“Ready ka na, Chen? Tara na.” Nauna nang lumabas ng apartment si Maya.
Sumunod na rin ako sa kanya. Pupunta na kami ngayon kay Balyena kasi nga raw isasama niya ako sa event. Naka-bodycon dress lang ako habang naka-heels. Nagsuot rin ako ng necklace, bracelet, at earrings. Tapos naglagay lang ako ng light makeup, at medyo kinulot ko sa dulo ang buhok ko. Kailangan kong magpaganda dahil baka malaking event ang papasukan namin. Ayaw ko namang magmukhang kawawa.
Kahit naging mahirap ako, may mga damit pa naman akong maayos at mga gamit ko na kakailanganin. At saka kailangan ko pa ring mag-ayos sa sarili ko kahit mukhang daga ang pamumuhay ko. Total, malinis pa rin ako. Marumi man ang trabaho ko, malinis naman ang katawan at konsiyensiya ko.
Nagpara kami ng taxi ni Maya. Sinabi namin kay manong driver ang lugar kung saan kami pupunta. Doon lang naman sa club na pinagtatrabahuhan namin. Nag-text kasi si Balyena na doon lang daw kami magkikita.
“Dito na lang po, manong,” sabi ko sa driver.
Tanaw na tanaw ko si Balyena na sobrang fashionista sa suot niya. Nasa pinto siya ng club, naghihintay sa akin. Sobrang tahimik ng club dahil sarado kami ngayon.
“Bayad, manong.” Inabutan ko siya ng bayad pagkatapos lumabas na kami ng taxi at agad lumapit kay Balyena na inip na inip na.
“Bakit ang tagal mo, babae? At saka bakit kasama mo si Maya?” masungit na saad niya.
Sasagot na sana ako kaso naunahan ako ni Maya.
“Sasama ako. Baka kung saan mo dalhin si Chen.”
Umismid lamang si Balyena at tinaasan ng kilay ang kaibigan ko.
“Wala ka bang tiwala sa akin?”
“Wala, kaya nga sumama ako e,” sagot ni Maya, inikot niya ang mga mata niya at namaypay sa dala niyang pamaypay.
“O, siya. Alis na tayo, baka male-late na tayo.” Nakaismid pa rin siya.
Sumunod na kami sa kanya. Sumakay ulit kami ng taxi at sinabi niya sa driver kung saan kami pupunta.
“Casino!” sabay na sambit namin ni Maya.
Nasa loob kami ng casino na pinagdalhan ni Balyena sa amin.
“Akala ko ba, event?” takang tanong ko sa mataba. Magsusugal ba kami rito?
“Oo nga, event ’yung pupuntahan natin. Isang auction event,” sabi niya at nauna nang maglakad.
Nagkatinginan naman kami ni Maya at nagkibit-balikat na lang, pagkatapos ay sumunod na kay Balyena na feeling donya habang naglalakad papasok sa pasilyo.
Kung tama ako, ang auction, doon magbi-bid ang mga tao para bilhin ang isang bagay.
“Mukhang may binabalak ang matandang ’yan,” bulong ni Maya sa akin.
Hindi na lang ako nagsalita dahil abot-abot na ang kaba ko habang nilalakad namin ang mahabang pasilyo na may kakaunting taong dumaraan. Marami kaming pinasukang pinto, nalito na nga ako.
“Takas na tayo,” sabi ulit ni Maya.
“’Wag muna. Titingnan muna natin kong ano’ng gagawin ng balyenang ’yan, at kung bakit niya tayo dinala rito,” balik na bulong ko.
“Pero kinakabahan ako, Chen. Mukhang may balak siyang masama sa ’yo.”
“Basta, Maya, maging alerto lang tayo.”
Kahit kinakabahan at parang nagsi-sink in na sa utak ko ang pinaplano ni Balyena sa akin, kinalma ko na lang ang sarili ko. Ewan ko ba. Parang may nagtulak sa aking sundan ang balyenang ito at alamin kong ano ang binabalak niyang gawin.
“Pasok ka rito, Chendal,” aya ni Balyena pagkabukas niya sa isang malaking pinto. Naglakad ako papalapit sa kanya habang hila-hila si Maya.
