3rd Person's POV;
Saktong pagbukas ng pinto ang paglabas ng siyam na lalaki na may hawak na mga baril.
"Mas mabuting sumama kana samin ng tahimik Mr.Aragon."ani ng nagsisilbing leader ng--.
"AHHHHH!!!"
Sabay sabay ng sigaw ng mga lalaki ng mapaluhod ang mga ito habang hawak ang ulo ng magsimulang magpatugtog ng plawta si Harmony na agad niyang kinatigil ng marinig ang pag ubo ni Luther na kinalaki ng mata ng dalaga ng dumugo ang ilong ng binata at bahagyang pag ubo nito ng dugo.
"s**t!"mura ni Harmony bago lapitan si Luther at pilit na itayo ng makarinig na siya ng pagkawasan ng mga kung anong bagay na nasa loob ng pent house.
---
"Anong gagawin ko?"tarantang tanong ng dalaga ng halos magdadalawang araw ng tulog ang binata.
"Huy!"ani ng dalaga bago uga ugain ang binatang nakahiga sa papag.
"Kinakabahan na talaga ako bakit ayaw niyang gumising?"namumutlang tanong ng dalaga.
Matapos ang nangyari sa mansyon hindi alam ng dalaga kung saan dadalhin ang binata dahil hindi niya ito pwedeng iwan na lang basta lalo na ang dalhin ito sa isa pang mansyon na pinuntahan niya nung isang beses na sundan niya ito dahil sa dami ng cctv.
"Panong naging ganun kalakas ang epekto ng plawta ko sakanya."tanong ng dalaga habang nakatingin sa plawtang nakapatong sa upuaang kahoy na hindi kalayuan sa pwesto nila.
---
"Hihi gwapo talaga ng kuya ko."proud na proud na sambit ng batang nasa limang taong gulang habang may hawak na camera na---.
"Laila sabi ko sayo tigilan mo na yang kakakuha sakim ng picture hindi pa ako naghihilamos."gusot ang mukhang saway nito sa kapatid habang naglalakad papasok ng kusina.
"Goodmorning kuyaa tingin kana dito sa camera bilis video ito."tuwang tuwa na sambit ng batang si Laila habang kumakaway sa camera at sa likod niya ang nakakatandang kapatid na nagsisipilyo na kinatawa ng mahina ng ina na kasalukuyang nagluluto dahil sa nakitang pagkairita sa mukha ng panganay habang nagsisipilyo.
"Laila naman eh!"pikon na sambit ng kapatid ba kinahagikhik ng batang babae ng makitang may nagkalat pang toothpaste sa gilid ng labi ng kuyahin.
"Ano ito?"bulong ng binata ng makita ang sarili kasama ang kapatid na babae.
"Kuya wag ka ng iyak."naiiyak na sambit ng batang babae habang nakaupo sa harap ng batang Luther at pinupunasan ang pisngi ng kapatid gamit ang maliliit nitong mga kamay.
"Kung nasaan man si Papa ngayon im sure na happy na siya sa heaven kasama si papa god kaya wag ka ng iyak."dagdag ng batang babae na mas kinahagulhol ng iyak ng kapatid na lalaki.
"P-Pero si mama s-sinisisi niya ako kasalanan ko kung b-bakit namatay s---."
"Wala kana man dun kuya kung andun ka sigurado namang magiging safe si papa pero wala ka dun kuya kaya wag mo ng sisihin ang sarili mo."putol ng batang si Laila bago yakapin ang kapatid.
"Laila."bulong ng batang si Luther ng---.
"L-Laila."ani ng binatang si Luther ng sa isang iglap nakita niya ang kapatid na babae na nakayakap sakanya habang nakatutok ang baril sa mismong sikmura ng batang babae na hawak niya na agad namang nabitawan ng magising siya sa reyalidad.
"H-Hindi m-mapagkakailang isa ka ngang A-Aragon isa kang h-halimaw."nanghihinang sambit ng isa sa mga kumidnap sa ina at kapatid niya na ngayon ay duguang nakahilata sa sahig.
Kasabay ng pagbagsak ng kapatid na babae ang panghihina ng batang si Luther ng makita niya ang napakadaming katawan.
"A-Anong nagawa ko?"nanghihinang sambit ng batang si Luther ng mapako ang paningin niya sa bunsong kapatid at ina na ngayon ay naliligo na sa sariling dugo.
Nakaramdam ng panlalamig at nabalot ang takot ng binata habang nakatingin sa ina at kapatid na ngayon ay walang buhay.
"Kasalanan ko."
"Kasalanan ko."
Paulit ulit na bulong ng binata hanggang sa namalayang umiiyak nanaman ito hanggang sa---.
"H-Harmony."bulong ng binata bago tingnan ang paligid ng marinig niya ang musikang madalas niyang naririnig sa tuwing tumutugtog ang dalaga.