04

767 Words
Luther's POV; Buong gabi yata ako hindi nakatulog dahil sa pag eexpect kong babalik siya. "Ang wierd ng plawta niya."bulong ko habang nakatingin sa plawta na kahit saang anggulo na yata ko tingnan saulo ko na dahil sa tatlong oras ko pagtitig dito. -- "Kuyaaa!"napangiti ako ng pagbaba ko ng kotse sumalubong sakin ang mga bata kasama ang mga madre ng orphanage. "Kinagagalak ka namin ulit makita dito Sir Luther."bati ni sister Elena na kinangiti ko lalo na ng yakapin ako ng mga bata. "Ako din po sister."sagot ko bago lumuhod sa harap ng mga bata na mas lalo kong kinangiti ng makitang ang lulusog na ng mga ito habang ang iba nama'y dalaga at mga binata na. "May mga pasalubong si Kuya madaming toys...ginawa niyo ba ang promise niyo sakin?"tanong ko na kinatango tango nila. "Opo kuya noh nagpagkagood boy and goodgirl kami kina sister."sagot nh isa sakanila na kinatawa ko ng mahina. "Good..Jay pakikuha na yung mga toys sa compartment."ani ko na kinatalon ng mga bata bago ako yakapin. "Buti naman nakarating ka."napaangat ko ng makita ko si kuya King. "Palalampasin ko ba ito sa isang buwan isang beses ko lang pwedeng makita ang mga bata."pailing iling na sambit ko bago tumayo at bahagyang nilibot ang paningin sa paligid ng makitang ang daming black in men ang nagkalat sa paligid. "Anong meron?"tanong ko ng tumalikod siya at naglakad kung saan kaya agad ko siyang sinundan. "Kailangan mo pa ba magdala ng ganyan kadaming tauhan Kuya?"tanong ko pero imbis sumagot binuksan niya yung gate sa garden ng orphanage. "Anong meron dito?"tanong ko ng---. "Hindi ako naghire ng mga tauhan para sa sarili ko."bulong ni kuya King na kinalamig ng katawan ko. "S-Sino ang mga batang yan?"ani ko ng makita ang dalawang bata na nasa swing. Hindi ako pwedeng magkamali pero pan---. "Nakita na ito ni Daimos katulad niya ang naging reaction mo at sinuggest niya na kukunin niya yung batang babae pero---." "Sa trabaho ni kuya imposibleng maging safe ang batang yan."putol ko na kinayukom ng kamao ko. "Ilang taon na sila?"tanong ko na kinatingin ng dalawang bata sa pwesto namin. "5 years old."sagot ni kuya King na kinamura ko. --- "Bakit ayaw mo sakin sumama?"tanong ko habang nakaluhod sa harap ng batang babae. Imbis sumagot umiling lang ito at nagtago sa kakambal na walang emosyong nakatingin sakin. "Kuya anong gagawin natin?"tanong ko bago tumayo at tingnan si Kuya King na matamang pinagmamasdan ang batang kahawig ni kuya L. "Hindi natin pwedeng pilitin ang mga bata Luther."sagot ni Kuya King na kinabuga ko ng hangin bago tingnan ang kambal. Her's POV; Buti na lang walang misyon kanina kundi yari talaga ako naiwala ko yung plawta. "Nasaan na ba yun?"bulong ko habang naghahalungkat sa kwarto ng lalaki kagabi kailangan ko makuha yun papatayin ako ng empress pag nawala yun. "Ito ba ang hinahanap mo?"napatingin ako sa pinto ng may magsalita dun na agad na kinalaki ng mata ko dahil hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. "Bigay mo sakin yang plawta ko."ani ko bago lumapit sakanya aabutin ko na yun ng iangat niya yun na kinainis ko. "Tell me about your self."ani niya na kinakunot ng noo ko. "Niloloko mo ba ako lalaki?ibalik mo na sakin yang plawt---." "Anong pangalan mo?"tanong niya na kinatigil ko. "W-wala akong pangalan."sagot ko bago ibaba ang kamay ko. Tatalikod na ako para umalis ng---. "Iiwan mo na lang ang plawta mo dito?"ani niya na kinatigil ko. "Ano ba kasing kailangan mo?!akin na yang plawta ko!"sigaw ko ng pumihit ako paharap sakanya kukunin ko na yun ng iangat niya ulit na kinapula ng pisngi ko dahil sa inis. Pinaglalaruan niya ba ako?sisipain ko siya ng mabilis niyang sinalag yun iikot ako para sipain ulit siya ng hawakan niya ang braso ko at isandal sa pader na---kinalamig ko dahil baka tangkain niya nanaman tanggalin ang hood ko. "Masyado kang tense."bulong niya na kinatigil ko magpapasag na sana ako ng---. "Gusto ko ang amoy mo."bulong niya bago lumayo ng konti at ayusin ng hood ko para mas matakpan ng maayos ang mukha ko. "Pasensya na."bulong niya bago kuhanin ang kamay ko at ilagay ang plawta ko na---. "B-Baliw ka na."ani ko bago siya itulak at tumakbo palabas ng kwarto. "s**t siya."naiinis na bulong ko bago tumalon pababa habang hawak ang dibdib ko. "Delikado."bulong ko bago mabilis na tumalon sa gate habang hawak ang plawta ko. 3rd Person's POV; "Dapat pala hindi ko muna binalik."bulong ng binata habang nakatingin sa dalagang nanakbo palayo. "Amoy white flower ang pabango niya."dagdag pa ng binata bago tingnan ang napakalaking buwan na kitang kita niya mula sa veranda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD