Pagkatapos akong halikan ni Zieg sa labi ng mariin na halos mahilo ako gawa ng paghalik niya. Bigla niya akong binuhat pang bridal style dahilan ng pag sigaw ko ng di oras. "Waaah! Ano ba Zieg!" reklamo ko habang nakakapit sa leeg niya. Muntik na akong atakihin sa puso dahil sa gulat ng ginawa niya. "Tss..." Walang emosyon niyang tinahak ang pulang carpet habang buhat-buhat ako papalabas. Iyung mga bampira nakayuko parin hanggang ngayon. Hindi parin nila magawang titigan kami ni Zieg. Syempre utos ng superior yon eh. Napatigil sa paglalakad si Zieg nang may humarang sa dinaraanan. Binaling ko ang tingin ko sa pigura ng tao na nakatayo sa harap namin. Isa yung di katandaan na lalaki na may nakakatakot na aura parang kamukha siya ni Zieg. Nakatitig siya sa akin ng nakangiti, hindi ngiti