✓Prologue

1297 Words
Prologue Nagulat ang lahat sa malakas kong pagsuntok sa mukha niya. Halos tumigil sa pag-ikot ang mundo sa pakiramdam ko habang tinitingnan ko siya. Tumagilid ang mukha niya sa lakas ng suntok ko. Para sa akin ay katamtamang lakas lang naman ang pagkakasuntok ko sa kaniya pero dahil babae siya ay malakas na 'yon. Ang tagal na nasa ganoong posisyon ang mukha niya. Pigil-pigil ko ang hininga ko nang dahan-dahan siyang humarap at tumingin sa akin. Walang kasing init ang mga mata niyang nakatunghay sa akin. Para siyang si Naruto pero hindi siya ang kaharap ko ngayon. Para akong nakikipagtitigan sa demonyo sa katawan ni Naruto, si Kyuubi... Ang ilang hibla ng kaniyang buhok ay bahagyang tumakip sa mukha niya. Kasabay ng paghawak niya sa gilid ng tiyan niya ang pagtulo ng dugo sa kaliwang butas ng ilong niya. Napalunok ako nang bale-wala niya itong pinunasan gamit ang likod ng kamay niya. Yumuko siya upang pagmasdan ang bakas ng dugo roon. "Sa tingin mo, mahal na mahal ka ng girlfriend mo?" Ngumisi siya habang tila may naglalarong nakakalokong apoy sa kaniyang mga mata. Muli siyang humarap sa akin saka niya ako tiningnan nang seryoso.  Ni wala akong makitang sign na may iniinda siyang sakit. Ikinuyom ko na lang ang mga kamay ko habang nagwawala sa inis 'tong kalooban ko. "At bakit mo dinadamay ang girlfriend ko rito?" nagtitimpi sa galit kong tanong sa kaniya. "Dahil wala naman akong alam tungkol sa 'yo maliban sa katotohanang pinagloloko ka ng girlfriend mo," kalma niyang sagot sa akin. Ipinagdiinan niya talaga ang salitang pinagloloko. Kalma lang siya kung magsalita ngunit kung tititigan mo siya nang matagal sa kaniyang mga mata ay makikita mo ang imahe ng taong hindi magpapatalo. "Huwag mong idamay rito si Nikki." "So, Nikki ang pangalan niya? Pinagloloko ka ng girlfriend mong si Nikki." Akala ko ay nagbibiro lang siya kanina sa sinabi niya ngunit bigla akong kinabahan noong ulitin pa niya. Hindi ako magagawang lokohin ni Nikki. Ni sa panaginip ay hindi ko naisip 'yon. Mahal na mahal niya ako. Mahal niya ako higit pa sa pagmamahal ko sa kaniya. Nababaliw na siya! Wala siyang alam tungkol sa amin ni Nikki. Tinitingnan niya lang ako na para bang ang dami niyang alam tungkol sa akin na hindi ko alam. Naguguluhan ako sa kakaibang tingin niya sa mukha ko. Dapat ay matuwa siya at mag-celebrate ako dahil napakasakit ng mga sinabi niya pero hindi. Given na 'yon pero ang hindi ko lang maintindihan ay ang awa na nababasa ko sa kaniya. Naaawa siya sa akin! Awa, iyan ang pinakaayaw ko na nakapaskil sa pagmumukha niya ngayon. Ayaw na ayaw ko 'yong kinakaawaan ako. Hindi ang isang katulad niya ang makapagpapababa sa tingin ko sa sarili ko. "Tangina mo! Huwag mo akong umpisahan!" nanggigigil kong banta sa kaniya nang hindi ko makayanang pigilin ang galit ko. Nginitian niya lang ulit ako nang nakaloloko. "Sino ba'ng nag-umpisa?" Tinaasan niya ako ng kilay. Sh*t! Ang kapal lang ng mga kilay niya. Kasing kapal ng tapang niya. Hindi na niya kailangan gumamit ng eyebrow enhancer sa kapal. Ang sarap lang kalbuhin. Nakaaasar! Ipinipikit ko na lang ang mga mata ko sa inis. "Bawiin mo ang sinabi mo," kalma ngunit may halong pagbabanta kong utos. "Nasabi ko na. Walang magbabago kahit pa bawiin ko." "Ang sabi ko, bawiin mo ang sinabi mo!" nanlilisik ang mga matang utos ko ulit sa kaniya. Hindi ko matanggap ang mga sinabi niya at mas lalong hindi ko matatanggap na pinapanindigan niya ang mga sinabi niya. Hindi maalis sa isipan ko ang imahe ni Nikki na may kasamang iba. Ang sakit... Para akong pinapatay kahit pa hindi ako sigurado sa mga ibinibintang niya. "Tahimik ang buhay natin pareho pero ginulo mo ang nananahimik kong mundo," mahina ngunit malinaw niyang sabi. "Ikaw ang unang nanggulo," pagtatama ko naman. "Ginamit