CHAPTER 14 "What do you mean, Attorney?" nagtatakang tanong ni Cara sa abogado ng kanilang pamilya na si Atty. Angelito Javier. Nang nabubuhay pa ang kanyang mga magulang ay ito din ang abogado ng kanyang ama. At nang maulila sila ng kanyang Ate Coleen ay nanatili ang serbisyo nito sa kanila. At ngayon ngang mag-isa na lamang niyang itinataguyod ang kanilang mga negosyo ay naroon pa rin ang matandang abogado at gumagabay sa kanya sa mga legal na pangangailangan ng kanilang mga hanapbuhay. Nang malaman niya na nag-file si Leandro Sevilla ng child custody para kay Maxine ay ito din agad ang una niyang tinawagan. Si Attorney Javier ang nag-asikaso ng kanyang petition for non-parental custody for Maxine. Inaasahan na niyang darating ang araw na maghaharap sila at ng kampo ni Sevilla. Kaya n