05

676 Words
3rd Person's POV; "Ara."napatingin ang dalagang si Ara ng pagbaba niya bumungad ang binatang si Luther na kinanguso ni Hellion na agad yumakap sa braso ni Ara. "Tsk yang mukha mo Hellion."komento ni Luther na kinatawa ng dalagang si Denise na pretenteng nakaupo sa sofa habang ngumunguya ng kung ano. "Ano yun kuya?"tanong ni Ara bago marahang haplusin ang buhok ng binatang si Hellion ng bumusangot ito. "May alam ka ng brand ng perfume na white flower ang amoy?"tanong ni Luther na kinataka ng dalaga. "Hindi ako gumagamit ng perfume kuya."sagot ni Ara na kinatawa ng mahina ni Almira na kalalabas lang kusina. "Kung tungkol sa beauty products ang itatanong mo kuya Luther kay Ivolyn ka magtanong tiriray ang babaeng yun dun ka magtanong."suhesyon ni Almira na---. "Narinig ko yun noh."napatingin si Luther ng lumabas ang dalagang si Ivolyn mula sa garden. "Ha?kuya Luther pumunta ka lang dito para itanong yan?"nagtatakang tanong ni Lucky habang nakaupo sa sofa katabi ang dalagang si Almira. "Sinong reregaluhan mo kuya?"tanong ni Ara na kinangiwi ng binatang si Luther lalo na ng magkanya kanya ng tanong ang mga babae ng mga Aragon. "Mga aunties stop na namumula na si uncle ohhh."sabat ng pamangkin na si Kacey na nakaupo sa carpet katabi ang bestfriend nitong si Cade. "Wala kalimutan niyo na."ani ng binata bago tumalikod at naglakad palabas ng mansyon. "Haist ano bang naisipan ko at pumunta ako dito."bulong ng binata bago tingnan ang mga daan daang mga tauhan ng mga kapatid na nagkalat sa buong isla kung nasaan ang mga asawa ng mga ito. "Kung makita ito ng prime minister ng England at president ng united states at pilipinas mahihiya sila sa dami ng mga gwardyang andito."komento ng binatang si Luther habang nakatingin sa mga tauhang kasalukutang nakayuko sakanya. --- 'Kuya wag ka ng sad.' Habang nakaupo sa ibaba ng kama tahimik ang binatang nakatingin sa kisame habang nakasandal sa gilid ng kama at nilalaklak ang hawak nitong beer. 'Kuyaa iloveyou hihi.' 'Kuya smile ka bilis.' "Gising man o tulog binabangungot pa din ako ng mga alaala mo Laila."bulong ng binata hanggang sa may isang butil ng luhang tumulo galing sa mga mata nito. "Ano bang kailangang gawin ko para matigil ito...hirap na hirap na ako."dagdag ng binata bago bitawan ang hawak nitong bote na dahilan para mabasag ito. -- "Dito na siya natulog?"bulong ng dalaga ng pagpasok niya ulit ng kwarto ng binata kinagabihan hindi niya nakita ito sa kama kundi nakaupo sa sahig at sa tabi nito ang mga basyo ng alak. "Mamatay ito sa alak eh."bulong ng dalaga bago lumuhod sa harap nito at matamang tingnan ang maamong mukha ng binata. "Hindi ka naman mukhang masama tao pero bakit nababasa ko sa mga mata mo ang sobrang guilty at pagsisisi."tanong ng dalaga. "Haist nakakacurious."dagdag ng dalaga bago umupo sa tabi ng binata at simulan ng patugtugin ang plawta nito na agad naman niyang kinatigil ng bumagsak sa balikat niya ang ulo ng binata. --- "Mama bakit kailangan mag disguise ni Kuya look mama ang panget panget niya."ani ng batang nasa limang taong gulang habang nakatingin sa kapatid na may suot na malaking salamin contact lense at wig. "Kasi anak hindi safe para sa kuya mo na lumabas."sagot ng ina na kinapagtaka ng batang lalaki. "Pero mama ang init tapos ang sakit sa mata nung bagay na nasa mata ko."reklamo ng batang lalaki na kinagat labi ng babaeng nasa 30s. "Sorry anak pero ito lang yung way para hindi ka mawala sakin at hindi ka niya makuha."makahalugang sambit ng babae bago marahang haplusin ang pisngi ng anak bago tingnan ang asawang matamang nakatingin sa mag ina. "Tara na umalis na tayo malalate na tayo sa flight."ani ng lalaki bago halikan sa noo ang asawa ng mangiyak ngiyak itong tumingin sa mga anak. "Paglaki nila maiintindihan din nila ang lahat."bulong ng lalaki bago tingnan ang batang lalaki na nasa edad pitong taong gulang na kinakausap ang kapatid na babae. "Natatakot ako Luke lalo na para kay Luther."bulong ng babae habang nakatingin sa anak na lalaki na nakangiti sa kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD