Chapter 1
Her's POV;
Nakaupo lang ako sa railing ng veranda ng lalaking may asul na mga mata habang tahimik siyang pinagmamasdan.
"H-Hindi ko sinasadya tama na."nanginginig na sambit ng lalaki habang pawisan na pabaling baling ang ulo nito habang nakahiga sa kama.
"Gabi gabi na lang ba siya binabangungot?"nagtatakang tanong ko ng makita ang takot sa mukha ng gwapong lalaki.
Kaya katulad ng lagi kong ginagawa inangat ko ang hawak kong plawta at tinugtog ang paborito kong pyesa.
Habang nakatingin sa lalaki patuloy lang ako sa pagtugtog ng aking musika hanggang sa unti unting lumambot ang ekspresyon ng gwapong lalaki.
Napakaamo talaga ng mukha niya lalo na ang mga asul niyang mga mata na gustong gusto ko.
Luther's POV;
Ang wierd talaga ng mga panaginip ko.
Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam nanaman ako ng kirot yung mga panaginip ko paulit ulit na lang pero pag nakakarinig ako ng kakaibang tunog na hindi ko alam kung saan nanggagaling para ako nung hinihele.
"Hindi ka ba pupunta sa burol ni Lucy?"napaangat ako ng tingin sa pinto ng bumukas yun at niluwa si Jedal.
"Hindi ko kayang makita."sagot ko na kinabuga ng hangin ni Jedal.
"Hindi yan ikatutuwa ni Lucy."bulong ni Jedal bago humakbang palabas ng kwarto na kinayukom ng kamao ko.
"K-Kung malakas lang ako,hinding hindi mangyayari sayo ito Lucy."bulong ko bago naiinis na sumandal sa headboard ng kama.
"Bakit ba kasi ang hina ko?"naiinis na sambit ko bago iangat ang mga kamay ko at tingnan yun bago iyukom.
3rd Person's POV;
"Saan ka galing?"tanong ng babaeng may kulay puting hood kasunod ang apat na babaeng may mga kulay itim din na hood.
"Sa labasan Empress may mga ginawa lang ako."sagot ng babae ng makatapak siya sa loob ng kagubatan.
"Nababalitaan ko kay Song ang paglabaslabas mo nitong mga nakaraang araw."walang emosyong sambit ng babaeng may puting hood na kinatahimik ng dalaga.
"May mga mission pa tayo na kailangan gawin umalis na tayo."ani ng babae bago tumakbo sa kagubatan kasunod ang apat na agad nawala sa kadiliman na kinabuntong hininga ng dalaga bago sumunod kasama ang alaga nito na malaking kulay puting aso.
"Trabaho nanaman."bulong ng dalaga bago tumalon paakyat ng puno at tumalon talon sa ere habang parang sumasayaw sa ere habang nagpapalipat lipat sa mga puno dala ang itim nitong plawta.
Nang makarating siya sa kinaroroonan ng mga kasama matama niyang pinagmasdan ang labing tatlong lalaki nakaluhod sa kanilang harapan habang nakapiring ang mga mata.
"Sino ba kayo?!!kailangan niyo ba ng pera bibigyan ko kayo pakawalan niyo lang ako!"sigaw ng matanda na kinayukom ng kamao ng dalaga.
Hindi na bago sakanya ang salita dahil sa paulit ulit na niya itong naririnig pero nakakaramdam pa din ito ng inis tuwing may sumasambit nito sakanila na parang lahat ng bagay nabibili ng pera.
"Hindi ko talaga gusto ang mga salitang yan."komento ng dalaga bago paikutin sa kamay ang hawak nitong plawta.
"Ano ba kasing kailangan niyo?!"sigaw ng lalaking nasa 40s habang pilit na gumagalaw na kinatawa ng mahina ng babaeng kasalukuyang tumutugtog ng plawta sa taas ng puno na dahilan para hindi makagalaw ang mga bihag.
"Pakawalan niyo ako nagmamakaawa ako."takot na takot na sambit ng isa sakanila.
"Kung sa batas nakalusot kayo,sa Death Squad hindi."ani ng babaeng may malaking ahas sa leeg habang nakangising hinahaplos ang ulo ng alaga.
"D-Death S-Squad?a-ano bang nagawa ko wala naman akong ginagaw---."
Naputol ang sasabihin ng lalaki ng---.
"Ohmygosh hanggang ngayon kinkilabutan pa din ako sa nagagawa ng plawta mo Empress."komento ng isa sa mga babae na kinatigil ng dalaga ng makitang sumabog ang ulo ng lalaking nagsasalita kanina na kinasigaw ng mga lalaking nakaluhod ng matalsikan sila ng dugo.
"Mamatay na lang nagsisinungaling pa."malamig na sambit ng dalagang may kulay puting hood ng ibaba nito ang hawak na plawta.
"Ikaw na bahala dito."ani ng babaeng may kulay puting hood na dahilan para maglakad palapit ang dalaga habang hawak nito ang itim plawta.
"Musika ko ang siyang magsesenstensya sa mga taong tulad niyo."walang emosyong sambit ng dalaga bago itaas ang hawak nitong plawta na dahilan para tumigil ang unang pyesa.
"Aaahhhh!!!"
"Tama na!tama na!!!"
Sunod sunod na sigaw ng mga lalaking halos gumulong habang hawak ang ulo nila ng magsimula ng tumugtog ang dalaga.
"Walang tao sa mundong ito ang hindi takot sa sarili nilang anino."komento ng babaeng may hawak na ahas habang nakatingin sa dalagang kasalukuyang tumutugtog ng plawta bago tumingin sa mga lalaking umiiyak at nagmamakaawa.