Chapter 4

1006 Words
Carlos Jay Cervantes Mag-dadalawang linggo magbuhat nang ako'y dumating ng pilipinas at nagtrabaho sa Facts. Paminsan-minsan sinasama ako ni Tanda sa mga meeting niya bilang parte raw ng training ko bilang susunod na mamamahala ng kompanya. "Mr. Cervantes, how's business? Oh, I'm quite surprise you didn't brought Ms. Garcia with you." Mr. Santos. Napatingin ako kay Tanda. I didn't know na lagi palang kasama niya si Hera. Kahit wala na sa job description ni Hera ang pagsama-sama kay Tanda. "She's currently busy right now. By the way this is my first son Carlos Jay Cervantes. He will be the next president of Facts." ani ni Tanda. "Mabuti pa itong anak mo sumusunod sa yapak mo. 'Yung mga anak ko, kahit isa kanila walang interesado sa negosyo kaya heto, ako pa rin itong namamahala." ani ni Mr. Santos. Kung alam mo lang na ayoko talagang pamahalaan ang itong negosyo ni Tanda. At kung hindi ako pinagbantaan na puputulin ang lahat na meron ako. "Ipaintindi mo sa kanila kung gaano ka naghirap maipatayo ang negosyo mo. Kung paano sila natulungan ng negosyo mo na makamit kung anong meron sila ngayon. At siyempre sabihin mong tumatanda ka na." Natatawang ani ni Tanda. "Loko ka, a. Hindi pa ako matanda. Kalabaw lang tumatanda." Natatawang ani naman ni Mr. Santos. Akala ko meeting itong pupuntahan namin ni Tanda. Bakit parang reunion ng dalawang matatanda ang nangyayari. Tsk. Nagsasayang lang ako ng oras dito. Ang dami ko pang gagawin sa opisina. "Ehem." Agaw atensyon ko sa dalawang matanda. "O, pasensiya ka na Marcus. Nawala tuloy tayo sa agenda ng ating pagkikita." ani ni Mr. Santos. "It's ok shall we now proceed to what we're here for today?" ani ni Tanda. "It's my pleasure to do business with you, Mr. Santos." ani ni Tanda habang kinakamayan si Mr. Santos. "Thank you, Mr. Cervantes and to you Carlos. It's my pleasure also." ani ni Mr. Santos. "Thank you too, Mr. Santos." ani ko saka kinamayan siya. "Kung may anak lang akong dalaga nireto ko rito sa anak mo, Mr. Cervantes. Gwapo na. Mabait pa. Kaso puro barako 'yung mga anak ko." Natatawang ani ni Mr. Santos. "Kanino pa ba magmamana ang mga anak ko." Natatawang ani rin ni Tanda. May sa mahangin din pala itong si Tanda. "Siya nga naman. Paano, I'll go ahead first? My wife texted me. She's waiting for me at my office." ani ni Mr. Santos. "Thank you also and have a great day." ani ni Tanda. "Gumagaling ka ng makipag-usap sa possible investor. Keep it up, son." ani ni Tanda nang makaalis si Mr. Santos. "Ginawa ko lang po ang mga natutunan ko kay Ms. Garcia." Siyempre, may natutunan din ako sa dalawang linggong magme-mentor sa'kin ni Hera. Kahit minsan binibigyan ko ng sakit sa ulo. "Magaling talaga ang batang 'yun. Kahit malayo sa natapos niya ang naging trabaho niya." "Bakit, ano ba ang natapos niya?" Mukhang marami na 'tong alam si Tanda patungkol sa buhay ni Hera. "She's criminology graduated." "Ano? Bakit hindi siya nagpulis?" Ang lupit ng tadhana, e, no. Ako 'tong gustong magpulis, tutol si Tanda. Samantalang itong si Hera gradwyet pa nga hindi naman pinursigi maging pulis. Sinayang lang niya ang panahon at pagkakataon. Kung ako pa ang nasa katayuan niya malamang pulis na ako ngayon at may mataas ng tungkulin. "Nabaril ang kinakapatid niya ng isang pulis at namatay no'ng araw na sasabak na sana siya sa training para magkapulis. Simula no'n hindi na siya natuloy at nawalan ng gana para maging pulis." Kaya pala. Pero sayang pa rin. "O, siya kumain na tayo nang makabalik tayo agad sa opisina. Marami pa akong dapat pag-aralan ng proposal at ikaw naghihintay si Hera sa'yo.* -----***----- "You have a great idea and presentation, Ms. Garcia. Keep it up!" Wala na bang ibang dialogue si Tanda? Ilang araw ko nang naririnig ang dialogue na 'yan sa tuwing may meeting ang buong research department. "Thank you, Mr. Cervantes." Nangiting ani Hera. Agad akong napatingin kay Tanda. Teka, namula si Tanda? Ang sagwa. "Hera, it's almost lunch time. Shall we?" ani ni Tanda. "Sure, Mr. Cervantes. Ililigpit ko po muna ang mga ito." ani ni Hera saka naunang lumabas ng conferrence room. "What about you, Carlos. Do you have any plan to eat lunch outside? Why don't you join us?" "Yes, Dad. I have a lunch date." "Just behave, Carlos. I don't want to get our name involve in your actions. Messing up with girls." "Don't worry Dad. I don't have a plan to get laid in a broad day light." "Carlos!" Natatawang iniwan ko si Tanda sa loob ng conference room. Anyway, I don't have any date. Sinabi ko lang 'yun para malaya ko silang masundan na hindi nila nalalaman. "Table for two, sir?" Bumungad sa'kin ng waiter nang pumasok ako sa restaurant kung saan pumasok sina Tanda at Hera. It's lunch time, medyo marami-raming customer kaya hindi ko hiniwalayan ng tingin ang dalawa. "Sir?" Waiter. "I'm okay. Thank you." Naupo ako sa dulo, hindi kalayuan kung saan silang dalawa nakaupo. "Can I take your order, Sir?" Kakainis naman 'tong waiter na 'to. Ang kulit. Kanina pa siya sunod ng sunod sa'kin. Alam kong gwapo ako at lapitin ng mga babae pero wala ako sa mood ngayong pumatol nino man. Naka-focus lang ang atensyon ko sa dalawang tao masayang nagkukwentuhan sa di kalayuan. Ngayon ko lang ulit nakita na ganyan kasaya si Dad. Magmula nong namatay si Mom. "Sir, your order?" Nandito pa rin pala 'to. Oo nga naman, kaya nga waiter, diba? "Steak well do." "Steak. What about your drink, Sir?" "Ice Tea." "1 Steak and 1 ice tea. Right away, Sir." Umalis na rin. Nasa'n na nga ako? O. Inihanda ko na ang phone ko para kunan ng litrato ang dalawa para may dagdag na ebidensiya akong ipakita sa mga kapatid ko. Agad kong kinuha ang menu sa mesa at nagpapanggap na namimili ng pagkain nang mapalingon si Tanda sa gawi ko. Naloko na. Sana hindi ako nakita ni Tanda. Malalaman pa nilang sinusundan ko sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD