Chapter 1:Scary
CHEN
“Ito ba ’yung bago?” tanong ng babaeng mukhang balyena sabay turo sa akin.
Nakatungo lang ako dahil nahihiya ako sa sarili ko. Pakiramdam ko, ang dumi-dumi ko na kahit hindi pa ako nagsisimulang magtrabaho.
“Yes, madame. Siya ’yung bago,” sabi ni Maya.
Siya si Maya Lopez. Kaibigan ko na akala ko inosente, pero iyon pala, may tinatagong mga lihim.
Siya ang nagdala sa akin dito sa lugar na ito, kung saan sasayaw kami sa harap ng maraming tao.
I had no choice kundi pasukin ang trabahong ito, dahil kahit saan ako madestino; mapa-janitress, yaya, secretary, at kung ano-ano pang trabaho, wala akong alam. Pati paghuhugas ng pinggan, hindi ko alam. Ikaw ba naman ang galing sa marangyang pamilya na biglang naging mahirap.
“Ang ganda niya, Maya. Saan mo napulot ang babaeng ito? Panigurado akong marami siyang customer mamaya,” sabi ng balyena habang sinisipat ako ng tingin.
Shit! I want to die. I want to get out of here! Pero kahit gusto kong umalis sa lugar na ito, hindi pwede. Wala na akong pera.
Peste naman kasi! Kung kailan umuusbong na ang company nina Daddy at Mommy, at saka pa sila namatay. Yes! Namatay sila dahilan para ma-bankrupt ang company namin. I didn’t know how to manage a business dahil ang alam ko lang ay maglakwatsa at gumala kasama ang mga kaibigan ko na akala ko tutulungan ako, pero wala ni isa sa kanilang tumulong sa akin.
Buti pa itong si Maya na inaapi ko noon, siya pa ang nagmalasakit sa akin.
Noong namatay ang Daddy at Mommy, sa pagkakaalam ko, walang findings na maayos ang mga doktor dahil wala raw silang nakitang sakit na maaaring ikinamatay ng dalawa. Basta ang alam nila, parang nalason daw. At hindi pa talaga sila sure sa bagay na iyon.
Mga buwisit na doktor. Pasyente, hindi alam kung ano’ng sakit at ano’ng dahilan ng pagkamatay? Basta ang alam ko, nasa party sina Mommy at Daddy noon sa kasosyo nilang business tycoon, at iyon na nga, may tumawag sa akin at sinabing nasa ospital ang mga magulang ko.
But sad to say, patay na sila nang maabutan ko sila sa ospital. Nang araw ding iyon, lumapit ang attorney nina Mommy’t Daddy sa akin at sinabing ibinilin sa akin ang company at 100 million pesos. Kaso hindi ako marunong mag-handle ng business kaya ibinenta ko ang kompanya sa halagang 200 million.
Marami akong ginastos gamit ang perang nakuha ko. Nagpa-imbestiga ako kung ano talaga ang totoong dahilan ng pagkamatay nina Daddy at Mommy. Kaso gumastos na ako ng 2 million, wala pa rin. Sobrang misteryoso ng pagkamatay nila.
Ginastos ko nang ginastos ang pera. Gala rito, gala roon kasama ang mga kaibigang ginamit lang pala ako. Araw-araw kaming gumagala at araw-araw akong naglalabas ng pera. Siyempre, libre ko. Hindi ko namalayang unti-unti na palang nauubos ang pera ko hanggang sa wala nang natira.
“Suotin mo ’to, hija,” sabi ng balyena sa akin sabay bigay ng isang pulang damit na sobrang nipis. Kita ang cleavage ko kapag sinuot ko ito.
“’Wag ka nang maarte diyan. Bawal ang pa-inosente rito. Ngayong gabi, ikaw ang superstar,” sabi niya. Nakayuko kong tinanggap ang damit.
“Hoy, Maya! Samahan mo ’yang bago nating dancer,” utos niya kay Maya.
“Yes, madame,” sagot ni Maya at nilapitan ako.
“Uy! Ang suwerte mo. Superstar of the Night ka kaagad kahit kapapasok mo pa lang,” nakangiting sabi ni Maya.
Pilit ko siyang nginitian.
Ang laki ng utang ko kay Maya. Dahil sa kanya kaya hanggang ngayon, nabubuhay pa rin ako sa mundo. Isang buwan na akong naghihirap at isang buwan na rin akong walang matinong trabaho. Hindi ako umaabot nang tatlong araw dahil sesante agad ako. Wala nga kasi akong alam sa trabaho. Buti na lang itong si Maya, kinupkop ako sa apartment niya. Binu-bully ko siya noon kasi gusto niyang makipagkaibigan sa akin. E, ako namang spoiled brat, ayaw sa mahihirap. Kaya ayun, parati ko siyang pinagti-trip-an sa school.
“Naku, pasensiya ka na talaga at dito kita dinala. Wala na kasi akong alam na ibang—”
“Okay lang. Dapat nga, ako pa’ng mag-sorry sa iyo,” nahihiyang sabi ko.
“Naiintindihan kita. Sige na, pasok ka na sa dressing room dahil sasayaw ka na mamaya.”
Tumango ako at pumasok sa loob ng dressing room. This night, magbabago na talaga nang tuluyan ang buhay ko. This was the first time na panonoorin akong sumayaw ng maraming tao.
“Hoy, Superstar of the Night! Ikaw na ang sasayaw. Galingan mo a?” sabi ni Balyena sa akin.
Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Abot-abot ang kaba ko habang dahan-dahan kong hinahakbang ang aking mga paa papunta sa stage kung saan may mahabang stainless pole.
Kung pagsasayaw ang pag-uusapan, magaling ako riyan. Pero sa self-confidence, talong-talo ako. Ewan ko ba. Noong mayaman pa ako, ang kapal-kapal ng mukha ko. Pero ngayon, halos ayaw ko nang tumitig sa mga tao dahil sa kahihiyan.
Nagsimula nang tumugtog ang slow sensual music. Nakatayo lang ako sa gitna ng stage habang nakayuko. Pinapalakpakan nila ako at may nagwi-whistle kaso nawala agad iyon nang makita nilang nakatayo lang ako sa gitna ng stage.
“Hoy, babae. Sumayaw ka!” galit na sigaw ni Balyena.
“Chen, sumayaw ka na!” sigaw rin ni Maya.
Hinigpitan ko ang pagkakakapit sa damit kong kakarampot lang. Hindi ko yata kaya ang ganitong trabaho.
“Ano ba ’yang Superstar of the Night n’yo? Walang silbi!”
“Sayang, ang ganda pa naman, kaso ang arte.”
“Boo! Baba n’yo na ’yan. ’Di marunong sumayaw ang puta!”
Kanya-kanyang sigaw ang mga tao sa loob ng club. Napapikit na lang ako nang mariin dahil sa masasakit na salitang binibitiwan nila.
Kahit gustuhin ko mang umiyak, pinigilan ko na lang at pilit kinalma ang sarili. ‘This night, I’m a b***h,’ sabi ng utak ko.
“Baba ka na! Walang silbi!’
“Hindi pwede ang bata rito!”
Sigaw pa rin sila nang sigaw. Hindi ako nakatiis. Inangat ko ang ulo ko at tiningnan silang lahat. Natahimik naman sila dahil sa biglaan kong pagtunghay ng ulo.
“s**t, ang ganda!” bulungan nila.
Ngumisi lang ako at sinimulan ko nang sumayaw kaya mas lalo silang nagbulungan. May ilang mura ang lumalabas sa mga bibig nila pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay matapos agad ang trabaho ko.
“Wew!”
“Wooo!”
Umikot ako sa pole habang dinidilaan ito. Sinayawan ko yung pole nang walang humpay at minsa’y umaakyat pa ako at doon sumasayaw. Marunong akong mag-pole dancing dahil ito ang kadalasang ginagawa ko nang sumali ako sa Pole Dancing Club sa school noon.
Wala akong nakikitang ibang ekspresyong galing sa mga tao kundi ang nakanganga nilang mga bibig na kulang na lang, pasukan na ng langaw, paghanga, at higit sa lahat, lust.
Nilapitan ko ang lalaking kaedaran ko lang yata. Nakangisi siya habang nakatitig sa akin. Nasa malapit siya sa stage kaya naabot ko agad siya. Nakuha kasi agad ng atensiyon ko ang lalaking ito.
Itinaas ko ang panga niya at inakit ko siya sa mga titig ko habang patuloy na sumasayaw, kaso nanatili lang siyang nakangisi.
Inilapit ko ang mukha ko sa kanya kaso inilag niya ang mukha niya sa akin at tiningnan niya ang isa sa madidilim na sulok nitong club.
“May bantay,” bulong niya na hindi ko maintindihan.
Sinundan ko ang tinitingnan niya habang sumasayaw pa rin ako. Natigilan ako sa nakita kong pigurang nasa madilim na sulok. Isang kakaibang mata na ngayon ko lang nakita. Nakatitig siya sa akin at nag-aalab ang kanyang tingin.
Hindi ko naiwasang matakot sa mga titig niya sa akin kahit nasa malayo siya. Ramdam ko ang nakakatakot niyang awra, sabayan pa ng mga mata niyang kakaiba ang kulay.
Binalingan ko ng tingin ang lalaking kanina pa nakangisi sa akin. Lumayo ako rito dahil may nakikita rin akong kakaiba sa mga mata niya.
What kind of people are they?
***
“Maya, kilala mo ba ’yung taong ’yon?” tanong ko kay Maya sabay turo sa lalaking sinayawan ko kanina.
Napatingin ako sa sulok kung saan nakaupo ang lalaking kakaiba ang mga mata at may nakakatakot na awra kaso wala na siya roon.
“’Yong guwapo?” tanong ni Maya. Tumango lang ako. Yes! Guwapo nga ang lalaking sinayawan ko kanina.
Iyong lalaking nakaupo sa madilim na sulok, hindi ko alam kung ano’ng itsura niya kasi nasa madilim siya kanina, pero ang alam ko, ang mata niya, ibang-iba.
“Kilala mo siya?” tanong ko.
“Hindi, e. Ngayon ko lang siya nakita rito.”
Tumango naman ako habang nakatitig pa rin sa lalaking sinayawan ko kanina. Nakikipagtawanan siya sa babaeng ka-table niya. Nagulat ako nang bigla siyang napatingin sa akin at nginisihan na naman ako.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at nagtatatakbo papunta sa dressing room. Sumunod naman si Maya sa akin.
Kinikilabutan ako sa titig ng lalaking iyon at ang pagngisi niya sa akin.
“Pwede na ba akong umuwi?” tanong ko kay Maya.
“Hindi pa e. Kailangan mo munang sumayaw nang isang beses bago matapos ang trabaho natin,” sabi niya. Tumango lang ako at hinilamos ang aking palad sa buong mukha ko.
“May problema ba, Chen?” tanong niya. Umiling lang ako.
Iniisip ko ang lalaking nasa madilim na sulok kanina. Parang may nagtulak sa aking tingnan ang mukha niya kaso wala na siya roon. Gusto ko ring matitigan ang mga mata niya para malaman kung tama ba ang nakita ko kanina. Parang mga mata ng isang—Damn! It can’t be. Hindi sila totoo.
“Superstar of the Night, may gustong makipag-table sa ’yo,” biglang sulpot ni Balyena.
“Sino po?” tanong ko.
***
Habang papalapit ako sa taong nakatalikod sa akin, abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung sino ang taong ito pero nararamdaman ko ang aura niyang katulad n’ong sa taong nasa madilim na sulok kanina.
“Good evening, sir,” sabi ko sabay punta sa harap niya habang nakayuko.
Hindi siya sumagot kaya hindi na rin ako nag-atubiling itunghay ang ulo ko. f**k! Hindi ko pa nga nakikita ang mukha nito, nanginginig na ang tuhod ko sa takot.
Ano ba ang dapat kong gawin sa ka-table ko? Pasayahin at landiin? Pero bakit hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko?
“Face me,” maawtoridad na utos niya Nahihimigan ko ang inis sa nakakatakot niyang boses.
Kinagat ko muna ang ibabang labi ko bago ko inangat ang ulo ko at tingnan siya. Damn! Naka-shades siya na high tinted at ang puti niya. Sobrang tangos ng ilong at ang pula ng mga labi na parang nang-aakit. Napalunok ako nang sunod-sunod.Kahit hindi ko nakikita ang mata niya, ramdam kong sinusuri niya ako ng tingin.
“I like you,” diretsong sabi niya dahilan para matigilan ako. Kung kanina, kumakabog nang sobra ang dibdib ko; ngayon, mas lalo itong nagwala sapagkat doble-doble ang naramdaman kong kaba dahil sa sinabi niya.
“P-Pardon?” nanginginig na sambit ko.
“I don’t repeat my word,” malalim ang tinig na saad nito.
God! Nakakatakot ang isang ito. Hindi ko kaya ang presensya niya, sabayan pa ng titig niya sa akin na parang tinutunaw ako. Kahit naka-shades siya, ramdam na ramdam ko pa rin ang nag-aalab na tingin niya sa akin.
“I know you saw me in the dark while you were dancing like s**t,” nakangising sabi niya.
Kung ganoon, siya ang taong iyon. Ang taong nakakatakot ang awra na nasa madilim na sulok kanina.
“Do you want a job?”
Napatanga naman ako sa tanong niya.
“H-Ha?”
“I’ll give you a job,” walang emosyong sabi niya.
Trabaho? Bibigyan niya ako ng trabaho?
“A-Anong trabaho?” nanginginig pa ring sambit ko. Hindi siya sumagot kaya nagtanong ako ulit.
“Anong klaseng trabaho?”
Umayos siya ng upo, inayos ang kanyang shades, at sinagot ang tanong ko.
“Be my wife . . . and my drinking prey.”
Natigilan ako, napanganga, at higit sa lahat, hindi makapagsalita dahil sa sobrang gulat
What the? Hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi niya dahil ang hina ng pagkakabanggit niya sa katagang iyon. Pero kahit marinig ko pa iyon, hindi na iyon magsi-sink in sa utak ko dahil napuno na ng katanungan ang isip ko dahil sa unang katagang binanggit niya.
God! Nasisiraan na ba ang taong ito? Sinong baliw ang mag-aalok ng ganyang trabaho? Wife? What the hell? Parang nawala yata ang takot ko sa taong ito at gusto ko na lang isipin na humithit siya ng sangkaterbang shabu.
Kanina pagkalapit ko sa kanya, sinabihan niya agad ako ng ‘I like you.’ Ngayon naman, inaya niya akong maging asawa. May sayad yata ang isang ito e!
“Magpa-rehab ka na po. Natutuyuan ka yata ng utak,” sabi ko at nagpigil ng tawa.
Nakita kong umigting ang panga niya dahil sa sinabi ko at naramdaman ko na naman ang matalim na tingin niya sa akin kahit tinted ang shades niya.
“I’m serious, Woman,” walang emosyong sabi niya.
Napatigil ako sa pagtawa at umayos ng upo. Bumalik yata ang takot ko sa kanya. s**t! Pinapatay na yata ako nito sa isip niya.
“I will pay you one million per week if you agree,” sabi niya ulit.
Napatanga naman ako dahil sa sinabi niya. Gosh! Seryoso ba siya? One million per week? Per week talaga?! Hindi per month? Ganoon ba siya kayaman? Mukhang niloloko lang ako nito. Dinaig pa ang mga mayayamang tao sa Asya sa laki ng pasuweldo e.
“T-Teka, one million? As in one million talaga—” Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang magsalita siya.
“If you’re not satisfied, I’ll make it one billion per week.”
Teka, ano raw? Mano-nosebleed yata ako sa halaga na iyon. Sobra-sobra naman yata?
“Pa-rehab ka na. Sasamahan po kita, gusto n’yo?” nakangusong sabi ko upang pigilan ang namumuong halakhak.
Umigting ulit ang panga niya kaya mas lalo akong napanguso. Crap! Sinong maniniwala sa kanya kung ganyan kaganda ang offer niya? Wala yatang ganyang suweldo sa mundo e. Talagang nababaliw na siya o ’di kaya, miyembro siya ng budol-budol gang.
“I’m warning you, Woman,” malalim na boses na sabi niya dahilan para tumaas ang mga balahibo ko sa katawan.
“Sino ba’ng maniniwala sa ’yo kung ganyan kalaki ang magiging suweldo ko?!” Itinago ko muna ang takot ko sa katawan at taas-noo siyang sinigawan kahit nanghihina ako sa mga tingin niya. Kahit naka-shades siya, tagos na tagos ang mga tingin niya sa mga buto ko.
“Tss. Stupid,” mahinang sabi niya pero narinig ko naman. Hindi ko pinansin ang pagbulong niya at nagsalita ulit ako
.
“Ano nga ’yung trabaho?”
Sisiguraduhin ko muna. Baka nagkamali lang pala ako ng dinig kanina.
“Be my wife,” malamig na sabi niya.
Hindi nga ako nagkakamali. Wife? Sa tingin niya, papayag ako? Kahit two billion o trillion ang ibayad niya sa akin, hinding-hindi ako papayag. Hindi ako baliw para pumasok sa ganyang sitwasyon. Mawawala sa akin ang iniingatan kong virginity at ang dala-dala kong apelyido dahil sa pesteng trabaho na iyan. No freaking way!
“Pasensiya na po pero hindi po ako ang nag-iisang babae sa mundong ito. Ibang babae na lang po ang alukin n’yo. ’Yong may sayad sa utak katulad mo at papayag sa inaalok mo,” naiiritang sabi ko sabay tayo.
Hindi ako nasisiraan ng utak para pumayag sa trabahong sinasabi niya.
Wala bang pumapatol sa kanya? Guwapo naman siya. Mayaman. Sino ang hindi mahuhumaling sa kanya? Bakit dito pa talaga siya sa club naghahanap ng mapapangasawa?
Naglakad ako papalayo sa table niya kaso laking gulat ko nang nasa harapan ko na siya. Kaharap ko ngayon ang dibdib niya kaya tiningala ko pa siya.
Ang bilis naman niyang maglakad. Parang si Flash.
“’D-Di ba, n-nakaupo ka pa ro’n?” nauutal na sabi ko sabay turo sa table niya kanina na malayo-layo na sa kinatatayuan ko. Nakagagulat talaga.
“I told you. I like you that’s why I want you to be my wife.”
Binalewala niya ang tanong ko kaso ako nakatulala pa rin dahil sa gulat.
“Kaano-ano mo sina Superman at Spiderman?” parang tangang tanong ko, binalewala ko rin ang sinabi niya.
“Did you hear what I’ve just said?” malamig ang boses na tanong niya.
“Baka si Batman? Bakit ang bilis mong nakalapit sa akin?”
Binalewala ko na naman ang sinabi niya at iba ang pinagsasasabi ko.
Nagulat ako nang kinaladkad niya ako sa sulok nitong bar at isinandal ako sa dingding.
“Answer my f*****g question! And stop asking me stupid things!”
Natauhan naman ako dahil sa pagsandal niya sa akin at sa nakakatakot niyang boses. Nanginig naman ang mga tuhod ko dahil sa sobrang takot. Parang umaapoy ang mga mata niya sa galit kahit hindi ko naman ito nakikita.
“A-Ano ba’ng pinagsasabi mo sa tingin mo? Hinding-hindi ako papayag sa trabahong inaalok mo,” sabi ko kahit nanginginig sa takot. Binalewala ko na rin sa isipan ko ang mabilis niyang paglapit sa akin.
Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay niya sa ulunan ko habang umiigting ang panga niya.
Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya sa akin kaya napapikit ako dahil akala ko, hahalikan niya ako, pero nagkamali ako dahil bumulong lang siya sa tainga ko na nagbigay ng kilabot sa aking buong katawan.
“Remember this, Woman. You’ll regret refusing my offer. I’ll make sure you’ll be mine. Put that in your mind.”
Nagsitindigan naman ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa ibinulong niya. Hindi rin ako makapagsalita dahil sa sobrang takot. Hindi ko nga namalayang wala na pala siya sa harap ko. Nakaalis na siya samantalang ako, tulala pa rin at hindi makapagsalita.
Sino ba ang lalaking iyon? Bakit nakakatakot siya? Bakit gusto niya akong maging asawa niya? Bakit?
Kinikilabutan ako nang husto dahil nagustuhan niya ako agad. Posible kayang na-love at first sight siya sa akin?
Pero noong sinabi niyang gusto niya ako, wala man lang kabuhay-buhay ang pagsasalita niya at hindi ko nahihimigan na seryoso siya dahil wala siyang ipinakikitang emosyon. Posibleng pinaglololoko lang niya ako.
Sa tingin niya, maniniwala ako sa ‘I like you’ niya? Ano ako, uto-uto? Talagang miyembro siya ng Budol-budol Gang.
***
Kahit natakot ako roon sa banta n’ong lalaki na parang may sayad at nakakatakot, nagpatuloy pa rin ako sa pagtatrabaho sa club.
Kinabukasan ng gabi, sabay kami ni Maya’ng pumunta ng club. Nagustuhan ko na rin ang magtrabaho roon dahil malaki ang kita kahit first day ko pa lang.
“Hoy, babae. Ikaw na ang sasayaw. Baka tumanganga ka na naman? Buti na lang at maganda ka. Kung hindi, naku . . . baka nagsialisan na mga customer natin kahapon.”
Tumango lang ako. Kailangan ko na yatang masanay sa ganitong trabaho. Ang ipinagtataka ko kahapon, iyong lalaking nakakatakot ang aura lang ang naging ka-table ko, wala nang iba. Siguro walang nagtangkang i-table ako dahil akala siguro nila, boring akong babae.
Mas mabuti na nga siguro kapag ganoon dahil ayaw ko ring may ka-table. Hindi ako komportable. Baka bastusin lang ako at alukin na maging asawa kagaya niyong lalaki kahapon.
Umakyat na ako sa hagdan papuntang stage para sumayaw. s**t! Hanggang ngayon naasiwa pa rin ako sa ginagawa ko sa buhay ko.
Pagkatunog ng music, nagsimula na akong sumayaw gaya ng ginawa ko kahapon. Sinayawan ko ang pole at inakit silang lahat sa sayaw ko.
Napatingin ako sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok doon ang lalaking nakangisi at sinayawan ko kahapon na kakaiba rin ang mga mata.
Kumabog ang puso ko nang maiisip na baka kasama niya iyong lalaking nakakatakot. Naghintay ako ng ilang segundo kung may nakasunod sa kanyang nakakatakot na nilalang, at nakahinga ako nang maluwag dahil walang nakasunod sa kanya.
Natatakot na talaga ako sa lalaking iyon. Kahit kahapon lang kami nagkita, nanginginig pa rin ako. Hindi ko alam, basta ang lakas ng dating niya. Kahit sinong taong lalapit sa kanya, matatakot.
Umupo iyong palangisi sa inuupuan niya kahapon. Nakangisi na naman siya habang nakatitig sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kanya at itinuon na lang ang pansin sa pagsasayaw hanggang sa matapos ako.
Nilapitan agad ako ni Balyena pagkapasok ko sa backstage.
“Babae, nakikita mo ang lalaking ’yon?” Itinuro niya iyong lalaking palaging nakangisi sa akin.
“Opo,” sagot ko.
“Puntahan mo. Makikipag-table siya sa ’yo,” sabi niya sabay alis sa harap ko.
Shit! Baka siya naman ang mag-alok sa akin ng trabaho? No way! Nararamdaman ko pa namang may kakaiba sa lalaking iyon.
Inayos ko muna ang sarili ko at huminga nang malalim saka ako lumapit sa lalaking palaging nakangisi.
“Hi, sir,” sabi ko pagkalapit ko sa kanya. Sinenyasan niya akong umupo kaya umupo ako sa kaharap niyang upuan.
“Ang galing mong sumayaw. What’s your name?” nakangising tanong niya.
Bakit ba parating nakangisi ang isang ito? May nakakatawa ba? Para na siyang nasisiraan.
“Chendal Smith,” sagot ko
“Nice name. I’m Rusty Monteverde.” Inilahad niya ang isa niyang kamay kaya nakipagkamay ako.
Yumuko ako nang tinitigan niya habang nakangisi pa rin. Grabe, naiinis na talaga ako sa ngisi niyang iyan. Sarap bangasan sa mukha ng lalakeng ito.
“So, kumusta ang pag-uusap ninyong dalawa ni Superior kahapon?” tanong niya sabay bitiw sa kamay ko.
“Sinong Superior?” tanong ko.
“The one wearing shades yesterday. ’Di ba, nag-usap kayo?”
Teka, siya? Iyong nakakatakot na lalaking naka-table ko kahapon? Ang weird naman ng pangalan niya. Superior? Parang hari lang.
“If you’re thinking na pangalan niya ’yung Superior, well, you’re wrong,” nakangisi na namang sabi niya.
Napakamot na lang ako ng ulo. Weird. Superior? Bakit iyon ang tawag sa kanya?
“Kaano-ano mo ’yung Superior na ’yon?” Nakakatakot kasi.
Gusto ko sana iyong idugtong kaso huwag na lang. Baka pagtawanan niya pa ako.
“Let’s just say I’m his right hand.”
Right hand? As in buddy? Kumbaga parang amo niya ang lalaking iyon?
“So, ano nga’ng pinag-usapan n’yo kahapon?”
Nakipag-table lang ba siya sa akin para tanungin ang bagay na iyan? Tsismoso rin ang isang ito e.
“Alam mo, nababaliw na ’yang Superior n’yo. Wala na bang pumapatol sa kanya kaya naghahanap siya ng mapapangasawa?”
Nanliit ang mata ko nang bigla siyang tumawa. Letse! Pinagtatawanan niya ako!
“Kung alam mo lang . . .” umiiling na sabi niya.
“Kung alam mo lang na ano?”
Ayaw pang tapusin ang sinasabi. Umiling lang siya sabay tungga sa beer na nasa isang kamay niya.
“Kung alam ko lang na nababaliw na ’yung Superior n’yo? ’Di ba iyon ’yon?” panisiguro ko kaso hindi siya sumagot. Nginitian lang niya ako.
“Mukhang ikaw ang target niya,” natatawang sabi niya.
Natigilan naman ako at hindi agad nakasagot. Nagtaka kasi ako sa sinabi niya.
“Ano’ng ibig mong sabihin? Anong ako ang target niya?” takang tanong ko.
“Malalaman mo rin kung papayag ka sa inalok n’ya sa ’yo.”
Ngumisi na naman siya kaya hindi ko maiwasang mapangiwi. Bakit ang daming weird na tao? Mula yata kahapon, wala akong maayos na naka-table. Puro may sayad.
“Sige, hindi na ako magtatagal. Pumunta lang ako rito para tanungin ’yon sa ’yo.”
Tumayo na siya sa upuan niya, habang ako, parang may question mark pa rin sa ulo.
“Tip mo galing sa ’kin. Good luck na lang sa ’yo, Smith.”
Binigyan niya ako ng sobre kaso hindi ko tinanggap dahil nakatulala lang ako kaya inilagay niya ’yung sobre sa lamesa pagkatapos lumabas na siya ng club.
Naguguluhan ako sa sinabi niya. Anong ako ang target n’ong Superior nila? Huwag mong sabihing nanganganib ang buhay ko?
Kinuha ko ’yung sobre at nagmadaling pumunta kay Maya na nag-aayos ng damit niya.
“Chen, anyare sa ’yo? Bakit parang takot na takot ka? May ginawa ba ’yung ka-table mo sa ’yo?” nag-aalalang tanong ni Maya sa akin.
Umiling ako pagkatapos ay pumunta ako sa may water dispenser para uminom ng tubig.
Kinakabahan ako para sa sarili ko. Iyan ba ang ibig sabihin ng Superior nila? Iyong ibinulong ng Superior nila kahapon sa akin na mapapasakamay niya ako, iyon ba? Bakit niya ako target? Para saan? Papatayin niya ba ako? God! Ano’ng kasalanan ko sa kanya?
“Chen, uubusin mo ba ’yang tubig?” tanong ni Maya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pag-inom.
“Maya, uwi na tayo. Masama’ng pakiramdam ko,” pagsisinungaling ko.
Kailangan ko nang umuwi. Hindi ako mapakali. Gusto kong magkapag-isip-isip.
“Teka, tatawagan ko si Madame para makauwi ka, okay?” nag-aalalang sabi niya at tumakbo siya para hanapin si Balyena. Hindi ko alam ang pangalan niya kaya puro ako Balyena.
Pinayagan naman akong umuwi n’ong Balyena kahit kita sa mukha niya ang pagtanggi. Kaso nga lang, hindi kasama si Maya sa pag-uwi ko.
“Mag-ingat ka,” sabi ni Maya habang hinahatid ako papalabas ng club.
“Oo.” Nginitian ko siya pagkatapos sumakay na ako ng taxi.
Pagdating ko sa tinutuluyan namin ni Maya, agad akong humiga sa kama at nag-isip ng mga pwedeng mangyari sa akin.
Hindi ko namalayan dahil sa pag-iisip ko, nakatulog ako. Kinabukasan, nasa apartment lang kami ni Maya. Mamayang gabi pa kasi ang trabaho namin sa club.
“Oy! Okay ka na?” tanong ni Maya sa akin. Tumango lang ako.
Biglang tumunog ang cell phone niya kaya sinagot niya iyon.
“Yes, Madame?” sabi ni Maya. ’Yung Balyena pala ang tumatawag.
“Po?”
Kumunot ang noo ko dahil parang nag-aalala ang itsura ni Maya.
“Sige po, sige.” Iyan ang huli niyang sinabi bago niya ibinaba ang tawag.
“Bakit? Ano’ng nangyari?” takang tanong ko.
“Sabi ni Madame, sarado daw ’yung club ngayon dahil isasama ka raw niya mamayang alas-siyete sa isang event,” sabi niya.
Event? Ano naman kayang event iyon?
“’Yon lang pala e. Bakit parang nag-aalala ka diyan?”
“Kasi kinakabahan ako sa lakad n’yong ’yan” nag-aalalang sabi niya.
Ano ba iyang event na iyan? At bakit ako pa talaga ang isasama n’ong Balyena na iyon? Baka hindi nga maganda ang lakad na iyon.
“Sasama ako,” sabi niya ulit.
Nakahinga naman ako nang maluwag. Kahit papaano, napanatag ang loob ko. Sana walang mangyaring masama sa lakad na iyan dahil masama ang kutob ko.