Carlos Jay Cervantes
Nagising ako nang marinig ang sunod-sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto ko.
Ano ba 'yan kiaga-aga. Natutulog pa 'yung tao.
Iningudngod ko ang mukha ko sa ilalim ng unan upang hindi ko marinig ang nakakainis na katok ng kung sino man ang nasa likod ng pinto.
"Sir CJ, gumising na po kayo r'yan. Pinapatawag po kayo ni Sir Marcus" anya ng na sa likod ng pinto.
10 minutes na lang, please. Antok na antok pa ako.
"Hindi pa rin ba sumasagot ang anak ko? Bumalik ka na sa baba. Ako na bahala rito."
Agad akong napabalikwas sa kama nang marinig ang boses ni Tanda sa labas ng kwarto.
Dali-dali akong pumasok ng banyo para magsipilyo at maghilamos. Mamaya na lang ako maliligo. Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin si Marcus Cervantes na nakakunot ang noo.
Ang Tatay kong walang kakupas-kupas ang kagwapuhan kahit matanda na.
"What took you so long? Masamang pinaghihintay ang grasya. Bilisan mo r'yan at sumunod ka na sa baba." anya saka naunang naglakad.
Nakasunod lang ako kay tanda at nagtungo sa hapag-kainan. Nandun na ang mga pogi kong kapatid na naghihintay sa amin. Rule kasi ni Tanda na sabay-sabay kaming lahat kakain ng almusal pwera lang kung may maaga ka talagang lakad o importanteng gagawin.
"Maupo ka na Carlos." ani ni Tanda.
Naupo ako sa tabi ni Knch since magkatabi na sa kabilang banda sina Patty at Gelo.
"Masaya ako at muli tayong magkasalo-salo sa hapag-kainan. Sana sa susunod kasalo na rin natin ang Ate n'yo." ani ni Tanda.
"Bakit hindi n'yo rin paauwiin si Ate para kompleto na tayo. I'm sure mom will happy to see us." ani ni Gelo.
"Oo nga, dad. I really miss Ate Paris." ani ni Knch.
"Soon son." aniya.
Pagkatapos naming mag-breakfast nagkanya-kanyang alis na ang mga kapatid ko habang ako ay naiwan dito sa bahay kasama si Tanda. May mahalaga raw siyang sasabihin sa'kin kaya ito ako nakaupo sa harap niya sa loob ng silid aklatan namin rito sa bahay.
"I'm so disappointed in you. Hindi ko inakalang masasangkot ka sa isang eskandalo."
"Hindi ko naman alam na may asawa na ang babaeng 'yun at saka siya ang lumapit sa akin. I'm just being a gentleman like what you've always reminded us."
Siya kaya ang nagturo sa amin na maging gentleman in any possible way. Tsk.
Inihanda ko na ang dalawang tenga ko at ang sarili ko sa paninermon ni Dad.
"Alright. Alright. Hindi naman talaga ito ang gusto kong sabihin."
E, ano naman ang sasabihin niya bukod sa eskandalong 'yun?
"So, what is it, dad?"
"Since, nandito ka na. Ikaw na ang aatasan kong mamamahala sa Facts Magazine."
"You're kidding right, dad?"
Sigurado akong suggestion na naman ito ni Patty.
"Matanda na ako, Carlos. Wala ng ibang mamamahala ro'n. Si Patrick, siya ang namamahala sa Manifest. Sina Paris, Gelo, at Knch naman ay nag-aaral pa at panigurado sa propesyon nila ilalaan ang mga buhay nila."
"E, ako dad, tinanong niyo man lang ba kong ano ang gusto kong gawin sa buhay?" Nakita kong natigilan si tanda.
Minsan nakakasakit din ng damdamin 'to si tanda. Lahat ng kapatid ko hinayaan niya sa mga gusto nila pero ako hindi.
Hindi naman sa galit ako sa kanya. Nagtatampo lang. Para kasing may pinapaburahan siya sa aming magkakapatid at hindi ako 'yun.
"Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay?"
"Kung sasagutin ko ba 'yan hahayaan niyo ako?"
"So, you still want to be a police officer? I'm sorry, son. I didn't still allow it. Be ready, tomorrow will be your first day."
"Pero dad wala akong kaalam-alam sa pagpapatakbo ng negosyo at sigurado akong hindi papayag ang board at mga investor n'yo na ako ang papalit sa inyo."
"May inatasan na akong magtuturo sa'yo. Dapat mo ring matutunan kung ano ang ginagawa sa Facts. Be ready in eight am sharp tomorrow." anya saka lumabas ng library.
Ano pa nga ba ang magagawa ko?
-----***-----
Gaya ng sabi ni Dad alas siyete pa lang ay nakagayak na ako. Mahirap na baka rarat-tatin pa ako ni Tanda.
"Ang aga natin ngayon, a. Anong nakain mo kagabi?" ani ni Gelo nang maabutan niya akong nagtitimpla ng kape sa kusina.
Kailangan ko ng marami-raming kape para hindi ako antukin mamaya. Ang totoo niyan hindi ako natulog sa kakanood ko ng anime kagabi.
Pero mukha pa rin akong fresh. Ganyan talaga kapag gwapo ka ng isinilang sa mundo. Kahit hindi ka matulog o maligo mukha ka pa ring fresh.
"Isasama ako ni Dad sa Facts ngayon."
"Mabuti naman at pumayag ka ng pamahalaan ang Facts." ani ni Patrick na kakaasok pa lang.
"Ikaw. Ikaw ang nag-suggest kay Dad na ibigay sa'kin ang Facts. Walang duda." Pinaningkitan ko ng mata si Patrick.
"Ako nga. Hindi ko itatanggi 'yun. Mabuting ngang agad pumayag si Dad nang makapagpahinga naman siya at saka matanda ka na kaya munang pamahalaan ang Facts. Graduate ka naman at with flying colors pa sa kurso mong business management kaya anong ikinatatakot mo?" ani ni Patrick.
"Experience. 'Yan ang wala ako. Hindi ako katulad mo na napaka-optimistic na tao."
"Kiaga-aga nagkasasagutan na kayo r'yan." Natigil kami nang biglang sumulpot si Nay Caring.
"Hala! Pumanhik na ka kayo sa hapag hinihintay na kayo ng daddy niyo." Patuloy niya.
-----***-----
"Good morning, Mr. Cervantes. Good morning, Sir." Bati sa'min ng isang receptionist pagkapasok namin sa Facts.
Ang galing namang pumili ni Tanda na gawing receptionist. Maganda, matangkad at maputit.
Kinindatan ko ito nang makitang nakatuon ang mga mata sa'kin habang kaharap nito si Dad.
Namula naman ang huli.
Matindi talaga ang charms ko.
"What?" ani ko nang mapalingon si Tanda sa'kin at pinaningkitan ako ng mata.
"This way, Sir." Iginiya kami ng isang kasama niyang receptionist.
Nakangiti lang ako sa bawat madadaanan naming magagandang empleyado baka sabihin pa nilang masungit ako.
"Everyone Listen, This is my son Carlos Jay Cervantes. Siya na ang papalit sa posisyon ko balang araw ng kompanyang ito simula ngayon." Pahayag ni Tanda.
Samu't -saring ang naririnig kong bulung-bulungan ng mga empleyado. Keyso raw bakit ako, e, wala raw akong kaalam-alam sa pagpapatakbo ng kompanya.
Totoo naman.
"Mr. Cervantes, the board are already in the conference room." ani ng isang babae na may dala-dalang ipad.
"Thank you, Lyn. Let's go, son."