“’Wag mong isama si Maya. Ikaw lang ang kakailanganin ko.”
Huminto ako sa harap niya at tinitigan siya nang maigi. So, tama nga ang hinala ko kanina pa na may balak siya sa akin. Hindi ko maiwasang manginig sa galit.
“Ano’ng gagawin mo sa akin? Ibebenta mo ako?” deretsong sabi ko sa mukha niya.
Tumawa siya nang parang bruha. “Perfect! Hindi pa ba halata, Chendal? ’Yang beauty mo, hija, nababagay ’yan dito, hindi sa club!” tumatawang sabi niya. Mukha talaga siyang demonyita.
Pinantayan ko ang tawa niya at sinampal siya. Yes! Sinampal ko siya nang ubod-lakas.
“How dare you! Hindi mo ako pag aari. I’m your employee, but you don’t have the right to sell me!” sigaw ko.
Hindi naman siya nakapagsalita at gulat lang akong tiningnan. Itinulak ko siya at hinila na si Maya para umalis sa lugar na iyon.
Wala siyang karapatang ibenta ako sa ganitong lugar. Tama nga ang hinala ko na gusto niya akong i-bid sa mga businessman doon. How dare her! Ang kapal ng mukha niya. Dalawang araw pa lang akong nagtatrabaho sa club niya, may nalalaman na siyang ganito.
“Bawal, Miss,” sabi ng guard. Lalabas na sana kami sa pasilyo na iyon kaso may nakaabang palang guard at bouncer sa amin.
“Kuya, nagkamali kami ng pinasukan. Kailangan naming makalabas,” sabi ni Maya, halatang nanginginig na rin sa takot.
“Ikaw!” Itinuro ang kaibigan ko ng guard. “Makakaalis ka, pero itong kasama mo, hindi pwede,” sabi niya sabay tingin sa akin.
The hell! Na-trap kami ng pesteng balyenang iyon.
“Hindi na kayo makakatakas. Akin ang pasilyong ito, mga hija.”
Nilingon ko ang likuran ko at naroon ang pesteng balyenang nakangiting mala-demonyo sa aming dalawa.
“Ganyan ka na ba katigang sa pera na pati trabahador mo, ibebenta mo?” sabi ko. Tinawanan lang niya ako.
“Well, Chendal, hindi basta-bastang pera ang makukuha ko sa auction na ito.”
Fuck this old woman! Nahihibang na siya. Ibebenta niya ako para lang sa pera, at hindi man lang siya humingi ng permiso sa akin. Pero kahit humingi pa siya ng permiso, hindi pa rin ako papayag.
“Ilabas n’yo ’yang kasama niya. ’Di siya kasali rito,” utos niya sa guard at bouncer.
“Chen! ’Wag kang papayag na ibenta ka niya!” sigaw ni Maya habang kinakaladkad siya papalabas.
“Damn you!” sigaw ko, kaso tanging tawa ang naging sagot niya.
“Don’t worry, Chendal. Kung ilan ang bid sa ’yo, bibigyan kita ng fifty percent. Hahatiin natin, hija.”
Dinuraan ko ang mukha niya dahil sa galit. Napapikit siya sa ginawa ko.
“’Di ko kailangan ng pera, peste ka!”
Pinahiran niya ang mukha niyang dinuraan ko habang nakangiti pa rin na mala-demonyo.
“Really? Bakit ka nagtatrabaho sa club kung hindi ka nangangailangan ng pera?”
Hindi naman ako nakasagot. Sinamaan ko siya ng tingin bago ako tumalikod para layasan siya, kaso may humarang na mga lalaki sa akin. ’Yung mga standby sa gilid, nagsitayuan at hinarangan ako.
“Wala kang magagawa, hija, ’di ka makakatakas. Teritoryo ko ito,” tawang-tawang sabi niya.
Pumikit ako nang mariin dahil sa sobrang inis. Kinuyom ko ang dalawa kong kamao pagkatapos hinarap siya.
“Fine! Ibenta na kung ibebenta, pero ito ang tatandaan mo; magsisisi ka kung bakit ginawa mo ito sa akin,” banta ko.
I had no choice kundi pumayag na lang kahit sobrang labag sa loob ko. Pinalilibutan na ako ng mga tauhan niyang mukhang mga adik. Ayaw kong puwersahan akong ipasok sa loob ng auction room kung ang kahihinatnan lang din naman magtatagumpay sa huli ang balyenang ito sa pagbebenta sa akin.
“Hihintayin ko ang pagbabalik mo, ha!” nakangising sabi niya.
“Mark my word, tanda!” Tiningnan ko siya nang matalim.
Nilagpasan ko siya at bumalik doon sa pintong gusto niyang pasukin ko. Naramdaman kong sumunod siya sa akin.
Makikita mo, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin. Ibebenta mo ako? Ibebenta ko rin ang kaluluwa mo kapag naging okay na ang lahat.
“Ganyan na lang ang suotin mo, total maganda ka na,” sabi niya
Hindi ko siya pinansin at nagtuloy-tuloy na sa paglakad. Maraming mga babae sa loob. Hindi ko sila pinagtuunan ng pansin dahil nagdere-deretso ako sa paglalakad hanggang marating ko ang siwang ng pinto. Nasisilip ko agad kung ano ang mayroon doon.
May nakikita akong babaeng maganda. Nakatayo siya sa napakahabang stage. Nakatayo lang siya roon habang nagbi-bidding ang mga tao sa kanya.
“100 thousand.”
“200 thousand.”
“500 thousand.”
“1 million.”
Napatingin ako sa matandang lalaki nang sabihin niya ang one million.
“Okay. I think, one million is the final bid for this lady,” sabi ng emcee sa stage.
“Marga Zapanta, you’re now sold to Mr. Takahashi.”
What the hell? One million para lang sa babaeng iyon? Ang mahal niya! Ang mahal ng benta niya.
“Nagulat ka ba sa presyo n’ong babae? Mamaya, ikaw na rin ang tatayo riyan,” sabi ng balyena.
Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin. Talagang inaasar ako ng matandang ito.
“Next girl.”
Binaling ko ang tingin sa babaeng parang modelo ang tindig at may itsura rin. She’s pretty. Siya na ang susunod na ibi-bid sa mga tao.
Dumaan siya sa harap namin kaya nagkatitigan kaming dalawa. Sinundan ko siya ng tingin hanggang makarating siya sa stage.
“This is Tania Montecillio. Twenty years old. Modelling in Patrium Agency. Okay, the bidding is now open,” sabi ng emcee.
Mukhang okay lang kay Tania na ibenta siya dahil nakangiti lang siya sa mga tao.
“100 thousand.”
“1 million.”
“1.5 million.”
“1.9 million.”
Ang laki ng bili niya. Nag-stop sila sa pagbi-bid sa 1.9 million at ang laki na n’on.
“1.9 million? Is that the last?” tanong ng emcee.
Walang sumagot kaya 1.9 million na ang bili roon kay Tania, at sa isang di-katandaang lalaki pa ang nakabili sa kanya.
“Tania Montecillio is sold to Mr.Greekon.”
Lumayo na ako sa pinto pagkatapos mabili ni Tania. Umupo ako sa upuan at hinilot ang sentido ko.
This is the worst I’ve experienced in my life. Nagtatrabaho lang ako sa club; ngayon naman, ibebenta na ako. God! Ano na bang klaseng buhay ang mayroon ako? Sana nga lang, sa isang lalaking mabait ako mapupunta.
Nag-bidding pa sila hanggang maubos ang mga babae sa loob ng backstage. Hanggang sa ako na ang pupunta sa stage para bilhin ng mga tao—para pagpiyestahan ang presyo ko.
“Next,” dinig kong sabi ng emcee.
Tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa pinto para makarating sa stage. Bago ko pa iyon buksan, pinigilan agad ako ni Balyena.
“Wait.”
I turned to her. “Bakit? Natatakot kang babalikan kita kapag nabili na ako?” nakangising sabi ko. Tumawa naman siya nang malakas.
“Sa tingin mo, hihindian ko ito? Poor you, hija. I’m just giving you a good luck greeting before I sell you to somebody,” nakangiting sabi niya.
Imbis na mainis ako, tinawanan ko lang siya.
“Well, good luck to you. Your life is at stake, b***h,” sabi ko sabay labas sa pinto. Naiwan naman siya roong nakatanga.
Seryoso ako sa sinabi ko sa kanya. Pagsisisihan niya kung bakit dinala niya ako rito. Oras na mabili ako, dudurugin ko ang pagmumukha niya hanggang mawala ang ngisi niya sa labi. She’s a witch.
“This woman standing in front of you is Chendal Smith. Twenty-five years old, a pole dancer,” sabi ng emcee. Naghiyawan naman ang mga tao. “The bidding is now open,” dugtong niya.
Nag-iisahan na sila ng placard na kung saan may nakalagay na presyo ng pera na ibi-bid nila sa akin.
“One million.”
Napatingin ako sa lalaking kasing-edad ko lang nang isigaw niya iyon. Wow! One million na agad.
“2 million.” Tumayo iyong matanda sabay sambit niya n’on.
“5 million.”
“5.5 million.”
“10 million.”
Woah! Ang lalaki na ng pera na ibini-bid nila para sa akin. Seriously, 10 Million? Ang laki n’on.
Akala ko, iyong 10 million na ang panghuli, pero nagulat ako nang may tumayong lalaki na kasing-edad ko na naman.
“20 million!” sigaw niya.
Napasinghap na lang ang mga tao, pati na rin ako, dahil sa laki ng perang sinubasta niya sa akin. Gosh, it was really high.
“20 million, ’yan na ba ang panghuling bidding kay Miss Smith?” sabi ng emcee na tila natutuwa.
Tumahimik ang mga tao, kaso nagulat ako nang may tumayo na namang isang lalaki.
“40 million.”
Mas lalo silang natahimik, pati na rin ako natahimik. What the hell? Sobrang laki na n’on. Ganyan na ba talaga ako kaganda? Umabot nang ganyan kalaki ang bid nila.
“I think, 40 million is the last digit for this woman,” sabi ng emcee.
Walang sumagot. Naging tahimik lang sila, pero hindi kalaunan ay nag-ingay ulit at nagbulungan.
“Okay, 40 million is the last bid. Ms. Chendal Smith. You’re sold to Mr. Yamash—”
Naputol ang pagsasalita ng emcee nang may biglang tumayo sa pinakasulok nitong auditorioum at sinabi ang bid niya sa akin na nagpatahimik ulit sa mga tao at ikinagulat ko.
“100 million.”
Napanganga ako sa sinabi ng lalaki na mas bata pa sa akin. s**t! 100 million? That was f*****g high.
“Woah! Lakas ng karisma ni Smith. First time na may nag-bid nang ganyan kalaking halaga. Okay, mayroon pa bang mas itataas ang 100 million?” saad ng emcee.
Inikot ko ang paningin ko sa paligid. Wala nang umimik sa upuan nila. ’Yung iba, hindi maipinta ang mukha at nanahimik na lang. Ako naman, gusto nang mabuwal sa kinatatayuan ko. Paniguradong malaki ang ngisi ng balyenang iyon ngayon dahil sa laki ng benta ko.
“Mukhang wala nang magbi-bid para kay Smith. 100 million is the last bid. Wow, that’s huge. Okay, may I pronounce that Miss Smith is sold to Miste—”
“I interrupt. The bidding is not yet done.”
Napasinghap ako nang may sumigaw sa pinakalikod kaya natahimik ang emcee sa pagsasalita. Tumayo ang taong sumigaw at halos manginig ang binti ko pagkakita ko sa taong iyon. He’s really scary. He had the same aura the last time we talked.
“I’m bidding for that woman for 3 billion. Is anyone wants to make it higher? I will not hesitate to increase my bid,” malamig na sabi niya.
Natulala na lang ako at hindi nakaimik dahil sa panginginig. Nilunok ko ang bumabara sa lalamunan ko. Walang ibang nag-bid sa akin nang ganoon kalaking pera kundi si Superior—ang kaisa-isang taong kinatatakutan ko nang husto, na gugustuhin ko na lang maglaho sa kinatatayuan ko ngayon para hindi niya ako mabili.
Hindi ko na narinig ang angal ng mga tao at pagbubulungan nila dahil nakatulala na ako. Basta ang huli kong narinig doon sa emcee ay . . .
“Ms. Chendal Smith is sold to Mr. Zieg Asher Sawyer.”