Nagising ako na tirik na tirik na 'yong araw, nagugutom na ako at sawang-sawa na ako sa prutas. Gusto ko ng isda, agad akong napangisi sa naisip ko
TAMA!
Agad akong tumakbo papalabas sa kubo papunta sa sapa, luminga-linga muna ako. Pinakiramdam ko muna ng maigi ang paligid ng masigurado kong wala ng tao, agad akong lumusong sa tubig.
Nahihirapan akong manghuli noong una kasi madulas ang isda, pero habang tumatagal ay mabilis na akong nakahuli. Napatingin ako sa limang isdang nahuli ko.
Tama na siguro 'to
Naligo muna ako nang maayos bago umuwi. Pagdating ko pa doon agad kong nakita si Ice, he's sitting obediently on the bed while staring at me.
"Goodness Ice, 'wag ka d'yan sa higaan ko, tingnan mo oh ang dami nanglagas na balahibo mo," nakapameywang na sermon ko pa. Tss ano nga bang aasahan ko sa isang hayop.
"Halika sumama ka sa'kin." Agad naman siyang tumayo mula sa kama then he jumped and follow me. Tumigil kami sa sala ko siya hinarap.
"Dito ka muna, at wag na wag mong gagalawin ang isadang 'yan" mariing bilin ko pa sabay turo sa isdang nasa ibabaw ng mesa bago ako pumasok sa kwarto at nagbihis.
Paglabas ko, nakita ko ang tigre na nakaupo habang iwinawagayway n'ya ang malalambot niyang buntot.
"Master nagugutom na po ako," sabi n'ya sa isipan ko, inirapan ko lang s'ya
"Maghintay ka, Ice," Masungit kong tugon at kukunin na sana ang isda sa mesa nang bigla na lamang liwanag na pumulupot kay Ice. Agad akong napaatras ako at napatakip ng mata.
"Ano ba naman yan!" pasigaw kong reklamo. Shuta! Ano na naman kayang pakulo ng tigreng 'to.
Ilang sandali lang ay unti-unti nang nawawala ang liwanag, dahan-dahan kong tinanggal ang kamay kong nakatakip sa aking mata.
"WHAT THE HELL!" nanlalaking matang sigaw ko nang isang bata agad ang una makita, nakatayong ito sa kinauupuan ni Ice kanina.
"Master ikinagagalak kong ikaw ay makilala" masiglang sabi n'ya habang ako nga-nga.
"Ha?" wala sa sariling bulong ko habang nakatingin sa kan'ya
"Oh ano na master magluluto pa ba tayo?" tanong n'ya
"Ice?"
Inilgay niya pa ang kamay niya sa dibdib niya saka siya yumuko. "No other than, my master" saka siya umayos ng tayo at nakangiting tumitig sa'kin.
Tiningnan ko s'ya mula ulo hanggang paa, tantya ko ay hanggang bewang ko lang batang 'to.
Nakaputing long sleeve siya at may puti rin itong vest, puting trousers and a white sack and a white shoes, 'yong buhok n'ya ay kulay puti rin na may halong itim nakatali ito at may ilang strand pang nalalaglag sa mukha nya, may suot din siyang puting balabal. Maputi s'ya gaya ko, nang bumalik ang tingin ko sa mukha niya ay agad niya akong tinaasan ng kilay
"Done checking me, master?" Nakangisi n'yang tanong
Aba hambog ng bulilit na to ah.
"Dami mong kuda ayusin mo na nga lang 'yong panggatong," masungit na utos ko. Agad naman s'yang tumango
"Okay po master" magalang na tugon n'ya, mabuti naman at masunurin itong tigreng to. Habang ako bumalik muna sa sapa para linisin ang isda, saka tinusok iyon sa mga stick.
Pagpabalik ko sa kubo nakaayos na ang mga kahoy pero wala pang apoy. Tinaasan ko ng kilay si Ice
"Oh asan ang apoy n'yan?" Tanong ko. He shrugged his shoulder
"I dunno," Cool n'ya pang sambit
"Anong I dunno ka d'yan?" kunot noon tanong ko
"Malay ko, hindi ko alam, ewan, yan ang I dunno master," inosente niyang sagot. Sinamaan ko sya ng tingin.
Pesteng tigre to napakapilosopo
"Kasi naman po master, wala kang sinabing paapoyin ko, sabi mo lang ayosin ko yung panggatong." painosente nya pang sabi ulit.
"Ahh ganon? Gusto mo kumain nito, diba?" tanong ko habang itinataas ang mga isda. Agad naman syang tumango at ngumiti ng pagkalaki-laki 'yong tipong halos mawala na ang mata. Tss 'di sya cute. Ngumiti din ako ng matamis syempre peke lang 'yon.
"Edi manghuli ka! bwesit ka!" nanggigil na hiyaw ko. Agad na nabura ang ngiti n'ya sa labi
"Ito naman si master sabi ko nga ehh papaapoyin ko na ang mga panggatong ehh."
"Wala ahh, wala akong sinabing paapoyin mo, ang sabi ko lang ayosin mo yung panggatong." Kunwaring walang naalalang sabi ko, napabusangot naman s'ya
"Hala! Makakalimutin ka na pala master sinabi mo kaya," wika pa n'ya habang nanlalaki ang mata at nakatakip sa bibig tinaasan ko s'ya ng kilay.
"Sige master, ahm...paapoyin ko lang hehe." Hinarap ang nakaayos na mga kahoy.
Heh! Ano ka ngayon waley?
Pinanood ko lang s'ya kung ano susunod n'yang gagawin. I crossed my arms and wait patiently. Napatampal na lang ako sa noo ko dahil tinuro niya lang ang kahoy.
Hays Ank na naman bang trip ng tigreng to.
"Hoy Ice! Walang mangyayare kung gaganyanin mo lang" sabi ko nilingon nya ako bago ngumisi ng nakakaloko
"Watch and learn master," mayabang niya pang saad. Halos matumba ako sa kinatatayuan ko nang may lumabas na puting usok sa kamay nya and it's slowly formed into a white fire. Parang kidlat itong tumama sa kahoy, hindi ko maiwasang matulala sa naglalagablab sa harapan ko.
Teka pano nangyari 'yon? Good heavens,
May puti bang apoy?
Pinapagpag n'ya pa ang kamay n'ya habang palapit sa'kin. He devilishly grin
"Akin na master ako na magihaw." Dahil nga hindi ako makakilos ay kusa na lamang niyang kinuha iyon sa kamay ko, pinanood ko siyang lumapit sa apoy at inilagay doon ang limang isda pagkatapos ay bumalik ulit s'ya sa tabi ko. Pagkatapos kong mahimasmasan ay tinanong ko siya.
"Iyon ba ang powers mo?"
"Magica tawag n'yan dito master hindi power" nakangiti n'yang pagtatama sa sinabi ko
"Tss sagotin mo na lang kaya 'no"
"Oo white fire ang magica ko, ang cool diba master? Eh sayo master?" Tanong nya
"Flower," simpleng sagot ko tumango naman s'ya pagkatapos no'n ay marami pa siyang tinanong ng kung ano-anong bagay. Tumahimik na siya nang maluto na ang isda.
Nang matapos kami sa pagkain ay biglang pumasok sa isip ko ang mga kawal kagabi, para sa akin ay delikado na kung magtatagal pa kami dito. Hindi ko pa kabisado ang mundong ito kaya hindi ako puwedeng basta-basta na lang lumabag sa mga batas nila dito.
Gaya ng sabi ni Ice bawal ang mamuhay dito. Maybe it's time to go beyond the boundary. Kaya napagisip-isip kong mag-impake binabagabag ako ng mga taong 'yon.
Pumasok ako sa kwarto, kinuha ko mga damit ko mula sa aparador at hinagis iyon sa kama.
Asan ba maleta nila dito
Ayy gaga Blaine walang maleta sila dito
Napakamot na lang ako sa ulo bago naghanap sa buong kwarto.
Fuck, ano paglalagyan ko n'yan?
Napasulyap ako sa sa ilalim ng kama ng may nakita akong box.
Eyy, Regalo?
Yumuko ako para silipin ang ilalim ng kama ang dami namang box na nakikita ko.
"Ice, tulongan mo nga akong kunin ang mga box sa ilalim." Ramdam ko kasi ang presensya nya sa pinto
"Sige po, master," Dinig kong sagot nya nasa kabila sya pumwesto at sinimulan na naming alisin ng boxes sa ilalim.
Andaming regalo naman nito master. Sabi ni ice habang nakatingin sa mga kahon mahina naman akong napatango bilang pagsangayon. Base sa mga ala ala ni maxime galing ito sa mga magulang nya. Regalo nila ito since 10th birthday nya, ang tanong bat di nya binubuksan? Ayaw nya yun maswerte nga sya kasi may natatanggap sya mula sa mga magulang nya pag kaarawan nya. Kahit simple lang ang buhay nila. Oo ngat mayaman kami, yung pamilya ko sa dati kong buhay, nabibili namin ang gusto naming bilhin. Sabi ng mga tao dun swerte daw namin kasi mayaman kami.
Huh! They didn't know how hard to be in that level kasi kelangan ong panatilihin ang ranggo nyo sa society. Kasi pagtatawanan ka ng lahat ng nasa business org pagbumagsak ka.
Well may natataggap naman ako sa parents ko tuwing birthday ko they throw a party but sa huli ang mangyayari business parin ang paguusapan.
"Master, yuhooo." Napatingin ako kay ice na kumakaway kaway sa harap ko nakatayo sya ngayon sa kama para makapantay ako. Tinaasan ko sya ng kilay
"Nakita ko po," sabi nya sabay pakita ng bag na gawa sa buli malaki sya