigan kaya sila ni Zieg? O parang right hand din kagaya ni Rusty? "Superi- Woah! Mananahimik na 'ko. Tangina naman oh" Hindi na natapos ang sasabihin no'ng hinagisan ni Zieg ng kutsilyo kanina dahil mukhang hahagisan nanaman yata siya nito ng kutsilyo. "Do you want me to cut your f*****g neck, Carter?" malalim ang boses na pagbabanta ni Zieg. "Wengya! Itatanong ko lang naman kung anong pangalan ng asawa mo eh." kinakabahang sabi ni Carter daw at nagtago sa likod ni Rusty. Tinaboy naman siya ni Rusty at kinutungan. "Taena ka, para kang bakla. 'Wag ka ngang magtago." sabi ni Rusty. "Putik 'tol! Nababakla ka nanaman!" natatawang sabi nu'ng isa pang cute. Hindi ko na lang sila pinansin at binalingan si Zieg ay binigyan ng nagtatanong na tingin.Ako? Asawa na niya ako? Agad-agad? 'Di man lang niya sinabi, hindi man lang ako na-inform, at wala pang kasalang nagaganap. Eh? Tanga mo, Chen. Gusto mo bang pumasok sa simbahan at magpakasal sa nakakatakot na taong 'to? "Superior, pakilala mo naman kami kay Miss Beautiful." sabi nu'ng cute. "Tss. She's my woman, that's all." bagot na sabi niya.Teka, woman? 'Yun lang? Wala ba siyang balak sabihin ang pangalan ko sa kanila? s**t naman! Bahala na nga, ako na lang magpapakilala sa sarili ko. Sama kasi ng ugali ng isang ito eh. "I'm Chendal Smith." nakangiting sabi ko. Nakita kong umigting ang panga ni Zieg. Problema niya? "Wow! Nice name. Ako naman si Stephen. Stephen Carter." masiglang sabi ni Goldy. Carter pala name niya.Tingin ko, siya ang pinakamakulit sa kanilang tatlo. Siya lang naman kasi 'yung hinigisan ni Zeig ng kutsilyo.At pinag iinitan lagi. Tatayo na sana siya para makipagkamay kaso naramdaman niya yata ang matalim na tingin ni Zieg sa kanya kaya bumalik na lang siya sa pagkakaupo at nginitian na lang ako. "I'm Alexander Lincoln, ang pinakagwapo sa lahat ng gwapo." sabi ni Alexander/Cute Guy. Nginitian ko lang siya. Ito yata ang pinakamahangin sa kanilang tatlo. "Tangina 'tol! Mas gwapo ako sa'yo!" angal ni Carter."Tarantado, pwet ka lang eh!" sigaw naman ni Alexander. "Lintik! Ikaw, paa ka lang. Mukha kang taeng nalaspag. Panget mo, 'tol." sigaw rin ni Carter. "Tangina n'yo, mahiya nga kayo sa akin. Nanahimik na nga itong kagwapuhan ko, letse kayo!" pagsingit ni Rusty sa usapan. "Aba! Tarantadong 'to! Isa ka pa, mukha kang shokoy, ulol!" sigaw ni Alexander. " Mas mukha kang shokoy!" -Rusty. "Nag-aaway kayo kung sinong shokoy sa inyo eh pare-pareho lang naman kayong shokoy. Buti pa ako, umaapaw ang kagwapuhan." -Carter. Bakit nagtatalo ang tatlong ito kong sinong pinakagwapo sa kanila? Eh cute lang naman sila para sa akin. "Honghang! Mahiya ka nga sa sarili mo!" sabay na sigaw ni Alexander at Rusty kay Carter. "Fighting in front of me is like a f*****g suicide to your useless lives. Get the f**k out of here before I use this s**t to kill the three of you."Natahimik silang tatlo at gulat na tiningnan 'yung hawak ni Zieg. Pati na rin ako, nagulat. Saan galing 'yang matalim na bagay na hawak niya? Kumikintab pa ito dahil sa sobrang linis. "One." sambit nito habang nakatingin sa tatlo. Isang matalim na tingin ang binigay niya dahilan para sabay-sabay silang mapalunok nang sunud-sunod. "Two." pagpapatuloy niya. "Thr-" 'Di pa tapos ang number three nang magsitakbuhan na ang tatlo palabas ng dining room.Naiwan kaming dalawa ni Zeig. Binalingan niya ako ng tingin pagkalabas ng tatlo. Napalunok ako ng laway at sunud-sunod akong sumubo ng kanin.What the hell? Nakakatakot siya. Kahit 'di ko nakikita ang mga mata niya, alam kong nagbabaga 'yung mga mata niya ngayon. "Scared of me?" sambit niya. 'Di ako nagsalita at mas binilisan ko pa ang pagsubo. Gusto ko nang umalis sa tabi niya. 'Di ko kaya ang presensiya niya. Masyado siyang nakakatakot. Baka sa akin niya itira 'yang patalim na hawak niya. Bigla siyang tumayo sa pagkakaupo kaya tiningala ko siya. Nakatitig pa rin siya sa akin kahit nakatayo na siya."Don't worry. It's not your time, Miss." Umalis na siya pagkatapos niyang banggitin ang katagang 'yon. Naiwan naman akong naka nganga. Anong ibig sabihin no'n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD