Chapter 12

1009 Words
Hera Garcia Nagmamadali na ako papunta sa opisina, e, kasi naman tinanghali na ako ng gising. Hindi ko namalayan ang oras nakapasarap kasi ang tulog ko. At ito ako ngayon, nag-aabang ng jeep. Hindi kasi ako masusundo ni Tatay Igme dahil sinumpong ng arthritis. Hindi rin ako naisabay ni Dad dahil out of his way. Wala na ring bakanteng taxi ang dumadaan kaya no choice ako. Nakikipagsiksikan ako sa mga tao para lang makasakay na ako. Hindi ko na inintindi ang init at samut-saring amoy sa loob ng jeep kahit para na akong nahihilo sa tindi ng amoy. Ang mahalaga ay nakasakay na ako at anytime soon makakarating din ako sa komponya. At pag minamalas ka nga naman umuulan pa. Lalong nagsiksikan sa loob nang nagpupumilit pumasok ang mga nakasabit lang napasahero sa labas ng jeep para hindi sila mabasa ng ulan. At ako, ito kalahati ata ng damit ko ang nabasa dahil walang kahit anong pantakip ng bintana ang jeep. Grabe naman itong si Manong hindi man lang naisip nalagyan dito ng takip. Kahit plastik na lang basta may man takip lang para hindi mabasa ang mga pasahero. "Dito na lang po, Manong." Nagmamadali na akong bumaba ng jeep. Hindi ko na pinansin ang mga nagrereklamong pasahero. Humingi ako ng paumanhin sa kanila ng tuluyan na akong nakababa ng jeep. Lakad-takbo naman ang ginawa ko upang agad makarating sa intrada ng kompanya. "Magandang umaga, Ma'am. Basang-basa po kayo." Bungad sa'kin ni Kuya Alfred, ang gwardiya. "Magandang umaga rin po. Oo nga po, e, ang lakas ng ulan kanina. Dumating na po ba si Sir CJ?" ani ko na hindi tinitingnan si Kuya Alfred dahil abala ako sa kakakalkal sa bag ko. Nasa'n na ba 'yung ID ko? Wala na ba mas imamalas ngayong araw na 'to? "Ma'am, may problema po ba?" ani ni Kuya Alfred. "Ito na!" Para akong nanalo sa lotto nang mahanap ko ito. Agad kong ini-swipe ang ID ko. At isang minuto na lang bago mag-alas otso. "Right on time." ani ni Kuya Alfred "Salamat, Kuya Alfred. Have a great day!" Patakbong tinahak ko ang elevator nang makita kong papasara na 'to. "Salamat na-" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hindi kanais-nais na naabutan kong pangyayari. "Sasakay ka ba o hindi?" ani ng walang hiyang boss ko na walang iba kundi ang nag-iisang Carlos Jay Cervantes. "Oh my god! Baby, 'wag mo ng pasakayin ang dugyot na 'yan." Tila nandidiring ani ng haliparot na kasama ni CJ. Agad ng igting ang aking bagang sa sinabi ng haliparot na kahalikan ng walang hiya. Biglang nagbago ang isip ko, imbes na hindi na ako sasakay ng elevator at maghahagdanan na lang sana nang maisip kong galitin ang haliparot na 'to. Walang sali-salitang pumasok ako ng elevator. "Baby, bakit may empleyado kayong dugyot? Sabi mo, magaganda ang mga empleyado niyo." Ang sarap, ikikiskis ang mukha ng haliparot na 'to sa dingding. "Janitor lang 'yan rito." Sagot naman ni Carlos. Janitor? Ang ganda ko naman para maging janitor. Sabay flip ko na buhok ko. "Ew. Excuse me would you stop fliping your hair baka may mga kuto r'yan at malipat sa akin." ani ni haliparot. Aba! Anong akala niya sa akin may kuto? Bwes*t din 'tong haliparot. "Don't mind baby, Let's continue what we are started a few minutes ago." ani ni Carlos sabay halik sa leeg ni haliparot. Ano ba 'yan, hindi man lang pinaabot ng opisina. Mga walang hiya talaga, kita nilang may kasama pang iba sa loob ng elevator. Patuloy pa rin ang dalawa sa makamundo nilang ginagawa. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagdasal ko na lang na sana nasa 5th floor na sila. Ang tagal naman yata nitong elevator makarating sa 11th Floor. Sana pala naghagdan na lang ako upang makarating agad ako sa station at hindi ko masaksihan ang hindi kanais-nais na pangyayaring nagaganap dito sa likod ko ngayon. Dali-dali akong lumabas nang bumukas ang elevator. Hindi ko na matiis ang nagaganap sa likod ko. Pagdating sa station ko. "O my g! What happen to you, atey? Bakit ganyan ang facelalu mo? May na nanabunot ba sa'yo? Saan? Halika resbakan natin." Grabe naman 'tong baklang 'to kung makapag-react at may pa-resbak-resbak pa siyang nalalaman. Bakit ngayon lang ba siya nakakita ng sabog ang buhok. "Pasensiya, a, hindi ako nainform na ganyan talaga ang react mo. Nagjeep lang ako kaya ganito ang itsura ko." "Eh, Hera ba't ba ganyan ang mukha mo?" Sabat naman ni Myla na kakapasok pa lang at may dala-dalang mug. "E, kasi naman atey nakabusangot 'yang mukha mong maganda." Sa sinabi ni Mikey naalala ko na naman 'yung hindi kanais-nais na nangyari kanina sa loob ng elevator. "Ano na atey?" Patuloy ni Mikey. "'Yung crj na kahalikan niya na janitor lang ako at 'yung haliparot naman ay tinawag akong dugyot." "Teka, teka, may sinabi kang halikan. Sino naman 'yun?" "'Yung walang hiyang boss natin 'yung haliparot niyang kinulang sa tela ang damit. Mga walang konsiderasyon. Alam naman nilang pareho na nando'n ako." "Kung makapag-react ka bakla para kang isang nagseselos na girlfriend." ani ni Mikey. Ako? Nagseselos na girlfriend? Malabong mangyari 'yun dahil una-unang ayoko sa mga lalaking walang hiya. "Excuse me, Hera, pinapatawag ka ni Sir CJ sa opisina niya." sabat ni Lyn. Bakit kaya ako pinatawag? Dahil ba 'to sa nangyari kanina sa loob ng elevator? Hindi ko naman sila pinakailaman sa ginagawa nila. "Hala Hera baka narinig ka ni Sir CJ na tinawag mo siyang walang hiya o hindi kaya 'yung sinabi mong nangyari kanina sa loob ng elevator. Baka tanggalin ka niya." ani ni Mikey. Ang supportive naman ng kaibigan ko. Lalong pinababa ang confidence level ko. "Thank you sa supporta, a, kapag ako natanggal isasama kita!" Nakakalokong ngiti ko na siya namang "Walang ganyanan, bakla. Sige na umalis na ka na. Masamang pinaghihintay si Boss." aniy "Bago ka pumunta sa opisina ni boss. Mag-ayos ka muna, mukha ka na ngang dugyot." ani ni Myla. Ayon nag-ayos na ako. Baka ano pang sabihin ng mga ibang makakita sa akin na ganito ang ayos ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD