CHAPTER 18

2054 Words

CHAPTER 18 Marahas ang ginawang pagbukas ni Cara sa pinto ng silid ni Maxine. Agad siyang pumasok doon at marahas pa rin ang ginawang pagsara niyon. Sandali niyang isinandal ang kanyang likod sa pintuan nang mailapat niya iyon pasara. Mariing naipikit niya ang kanyang mga mata. She was running for her breath. Wari bang napakalayo ng kanyang tinakbo at ganoon na lamang ang kaba at takot na kanyang nadarama. To say that she was pissed off by Leandro was an understatement. Nangangalaiti siya dito at nanggigigil na kung maaari lamang na sugurin ito at saktan ay ginawa na niya. Damn him! Ubos na ubos na ang pasensiya niya dito. Did he really think that she really wants to do it with him? Katulad ng inisip nito noon sa bahay nila nang lapitan niya ito noong isang gabi sa may swimming pool?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD