Honey's POV Kinabukasan ay nagising ako sa bulungan at tila masinsinang pag-uusap sa paligid. Kinapa ko si Geoffrey sa aking tabi ngunit wala na akong nahawakan kundi unan. Balot na balot din sa katawan ko ang kumot ko. "Maybe they just hid them," I heard Andrei say. "No. I saw parts of them in a cave. They're breaking them all to pieces," I heard Sean answer. "Naniguro ang mga hayop," sagot din naman ni Aegia. "Then, how can they go fishing if they don't have boats?" Sa wakas ay narinig ko rin ang tinig ni Geoff. "Kaya nga narinig ko kanina ang pagtatalo nila ni tita Tanya. Sa palagay ko ay lumalakas na rin ang hinala niya na may itinatago ang kapatid niya at sa mga kaibigan nitong naririto," sagot muli ni Sean. Naisipan ko nang bumangon. Hindi ko alam kung anong oras na pero paran