Luther's POV;
"Damn!"mura ko ng mabitawan ko ang hawak kong hand gun at mapawisang mapaluhod sa sahig.
"Hanggang ngayon hindi ka pa din nakakahawak ng baril?"napatingin ako sa pinto ng may mahinang kumatok dun at sa lalaking kasalukuyang nakasandal sa gilid ng pinto.
"Anong ginagawa niyong kambal dito?"tanong ko habang hinahabol ang hiningang napahawak ako sa ulo ko.
"May sakit ka kuya?"inosenteng tanong ni Hellion habang parang batang pinipihit pihit ang sedura ng pinto.
"W-Wala."sagot ko bago tumayo at kunin ang beer na nasa ibabaw ng lamesa at laklakin.
"Yan ba yung epekto ng nangyari 18 years ago?"tanong ni Hector na kinatigil ko.
"Ano bang sinasabi mo?"naiinis na tanong ko bago hawakan ng mahigpit ang hawak kong bote ng beer.
"Simula ng mangyari yun hindi kana humawak ng baril."sagot ni Hector.
"Ano bang alam mo anim na taon ka palang---."
"Wag ako kuya Luther."putol ni Hector ng lingunin ko siya tumalikod na ito at lumabas kasunod si Hellion na kumaway pa sakin bago tumakbo para habulin ang kakambal.
"Hindi ko alam kung sino sa kambal na yun ang sakit talaga sa ulo ko."naiinis na bulong ko bago bahagyang tingnan ang baril sa sahig.
'K-Kuya*sob*takot na takot ako.'
'K-Kuya.'
Napahawak ako sa ulo ko at napaluhod ng marinig ko nanaman ang boses niya.
"P-patawarin mo ako."bulong ko bago sabunutan ang sarili ko habang nakasandal sa gilid ng lamesa.
"Patawarin mo ako Laila."bulong ko hanggang sa namalayan ko na lang na rumaragasa nanaman ang luha galing sa mga mata ko.
Kasalanan ko...kasalanan ko.
Patawarin mo ako,patawarin niyo ako.
3rd Person's POV;
" Out on the road there are fireflies circling~"kanta ng dalaga habang pretenteng nakaupo sa veranda at feel na feel ang pag galaw galaw sa paa nito.
"Deep in the woods, where the lost souls hide over the hill there are men return---."Naputol ang pagkanta ng dalaga ng makitang bumibigat nanaman ang paghinga ng lalaking dahilan bakit lagi siyang umalis sa sariling teritoryo.
"Binabangungot nanaman siya."bulong ng dalaga bago kuhanin ang plawta nito sa luma nitong lalagyan at simulan ng patugtugin.
Luther's POV;
Nang marinig ko ulit ang musikang yun na inakala kong panaginip dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at---.
"S-Sino ka?"tanong ko ng may makita akong babaeng nakahood na itim habang may hawak na plawta na kinatigil nito.
"s**t!"rinig kong mura niya bago---.
"Teka!"sigaw ko bago tumakbo ng magpatihulog ito sa veranda ng makalapit ako dun at tingnan siya sa baba nakita ko siyang mabilis na tumakbo at walang kaano anong tinalon ang gate na kinagulat ko ng sobra.
---
"Sigurado ka?baka naalimpungatan ka lang."ani ni Hector habang nakatingin sa mga CCTV.
"Pano nakapasok yun ng hindi man lang tumutunog ang alarm."dagdag ni Hector na kinahilot ki sa sintido.
"Hindi ko alam basta nagising ako nakaupo siya sa railing ng veranda kitang kita ko dahil sa buwan n nasa likuran niya nung nagsalita ako bigla siyang nagpatihulog at nakita kong nanakbo."ani ko ng--.
"Ito ba yun?"tanong ni Hector bago izoom yung nakuhang cctv kagabi.
"Yan yun."ani ko ng iclick niya yun.
"Wow."rinig kong react ni Hellion ng makitang ang bilis ng takbo nung babae at parang balewala lang sakanyang tinalon ang napakataas ng gate.
"Ihhh ang creepy ano ba yan multo?"komento ni Hellion ng parang lumilipad lang kasi yun na tela kung titingnan sa CCTV dahil halos takpan na ng itim na tela ang buong katawan ng babaeng nasa kwarto ko kagabi.
"Anong ginagawa ng isa sa miyembro ng death squad sa kwarto mo Luther?"napatingin kaming tatlo sa pinto ng walang kaano anong pumasok si Kuya Daimos.
"Kailan ka pa dumating kuya?"tanong ni Hector ng makita si Kuya.
"Kahapon lang pansamantalang dito ako nadestino."sagot ni Kuya bago ako tingnan.
"May ginagawa ka bang katarantaduhan?"walang emosyong tanong ni Kuya na kinakunot ng noo ko.
"Kung katarantaduhan ang gawin kong tubig ang alak baka nga meron."sagot ko bago tumalikod at inumin ulit ang hawak kong can ng beer.
"Death Squad?madalas ko silang napapanood sa t.v sila yung organinzation na tumitirada sa mga matataas na opisyales ng gobyerno diba?"tanong ni Hector na kinatigil ko.
"Luther."tawag ni kuya Daimos na kinainis ko.
"Wala akong ginagawang kahit na ano Kuya mukhang wala din naman yang intensyon saking masama nakita ko lang siyang nakaupo sa railing at tumutugtog ng plawta na ilang gabi ko na naririnig."ani ko na kinatingin nilang tatlo sakin na kinakunot ng noo ko.
"Ano nanaman?"naiinis na sambit ko bago sila harapin at inumin ang hawak kong beer.