Carlos Jay Cervantes
Marahan akong naupo pabalik sa naka-asigned na mesa sa'ming mga Cervantes.
"Hijo, anong nangyari r'yan sa suot mo? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang magpalit muna may extrang suit pa si Alex sa taas. Magkasing katawan lang kayo." ani ni Tito Rodrigo.
"Ayos lang po, Tito Rodrigo. Hindi naman masyadong marami ang nabuhos sa'kin at saka patuyo na rin po ito."
"Sigurado ka?" Patuloy ni Tito Rodrigo.
"Ayos naman pala. Nasa'n pala si Heranaya nang mabati ko ang batang 'yun." ani ni Tanda kay Tito Rodrigo.
Heranaya?
Napatingin ako sa panyong hawak ko. May dalawang letrang naka-borda rito. Letter H at D.
"Ewan ko ba kung nasa'n ang batang 'yun. Alam mo naman na ayaw nun sa maraming tao. Sandali, Tanya halika rito." Sinundan ko ng tingin ang kinawayan ni Tito Rodrigo.
Isang babae na nakasuot na itim na gown. Wala itong suot na maskara kaya litaw na litaw ang kanyang ganda.
Dahan-dahang naglakad papalapit 'yung babae sa gawi namin.
Ito siguro si Tanya na tinawag ni Tito Rodrigo.
"Magandang gabi, Tito Marcus. It's nice to see you, here." ani nong Tanya kay Tanda.
"Ang ganda mo ngayon Tanya hindi kita nakilala." Nakangiting ani ni Tanda.
"Ngayon lang talaga ako maganda sa paningin niyo, Tito? Nakakasakit kayo ng damdamin, a." ani nong Tanya habang nakahawak sa dibdib niya at umaarteng nasasaktan.
"Hindi gano'n ang ibig kong sabihin, Tanya. Matagal ka ng maganda mas lalo ka lang gumanda ngayon kayong gabi. Diba, Angelo?" Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Tanda.
Kailan pa siya naging match maker? At si Angelo pa talaga.
Binalingan ko ng tingin ang kapatid kong si Angelo.
Walang hiya. Nakangangang nakatingin lang ito kay Tanya.
"Sweetheart, nasa'n ang Ate Hera mo?" ani ni Tito Rodrigo.
Hera? Si Hera na lover ni Tanda ba ang tinutukoy niya?
"Umakyat na sa kwarto niya. Mukhang masakit ulo nun, Papz. Nakita ko siya kanina sa may kusina uminom ng gamot. Kilala niyo na si Ate Hera bigla-bigla na lang kong nahihilo kapag may ganitong maraming tao." ani ni Tanya.
"Pasensiya ka na, Kumpadre." ani ni Tito Rodrigo.
"Naku wala 'yun, Kumpadre. Pagpahingahin na lang natin 'yung bata." ani ni Tanda.
"Patty, nakilala mo na ba 'yung Hera na anak ni Tito Rodrigo?" Mahinang ani ko kay Patrick na nasa kanan ko.
"Patty?"
Bakit hindi ito sumasagot?
Hinarap ko si Patrick at walang hiya. Wala pala sa'min ang atensyon niya. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya.
Sa bar counter.
May babaeng nakamaskara habang nagpi-flairing sa harap ng counter. Do'n siya nakatingin.
Napangiti ako. Mas mabuting mapunta sa ibang babae si Patrick kaysa ro'n sa girlfriend niyang nagbebenta ng laman.
Binalingan ko muli ng tingin si Patrick.
"Hoy! Titig na titig ka, a." Mahina ko siyang siniko.
"Problema mo?" Balik poker face ang kapatid kong malapit ng tumanda dahil sa kasungitan.
"Oyy! Titig na titig siya ro'n sa bartender. Gusto mo kunin ko ang number niya para sa'yo. Alam mo na expert ako r'yan." ani ko na may nakakalukong ngiti.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo." aniya.
May pagka-indenial pala 'tong kapatid kong 'to.
"Ay! Ubos na pala. Patty, ikuha mo nga ako ng bacardi sa bar counter. Ubos na pala itong akin. Gawin mong dalawang baso para tig-iisa tayo."
Tingnan natin kung paano ka didiskarte.
"Ano mo ko, katulong? Kumuha ka ng mag-isa mo." aniya saka tinalikuran ako.
"Hindi kita, katulong pero kapatid mo ko. Nakakatandang kapatid." Ipinagdiinan ko pa talaga ang huling sinabi ko.
"Fine."
Nakabusangot na tumayo at naglakad papunta sa bar counter.
"Kumpadre, hindi ko ata nakita si Shane." ani ni Tanda.
May isa pang anak si Tito Rodrigo?
"Nar'yan lang 'yun sa tabi-tabi. O, hindi kaya'y nasa kusina tinutulungan ang best friend niya sa pagdi-disinyo ng cake nina Hera at Hero." ani ni Tito Rodrigo .
"Nabalitaan ko ngang medyo lumakas-lakas ang negosyo nila ng best friend niya." ani ni Tanda.
"Oo nga, Kumpadre kaya nga proud na proud ako sa mga anak ko." ani ni Tito Rodrigo na may ngiti sa labi.
Nagkwentuhan lang sina Tanda at Tito Rodrigo para nga silang ngayon lang ulit nagkita sa dami ng pinagkwentuhan nila. Nakalimutan ata nila na nasa isang partyk sila. Kung hindi pa lumapit 'yung host para magbigay ng mensahe si Tito Rodrigo, e, hindi nila malalaman na nasa isang birthday party sila.
Matatatanda nga naman.
Natapos ang party na hindi ko man lang nabati 'yung babaeng celebrant. Si Hero lang ang nabati ko.
Ayun kay Tito Rodrigo tuluyan ng nilagnat si Hera kaya hindi na ulit nakababa para harapin ang mga bisita.
"Grabe ang sarap nong drinks na nainom ko at ang galing pa nong bartender mag-flairing." ani ni Knch.
"Uminom ka? Bawal ka pang uminom ng mga alcoholic drinks. Tan-Dad, o, si Knch marunong ng tumagay." Sumbong ko kay Tanda na nasa unahan nakaupo.
"Hindi naman alcoholic 'yung ininom ko parang juice nga lang naman." Depensa naman ni Knch saka sumimangot.
"A, basta bawal ka pa rin uminom ng mga alcoholic drinks bata ka pa."
"Dad?" Baling ni Knch kay Dad.
Naghahanap ata ng kakamp.
"Hayaan niyo na 'yang bunso niyong kapatid. As long as, alam niya ang limitasyon niya." ani ni Tanda.
"The best ka talaga, Dad." ani ni Knch.
-----***-----
"Magandang umaga, Sir CJ." Salubong sa'kin ni Lyn.
Medyo late na rin akong nagising kanina. Mabuti na lang at walang traffic kaya mabilis lang akong nakarating ng kompanya.
"Magandang umaga rin. Dumating na ba si Hera?"
"Wala pa po. Ano pong gusto niyong inumin?" aniya.
"'Wag ka ng mag-abala pa. Pagkadating ni Hera puntahan mo sa department nila. Sabihin mong may pag-uusapan kaming importante."
"Noted po, Sir CJ."
Papasok na sana ako sa opisina ko nang may pahabol na sinasabi si Lyn.
"Sir CJ, may lunch meeting po kayo with Mr. Cervantes."
Nangunot ang noo ko.
Sinong Mr. Cervantes na tinutukoy niya?
"'Yung Daddy niyo po."
Ano kayang kailangan nito at nakipag-set pa ng lunch meeting, e, pwede naman niyang sabihin sa'kin anytime.
Ang dami talaga pakulo nitong si Tanda.