mo 'yang upuan at table ko nang walang paalam!" "Pero ikaw ang unang nanakit, physically!" sumbat naman niya sa katamtamang lakas. "Pero ikaw ang unang nanakit, verbally!" malakas kong turan. Halos manginig ang mga kalamnan ko. "Hindi ko alam na sa iyo 'tong mga 'to! Sana sinulatan mo ng, no trespassing!" galit na rin niyang sagot. "Ni wala akong ipinabawi sa mga ginawa at sinabi mo sa 'kin. Wala kang narinig sa akin. Ito lang... Alam mo, sana okay ka lang. At sana magiging okay pa rin sa mga susunod na araw. Hindi naman para saktan ka ang mga sinabi ko. In fact, I gave you warning. Sa kabila ng mga ginawa mo sa akin, advantages mo isinukli ko. Masakit nga lang... Pero at least may idea ka na. Malay mo, pasasalamatan mo ako balang araw." "At talagang confident kang paniniwalaan kita?" Napamaang ako. "Bakit hindi ba?" nanghahamon naman niyang balik na tanong sa 'kin. Humakbang ako palapit sa kaniya. Tinititigan ko siya nang seryoso para ipaalam sa kaniyang hindi ko na nagugustuhan ang mga lumalabas sa bunganga niya. "Wala naman akong pakialam, paniwalaan mo man ako o hindi," walang katakot-takot niya pang dagdag na saad. At nagawa pa niya talagang mas parubrubin ang apoy na nabuo sa pagitan namin? Kung gaano ka-intense ang titig ko sa kaniya ay mas dinoble naman niya ito ngayon. Talagang sira ang ulo ang babaeng 'to! Sinuntok ko siya para makulog ang utak niya at matauhan, hindi para mas tumapang! Ngumiti siya nang nakaloloko kalaunan ngunit nandoon ang malungkot na imahe sa kaniyang mga mata. "Ikaw ang dapat na may paki sa mga sinasabi ko. Ikaw ang dapat maguluhan, magtaka at gumawa ng aksiyon bago pa mahuli ang lahat. Kung paminta ka man, piliin mong maging buo kaysa durog. Parang butil ng isang pamintang buo, mahalo-halo man sa niluluto mo ay may maiiwan pa ring kaunting lasa sa loob nito kaysa sa durog na talagang kakapit ang lasa, walang maiiwan at lahat kumakapit. Mauubos ang lahat sa 'yo." Tumigil siya sa pagsasalita at ipinukol sa akin ang nagtatanong niyang mga mata. "Pipiliin mo ba'ng maging durog o buo? Kung buo, then take my words seriously. Dump her," walang kakurap-kurap niyang sabi. Tanga ba siya? Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa totoo lang ay kamao ko na lang ang gusto kong kausapin niya. Hindi ko rin naman maitatanggi ang sakit, pagkalito at panghihina ko sa kabilang banda sa akin. What if she's telling the truth? Pero hindi talaga kayang tanggapin ng buong sistema ko lahat ng mga sinabi niya. At nararamdaman kong nababasa niya 'yon sa akin. "May mga tao talagang nakatadhanang ibasura natin, hindi sa basurahan kundi sa limot," makahulugan niyang sabi. "Hindi mo man makalimutan, at least inalis mo na siya sa buhay mo at hindi ka na niya muling masasaktan pa." "Tumigil ka na!" matigas ngunit may halong pakiusap kong bitaw. "Buo o durog?" ang huli niyang tanong bago niya ako tinalikuran. Halo-halong emosyon ang nararamdaman akong napayuko. Unti-unti akong nag-angat ng mukha nang maramdaman kong parang lumingon ulit siya sa akin. Hindi nga ako nagkamali. "Isa lang ang dapat mong piliin," tila nagpapaalala niyang bilin bago niya ako tinalikuran ulit at naglakad paalis. Ngayon lang ako pinakanasaktan sa mga salita ng taong estranghero. Naghihimagsik ang kalooban ko dahil nagpadala ako sa katulad niyang wala namang alam sa buhay ko. Ang sakit dahil pinagbibintangan niya ang babaeng nag-iisang naniniwala sa mga pinaglalaban ko sa buhay... Ayaw na ayaw ko 'yong pinagsisinungalingan ako dahil itong pagkatao ko palang ay malaki nang kasinungalingan... Sana hindi totoo. Sana gawa-gawa lang niya ang mga 'yon. Siya ang nakatikim ng kamao ko pero bakit parang ako ang napuruhan dahil lang sa isinalita niyang wala namang sapat na basehan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD