Honey's POV "Hala, kumain lang kayo nang kumain, ha. Huwag kayong mahihiya," I heard tita Tanya say as we were all busy eating here still in the cottage. "Ang sarap niyo pong magluto, nanay Tanya. Walang itulak-kabigin," sagot naman ni Empress na tila ganado at sa tingin ko ay punong-puno ang bunganga niya ngayon ng pagkain dahil parang nahihirapan na siyang magsalita. "Pero mas masarap kung may nagsusubo sa iyo--" Bigla naman akong nasamid sa sinabing iyon ni Aegia. Narinig ko ang mahina nilang tawanan kaya't mabilis na umakyat ang init sa magkabila kong pisngi ngunit patuloy pa rin ako sa pag-ubo. "Water." Naramdaman ko naman ang paghawak ni Geoffrey sa baba ko at paglapat ng bagay sa labi ko na sa tingin ko ay baso ng tubig. Kaagad naman akong uminom. Kinuha ko na lang din ito mu