EPILOGUE

1963 Words
VENUS' POV HAPPY BIRTHDAY TO YOU~ HAPPY BIRTHDAY TO YOU~ HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAY~ HAPPY BIRTHDAY VERONICA We all clap and greet in chorus, “Happy birthday, Veronica!” Nilapag ni Mommy ang cake na karga niya sa lapida ni Veronica. Veronica Dela Merced Born: December 30, 1999 Died: November 18. 2018 Matagal na nang nawala sa amin si Veronica. She left a lot of memories, for us not to forget her. Sayang nga at hindi niya naabutan ang birthday niya. She’s too young para mag-suffer. She's too young para mawala. Nakakalungkot lang na kung kailan nawala siya sa amin, saka pa kami maraming nalaman na bagay tungkol sa kanya. She’s really a fighter and I idolize her for that. I still remember how we all witnessed her last breath. “I love you, and I will always do.” Kita ko kung paano niya binitawan ang kamay niyang nakahawak sa mukha ni Dad. How she close her eyes, and how she had her last breath. “Veronica, Anak!” Mommy shouted. I feel like my whole world stops. Panaginip lang ba ito? “Peter! Peter!” Daddy shouted. Umalis ito saka hinanap si Tito Peter. Lumapit ako sa kapatid ko. Hindi ako tanga o bobo para hindi malaman kung ano ang totoong nangyari. But I still believe in miracle. She’s a fighter. “Bunso? Bunso, w-wake up please. We love you. I love you. Please don’t do this to Ate, baby, please,” halos nagmamakaawang tono ko habang hinahawakan ang kamay niya. No. Hindi pwede. “Veronica, Anak! Please don’t do this to Mommy! Babawi pa ako sa’yo anak. Please don’t leave us! We’ll do everything to keep you alive so please fight for us! Please. Pagbigyan mo si Mommy, anak, please!”  Humagulgol na ako. I can’t see her breathing. Sobrang sakit. “Ate, Venus, sa labas muna kayo,” Tito Peter said. “No, hindi ko iiwan ang anak ko! Huwag niyo akong ilayo sa kanya! Please!” Mommy pleaded. Nagwawala na si Mommy dahilan para lalo akong maiyak. I know how is she feeling right now. Kung masakit sa akin ay alam kong mas masakit ito para sa kanya at para kay Daddy. “Vanessa, hayaan muna natin sina Peter. Sila na muna ang bahala sa anak natin,” Daddy said habang hawak nito ang balikat ni Mom. Wala nang magawa si Mommy kundi ang halikan na lamang ang noo ni Veronica. May ibinulong pa ito bago tuluyang bitawan ang kamay niyang hawak-hawak ang kamay ng kapatid ko. “Tito, please do everything to keep her alive. Kahit alam kong imposible.” Tinitigan ko siya na para bang gusto kong iparating sa kanya na nagtitiwala ako sa kanya. “I will do everything, Venus.” Mula sa labas ng kurtina’y rinig ko kung paano nila sinusubukang i-revive ang kapatid ko. Naalala ko ang pendant na cross na binigay sa akin ni Veronica nung 18th birthday ko. Hinawakan ko ito saka pumikit. ‘Lord, if it is your will then let it be done. Ayokong nakikitang nahihirapan ang kapatid ko. Alam kong hiram lang ang buhay namin. Alam kong kukunin niyo rin siya sa amin. Pero Diyos ko, pwede bang bigyan niyo kami ng kahit kaunti pang panahon para bumawi kay Veronica? Gusto kong maramdaman at maranasan niya ang buhay na gusto niya. Pero kung ito na talaga ang plano niyo, hindi ko na po kayo mapipigilan. Pakisabi na lang po sa kapatid ko, mahal na mahal po namin siya.’ Saktong pagbukas ko ng mata ko’y narinig kong nagsalita si Tito Peter. “Time of death, 10:24 P.M.” “Umiiyak ka na naman, anak,” Mommy said. Hindi ko namalayang napansin iyon ni Mommy. Hindi ko rin namalayang umiiyak na pala ako. Hanggang ngayon ay masakit pa rin pala. Hanggang ngayo’y hindi pa rin humihilom ang sugat na natamo ko nung nakaraang buwan. Masaya ako dahil finally nakapagpahinga na si Veronica. I know she’s in good hands with God. Alam kong gusto niya na ring magpahinga kaya hindi niya na sinubukan pang lumaban. Nakakapanghinayang lang na hindi man lang namin nagawang bumawi sa kanya. Sa lahat ng naging pagkukulang namin. “Do you think Veronica is happy now?” biglang tanong ni Mommy. “I think she’s happy now. She’s happy seeing us together on her birthday. Veronica has a good heart, before she died she clearly told us not to hate ourselves. She told us to forgive ourselves. Dahil kahit gaano pang sakit ang naidulot natin sa kanya, pagmamahal niya pa rin ang mas pinairal niya,” Daddy said. Yes. Daddy’s right. She never hated us. Her love for us is so unconditional to the point na hindi man lang siya kailanman nagtanim ng galit para kay Mommy at Daddy. She’s so selfless. She never hated me dahil alam naman niyang sa puno’t dulo ng kwento ay ako ang dahilan kung ba’t palagi siyang pinapagalitan. Because they keep on comparing us. “I wish I could turn back time,” Mom answered. I wish too, Mom. But we can’t. It’s too late. We’re too late. “Little sis, are you okay there? Wala bang nang-aaway sayo? Sabihin mo lang sa akin ha dahil poprotektahan pa rin kita. I miss you so much, Veronica. Ate miss you so much. Wala nang nagsusuklay ng buhok ko bago ako papasok sa school. Wala na akong photographer everytime na gusto kong may magpi-picture sa akin. Wala ng magtitikim ng niluluto ko. Wala na akong kalaro sa pagbabadminton. Wala nang maghahanda ng uniform ko tuwing papasok ako,” I started crying again. Hinayaan lang ako nina Mom at Dad. I know that they feel me too. “Wala nang sasalubong sa akin sa pintuan tuwing uuwi ako galing school. Wala ng yayakap sa akin tuwing pagod ako at sasabihang ‘I love you sa napakaganda kong Ate’. Little sis, I wish you’re here. Ang daya mo kasi hindi mo man lang inabot hanggang sa birthday mo. Sabi nga pala ni Serenity na bestfriend mo, ikaw daw ang Top 1 sa inyo. Aren’t you happy about that?” Para akong tangang nakikipag-usap sa taong alam kong wala na. But I believe she’s here. Naririnig niya kami. “Oo nga anak. We’re so proud of you. We also celebrated the day we knew na Top 1 ka. Loko talaga iyong teacher niyo at nagkamali raw ito sa pag-compute ng grado niyo.” Mom tried to laugh but I can still see pain in her eyes. “We will never forget you, anak. Iniisip na nga lang namin ng mommy mo na may school trip lang kayo tapos ang tagal mo lang umuwi. Tsaka anak, hindi ka naman mawawala sa buhay namin. You may be at heaven now with God, but you’ll remain in our hearts, anak. Bantayan mo sana kami ng mommy at ng ate mo. Just like what you’ve said before you left us, aalagaan ko sila at mamahalin. Thank you for everything, anak. Happy birthday,” Daddy said while he’s wiping the tears that comes out from his eyes. “Before we left now. May ibinigay nga pala sa akin si Serenity. She told me na isinulat daw iyon ni Veronica para sa’tin. Wait, nasa bag ko iyon, eh.” Hinanap ko ang sulat na iyon sa loob ng bag ko. Nang tuluyan ko na itong makita’y napatingin ako kay Mommy at Daddy. Am I ready to read this? I sighed. I started opening the letter and started reading it. Mommy Vanessa, Daddy Fidel and Ate Venus I just want to say sorry. Sorry for hiding my situation. Sorry for hiding my Leukemia. I told Serenity to tell everything to you kapag nawala na ako. I bet you already knew every single detail about it, right? Kasi kung hindi, mumultuhin ko talaga kaibigan ko. Hahaha. Just kidding. Mommy Vanessa, I’m sorry if I keep on disappointing you. Mommy, thank you for taking care of me. Thank you kasi kahit pinapagalitan mo ako, kahit sinisigawan mo ako, alam kong deep inside your heart na mahal mo ako. You can’t deny it because your eyes can’t lie. Everytime na pinapagalitan mo ako, I know that after you scold me, you feel bad about what you did to me. Kapag nasa heaven na ako, hindi ko na matitikman ang luto mong adobo, Mommy. Kapag nasa heaven na ako, wala nang ikaw na papagalitan ako. I will miss your voice, Ma. Mamimiss ko ang ngiti mo tuwing napapasaya ka ni Ate. Mamimiss ko kung paano mo ako inaalagaan tuwing may sakit ako. Mommy, don’t be mad at yourself, okay? Nagpapasalamat ako na dumating ka sa buhay ko. Yung mga pinagsasabi mo sa akin? I always take it as an advantage para mas pagbubutihin ko pa ang sarili ko. I love you so much, Ma. Daddy Fidel, isa ka sa pinakainiidolo kong tao. You’re willing to take every sacrifices para lang buhayin kami. I know how much you love Mommy and Ate. Daddy, kapag nasa heaven na ako bantayan mo ng maayos sina Mommy at Ate, ha? Tapos Daddy, kapag may time ka samahan mo si Ate na maglaro ng badminton kasi for sure wala na siyang kasama. Alam ko namang mas close kayo ni Ate, e. Minsan nagtatampo sa iyo si Ate kasi sabi niya you’re so workaholic daw. Daddy, dapat hindi mo pababayaan ang Queen at Princess natin, ha? Mamimiss kong magtimpla ng kape for you Daddy. Opo, ako nga ang nagtitimpla ng kape mo at hindi si yaya. Si yaya lang naman ang taga dala no’n Daddy. I love you so much, Daddy. Ate Venus, how can I start? We build a lot of memories together. Kahit saang sulok nga ata ng bahay natin ay may memories tayo. If I were to mention each one of them, baka napupudpod na kamay ko kakasulat, Ate. You’re the best person I’ve met in my life. My protector, my savior, my chef, my stylist, my model. Lahat-lahat. Wala naman kasi tayong bagay na hindi pinagkakasunduan. We’re partners in crime, right? But sorry if iniwan kita, Ate. Partner kita in all times pero hindi ko man lang sinabi sa’yo ang sakit ko. Ayoko lang na mag-alala kayo. Ate, alam mo naman na mahal na mahal kita, ‘di ba? Wala ng kakagat sa braso ko tuwing highblood ka. Wala ng mag-aayos sa akin tuwing may gatherings kami sa school. Wala ng magluluto ng pagkain tapos sa akin lang ipapatikim. Kahit maraming food dito sa heaven, the best pa rin ang luto niyo ni Mommy. Tuwing malungkot ka, Ate, i-hug mo lang yung favorite teddybear ko na bigay mo, ha? Isipin mo na ako ‘yon. Lagi akong nasa tabi niyo. Ako ang magsisilbing guardian angel niyo, for me to make sure na nasa maayos na kalagayan kayo. I will miss you Mommy, Daddy, Ate. Kahit wala na ako, kahit patay na ako sana napasaya ko kayo sa sandaling nakasama niyo ako. Sorry, I wasn’t able to fight anymore. Maybe it's time for me to take a rest. I love you. Veronica Dela Merced After reading her letter, we felt a cold wind. I know she’s here. “I love you, our little angel,” I uttered. The end.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD