3rd Person's POV;
"Bwisit!"sigaw ng binatang si Luther ng makarating siya sa mansyon at malakas na sipain ang gulong ng kotse.
"Kailan ba talaga sila titigil?"galit na galit na sambit ng binata ng---.
"Harmony."bulong ng binata ng makarinig siya ng tunog ng plawta.
Nang mag angat siya ng tingin kung saan ang veranda ng kwarto niya nakita niya dun ang dalaga nakaupo sa railing at tumutugtog ng plawta.
"Oy!akyat kana dito pahingi ulit ng sandwitch!"sigaw ng dalaga mula sa veranda na kinakurap ng mata ng binata.
Hanggang sa namalayan niya na lang na lakad takbo siyang pumasok ng mansyon.
"Wtf!kailan pa ako sumunod sa isang babae?"tanong ng binata ng makita ang sarili na nasa harap na siya ng ref.
"Whoa ang ganda."komento ng dalaga ng paglabas niya ng kwarto ng binata bumungad sakanya ang mga mamahaling mwebles at modern theme ng mansyon.
Baba na siya ng hagdan ng masalubong niya ang lalaking kanina pa niya inaantay.
"Ito na yung sandwitch mo."walang ganang sambit ng lalaki bago iabot ang hawak na tray at lampasan ang dalaga na matamang nakatingin sa mga berdeng mga mata nito.
"Iinom ka nanaman ba?"tanong ng dalaga ng sundan niya si Luther na pumasok sa counter ng kwarto kung saan merong ibat ibang klase ng alak.
"Kumain kana lang diyan."sagot ni Luther bago magbukas ng beer at laklakin yun.
"Alam mo gwapo ka sana ang sungit mo lang."komento ng dalaga ng makitang umupo ang binata sa high chair.
"Ganda mo sana pakielamera ka lang."pambabara ni Luther na kinanguso ng dalaga bago kagatin ang hawak nitong sandwitch at naglakad papunta ng kama at tahimik na kumain.
Harmony's POV;
Habang tahimik na kumakain matama kong tiningnan yung lalaking may berdeng mga mata na patuloy sa pag inom ng alak.
"Kailan kaya siya mawawalan ng problema."bulong ko habang ngumunguya ng---.
Napatingin ako sa labas ng veranda ng makaramdam ako ng presensya.
"May mga tao sa labas."ani ko tatayo na sana ako para lumabas ng---.
"Dito ka lang."napatigil ako ng may humawak sa braso ko at agad napaangat ng tingin ng maramdaman kong nanlalamig siya.
"Kung hindi mo kaya ako ang haharap sakanila."ani ko bago iwaksi ang kamay ko na dahilan para mabitawan niya ako,hahakbang na sana ako palabas ng veranda ng---."
"Ayoko ng maulit ulit ang pagkakamaling nagawa ko."rinig kong bulong ng lalaking may berdeng mga mata bago ako hawakan ulit at hilahin kung saan.
"Anong gagawin mo?tatakas?"naiinis na sambit ko ng makitang pababa kami at pumasok ng kusina kung saan may isa pang pinto.
"Ano ba?!"sigaw ko ng makalabas kami ng pinto at walang kaano anong tinabig ang kamay niya at---.
"Kung ikaw naduduwag ako hindi kaya kung gusto mo ikaw ang umalis."naiinis na sambit ko ng---.
"Pwede ba wag ka ng mangialam kung may dapat umalis ikaw yun."ani niya na dahilan para---.
"s**t!"mura niya ng malakas ko siyang suntukin na dahilan para mapaupo ito sa sahig.
"Kung ayaw mong may mamatay sa harap mo matuto kang protektahan ang sarili mo!"bulyaw ko bago madilim ang anyong tiningnan ang pinto ng kusina ng makarinig ako dun ng mga ingay.
"Bakit ba ang hilig niyong pakialaman ako?"rinig kong tanong ng lalaking nakaupo sa sahig na kinatingin ko.
"Una...si Laila,sunod si Lucy...tapos ikaw."nakayukong sambit niya habang nakayukom ang mga kamaong tinitingnan ako.
"Bakit kailangan niyong pakialam ako bakit kailangan niyong ibuwis ang buhay niyo sa tulad ko!sabihin mo!"galit na galit na sigaw niya na kinatigil ko.
Bakit nga ba?
3rd Person's POV;
Ilang minutong katahimikan ang nangyari hanggang sa bumuntong hininga ang dalaga bago salubungin ang berdeng mga mata ni Luther na punong puno ng galit at hinanakit.
"Hindi mo kami naiintindihan dahil hindi mo pa nararanasang may protektahan."sagot ni Harmony bago bahagyang hinilig ang hulo at sipatin ang pinto.
"Takot ka sa sarili mong anino sa takot mong magkamali hindi ka umalis sa pwesto mo at nanatiling nakatayo habang isa isang nawawala ang mga taong dapat na
pinoprotektahan mo."dagdag ni harmony.
"Wala akong alam tungkol sayo pero alam kong madami kang ng pinagdaanan ang hindi ko lang alam kung may ginawa ka ba para ito ay mga lampasan o nanatili ka lang nakatingin sa kawalan."ani pa ni Harmony na kinabato ni Luther sa kinauupuan.