Hindi mapakali si Aevia habang binabalik-balikan sa isip ang nangyari nang nakaraang linggo lang sa Balay Aisalah. He met Señor Lucas Savatierre in the flesh! Kinumpirma rin nito ang matagal na niyang hinala na isa itong… Bumuntong-hininga siya. Lucas was an archdevil. Mas mataas kaysa sa karaniwang demonyo. Mas makapangyarihan ito. Dapat siyang matakot pero hindi niya makapa iyon sa kanyang dibdib. Nagbuga siya ng hangin at itinigil ang pagkiskis ng kuko sa casing ng kanyang cellphone. Nasa covered court siya at tagusan ang tingin sa players ng basketball na kasalukuyang nagwa-warm up bago simulan ang game. Ang plano dapat niya ay magmukmok sa tahimik na library para mas makapag-isip siya. Pero inimbita siya ni Tanner na manood ng basketball game. Napaaga yata ang dating niya dahil kaka