Hera Garcia
Abala ako sa pagkain nang magsalita si Tito Marcus. Tito ang tawag ko sa kanya kapag nasa labas kami ng kompanya. Si Tito Marcus at si Dad ay magkaibigan since their college days.
"Mukhang sinusundan tayo ng anak ko." Walang pasintabing ani ni Tito Marcus
Bigla akong nabilaukan. Sakto naman kasi sa pagsubo ko ng kanin. Agad akong inabutan ni Tito Marcus ng tubig at hinahapuhap ang likod ko.
"Ayos ka na ba, Hera? Lagot ako kay Rodrigo kapag may mangyari masama sa'yo." Worried and guilt is written on his face.
"Okay lang po ako, Tito. Napaka-OA lang talaga ni Daddy minsan. Anyway, bakit po tayo sinusundan ni Carlos? Diba sinabi niyo po may date siya ngayon." Sabay punas sa bibig ko ng tisyo.
"I think excuse lang niyang may ka-date siya para sundan tayo. I know my son there is something running on his dirty mind and here he is trying to get an evidence." Natatawang ani ni Tito.
"Sandali tatawagin ko. Carlos!"
Kitang-kita ko ang namumutlang mukha ni Carlos nang ibaba nito ang menu niyang hawak.
Sigurado akong hindi niya inaasahang mahuhuli siya ni Tito Marcus na sinusundan kami.
Mayamaya'y napalitan ito na nakangiting lumapit sa'min.
"Dad, Ms. Garcia, I never know that you're here." anya na parang walang nangyaring hulihan.
Ang galing din naman palang um-acting ng lalaking 'to kaya maraming nabobola.
"Anong ginagawa mo rito? I thought you have a date." ani ni Tito Marcus.
"Yes, Dad. Dito sana kami magkikita but unfortunately, nang pumasok ako rito nagtext siya na may emergency sa kanila kaya ayun hindi na tuloy ang supposed to be date namin." aniya.
"I see. Dito ka na lang maupo. Anyway, had you already ordered?" ani ni Tito Marcus.
"Yes, Dad. O, there it is." aniya saka tinawag 'yung waiter na parang hinahanap siya
"Here's your steak, Sir. If you need anything just call me." ani ng waiter.
"Thank you." anya at sinumulan ang pagkain.
-----***-----
Carlos Jay Cervantes
Mabuti naman at mukhang naniwala naman itong si Tanda sa alibi ko.
Nagkukwentuhan ang dalawa patungkol sa Facts. Minsan sumabat rin ako. Kinwento rin ni Tanda 'yung nangyaring meeting namin ni Mr. Santos.
"I'm so glad na may natutunan ka sa mga tinuro ko sa'yo." ani ni Hera.
"Magaling ka kasing magturo."
Magaling rin siguro 'to sa pagpapaikot kay Tanda.
"Hindi naman. Kagaya mo rin ako no'ng una. Tinuruan din ako ni Ti- Mr. Cervantes kung paano ang ginagawa sa Facts. Kaya malaki ang pasasalamat ko rito kay Mr. Cervantes." aniya.
Hindi lang pala boss ni Hera si Tanda. Mentor din pala niya ito. Kaya ba gano'n na lang kung makatingin ito si Tanda kay Hera.
I wonder kung ano pang ginagawa nila aside sa magme-mentor.
Hindi kaya 'yung- nakakadiri. Hindi ko lubos maisip ang pangyayaring pumapasok sa isip ko.
"Hindi ka naman mahirap turuan, Ms. Garcia. Mabilis kang matoto at hindi natatakot magtanong sa'kin kapag hindi mo naiintindihan ang isang bagay." ani ni Tanda.
Sa kalagitnaan ng kanilang kwentuhan biglang nag-ring ang phone ni Tanda.
"Excuse me. I'm gonna take this call." Paalam ni Tanda bago lumabas ng restaurant. Naiwan naman kami ni Hera ng walang imikan.
Mayamaya'y bumalik na si Tanda.
"Carlos, Hera, I'm going first. I have an urgent meeting ako sa may urbano. Carlos, isabay mo na si Hera pabalik sa opisina." ani ni Tqnda.
"Naku 'wag na po, Mr. President. Magta-taxi na lang po ako pabalik ng opisina. Nakakahiya po kay Carlos." anya.
Ano ba 'tong babaeng 'to? May gana pa siya'y tumanggi siya na nga 'tong isasabay pabalik ng opisina.
"I insist, Hera. Hindi kita pwedeng pabayaan. Alam mo na maraming loko-loko r'yan sa tabi-tabi ayoko lang mapahamak ka." ani ni Tanda.
"Ayos lang po talaga, Mr. President. Wala pa naman sigurong loko-loko ngayon tanghaling tapat." Natatawang anya.
"At saka baka may lakad pa po, Carlos. Makakaabala pa po ako." Patuloy niya.
"Wala po akong lakad, Dad. Ms. Garcia, sumabay ka na sa'kin. Mainip ang panahon baka ma-heat stroke ka pa habang nasa kalsada ka."
Napaka-lame ng reason ko para akong nanliligaw nito at nakahandang gawin ang lahat para sa nililigawan at nagpapasikat.
"Wala naman pa lang lakad ang anak ko. Sige na Hera sumabay ka nang pamanatag naman ang loob ko. Kapag nagpumilit ka pang hindi sasabay kay Carlos hindi na ako pupunta sa meeting at ako mismo ang maghahatid sa'yo sa kompanya." ani ni Tanda.
"Mr. Cervantes naman." Naka-pout na aniya.
"Good. Sige una na ko sa inyo. Carlos, ingat sa pagmamaneho." ani ni Tanda saka naunang lumabas ng restaurant.
"So, paano, tara na?"
Tumango naman siya at naunang lumabas.
Babae nga naman.
Naabutan ko siyang nakatayo sa gilid ng kotse ko. Agad ko namang nilabas ang maliit ng remote control at saka pinindot.
Bubuksan ko na sana ang pinto sa pasenger seat sa harap nang makitang nakaupo na ito sa likod.
Hindi ko man lang napansin ang pagbukas niya ng pinto sa likod.
"Ba't d'yan ka naupo sa likod?" Pagmumukhain pa akong driver nitong babaeng 'to.
"Saan ba dapat?"
Nakita ko siyang umirap bago ibinaling ang tingin sa harap.
Ano bang problema ng babaeng 'to? Kanina lang ang bait-bait niya Tapos ngayon panay ang irap sa'kin.
A, alam ko na kaya nagkakaganito 'tong babaeng 'to dahil naudlot ang date nila ni Tanda kasi dumating ako.
"Dito ka sa harap maupo. Pagmumukhain mo pa akong driver."
"Ano ba ang tawag sa nagmamaneho?"
"Drive. Abat-" Hindi porke't may relasyon sila ni Tanda, e, ganito na siya umasta sa'kin.
"A, basta lumipat ka rito sa harap kundi-"
"Kundi ano?" Panghahamong aniya habang nakataas ang isang kilay.
"Kundi- a, basta lumipat ka rito ngayon din!"
Nakakaubos ng pasensiya 'tong babaeng 'to. Mukhang gumaganti 'to sa'kin dahil sa pag-ubos ko rin sa pasensiya niya habang tinuturuan ako.
Totoong magaling siyang magturo at marami akong natutunan sa kanya pero siyempre kasama na rin do'n ang pag-ubos ko sa pasensiya niya sa tuwing may hindi ako maintindihan at paulit-ulit ko siyang tinatanong.
Napangiti ako nang bumaba siya ng kotse pero agad din itong napalis ng padabog niyang isinirado ang pinto.
Balak pa ata n'yang sirain ang baby ko.
"Happy?" Sarkastiko niyang ani nang lumipat siya sa harap.
After 45 minutes of driving na walang imikan nakarating na rin kami sa Facts. Nauna siyang bumaba ng kotse at walang lingon-lingon pumasok sa kompanya.
Napailing na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin.