HINIHINTAY ni Russel si Travis sa isang coffee shop kinahapunan dahil may balita na raw ito sa kaniya. Tungkol sa babaeng tumawag sa kaniya noong isang araw. Katatapos lamang niyang i-deliver rito sa bayan ang mga mangga sa kaniyang maliit na manufacturing corporation. Isa ito sa kabuhayan ng mga tao rito sa Magsaysay Fiero. Ang paggawa ng manggo jams at mango chips. At sa negosyo niyang ito ay maraming mga tao ang kaniyang natutulungan. Kung hindi lang sana pangit ang ani nilang mangga ay hindi na siya kukuha pa sa iba. Nahihirapan tuloy siya ngayon sa paghahanap ng iba pang supplier dahil hindi na siya kukuha ng mangga sa Alonzo. Humihigop ng mainit na kape si Russel nang dumating si Travis. May dala itong envelope na kulay brown. Naka-shades ito ng black at coat na mahaba na kulay b