"NASAAN ba si Russel, manang?" Bulyaw na tanong ni Avery nang makapasok sa mansion ni Russel. May kasalanan pa ito sa kanya kaya kailangan nitong magpaliwanag. Kagagaling lang niya sa Maynila pero agad din siyang umuwi para kay Russel. "Wa-wala ho siya... ma'am. Nasa hospital ho, isinugod nila si Feya dahil mataas ang lagnat." Hinarang siya nito papasok sa bahay ni Russel. Tinignan niya ito mula ulo hanggang paa. "Katulong ka lang dito pero kung makaasta ka para kang may-ari. Hindi mo ba ako kilala?" Dinuro niya ito gamit ang pouch na hawak niya. "Ma'am katulong nga po ako pero si Sir Russel ang amo ko at hindi kayo kaya wala kayong karapatan para insultuhin ako ng ganyan. Kaya kung p'wede lang po umalis na kayo!" Akma niya itong sasampalin pero pinigil niya ang sarili. Kumibot ang lab