Chapter 1

1011 Words
Carlos Jay Cervantes Limang taon na ang nakalipas magbuhat nang ako'y umalis ng pilipinas at gano'n pa rin kabigat ang daloy ng trapiko rito sa maynila. "Tay Emman, wala na ba pong ibang daan? Hindi na tayo umuusad dito." At saka ang init-init na kahit naka-aircon kami rito sa loob ng kotse. "Sa susunod na kanto pa, CJ at sa tingin ko ay mga tatlopung minuto o higit pa bago tayo makarating do'n sa sobrang trapik." Matagal ng family driver namin si Tay Emman at ang asawa naman niyang si Nay Caring ang nag-alaga sa'ming magkakapatid no'ng mga bata pa kami at hanggang ngayon ay kasama pa rin namin sila. "What?!" Isang oras din akong mabuburyo rito sasakyan. Nakakainis naman kasi itong si Tanda. 'Yung tatay kong matandang hukluban. Wala naman talaga akong balak na bumalik dito. I live my life there. All I wants I get and all I care is myself. Yes, I do love my family, no question on that, but I love myself more. Nang malaman ni Tanda ang eskandalong kinasasangkutan ko sa Los Angeles ay pinauwi ako ng pilipinas. Wala naman akong kasalanan sa eskandalong 'yun. 'Yung babae ang kusang lumapit sa akin and as a gentleman and good looking guy who am I to refuse such a beauty. At malay ko ba may asawa na pala 'yun at mayor pa. "CJ, nandito na tayo." Napalingon ako sa paligid. Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami. "Tay, ako na po bahala r'yan." Ayoko naman siyang mapagod. Siyempre matanda na rin si Tay Emman at saka mabigat ang bag ko. "Anak, maligayang pagbabalik." Malawak na ngiti at yakap ang sinalubong sa'kin ni Nay Caring. "Namiss ko kayo, Nay." "Pasensiya ka na at hindi na ako nakasama sa pagsundo sa'yo sa airport. Alam muna matanda na ako." "Kaya nga po dapat nagpapahinga na po kayo pero namiss ko 'yung luto niyo." Natatawa kong ani. "Ikaw talagang bata ka. Hindi ka pa rin nagbabago. Tara sa kusina niluto ko 'yung paborito mong sinigang na hipon na maraming sampalok." "'Yan ang gusto ko sa'yo Nay Caring napaka-caring niyo sa'kin. Tara na po handa ng sumabak ang mga alaga ko sa tiyan." Natatawa kong ani saka marahang hinili si Nay Caring papunta sa kusina. "Grabe ang sarap niyo pa rin magluto Nay Caring walang kupas. Busog na busog ako." Ngayon lang ulit ako nakakain ng lutong bahay. Sa Los Angeles kasi, sa restaurant ako kumakain o di kaya'y magtatake out na lang. Hindi kasi ako marunong magluto lalong-lalo na si ate Paris. Ang panganay sa aming magkakapatid. "Siya nga pala, Nay nasa'n pala ang mga gwapo kong kapatid at si Tan-I mean si Dad? Hindi ko kasi sila napansin pagdating ko kanina." "Welcome back kuya CJ." Napalingon ako sa may pinto at nakangiting gwapo ang bunso naming kapatid na si Knch. "Oh! Bunso! Kanina ka pa r'yan? Lalo kang gumagwapo, a. Manang-mana ka talaga sa pinakagwapo mong kuya. Anyway, kumusta ang pag-aaral mo? Marami ka na bang naging girlfriend?" ani ko sabay akbay sa kanya. "'Wag kang mag-alala tuturuan kita ng mga the moves ko." Mahinang bulong ko sa kanya. "'Wag mong itulad sa'yo si Knch, CJ. Ang batang-bata pa n'yan." ani ni Patrick na kakarating lang. Ang pumapangatlo sa aming magkakapatid. Seryoso at masunurin kay Tanda. Para pa nga siya ang panganay sa amin kaya hindi sila magkasundo ni ate Paris. "Easy ka lang bro. Aaga kang tatanda n'yan. Ah, baka naman gusto mo rin turuan kita ng mga the moves ko? Ikaw na lang una kong tuturuan since sinabi mong bata pa si Knch." ani ko sabay tap ng balikat niya. "No thanks. I have a girlfriend." anya. "Oh! 'Yung model ng victoria secret? Do you think na ikaw lang ang boyfriend no'n?" Nakita ko kasi minsan 'yung girlfriend niya sa isa bar sa Los Angeles na may kahalikang lalaki. Lalapitan ko nga sana sila sa pag-aakalang ang kapatid ko ang kasama niya pero napaatras ako nang makitang ang pangit ng kahalikan niya. "Did you know anything?" ani ni Patrick. "Not my story to tell. Hmm. So, kumusta na ang pamamalakad mo sa Manifest?" Pag-iiba ko sa usapan. Bakit naman kasi nabanggit ko pa 'yung Ericka na 'yun. Tsk. "Yo bro! Welcome back. How was Los Angeles?" My ever so cool brother. Angelo, ang sumunod kay Patrick. Nasa pre-med ang isang 'yan. Gustong maging doktor . "Nauna mo pang kumustahin ang Los Angeles kaysa sa'kin na kapatid mo. Nakakasakit ka ng damdamin. Alam mo ba 'yun?" Umakto pa akong nasaktan habang hawak-hawak ang dibdib ko. "Sorry bro, I know your more than okay and that scandal may not affected you. Tama ba ako?" ani ni Angelo. "Definitely, yes. Ang hirap naman talaga kasing maging kagaya natin gwapo. Kaya maging mapagmatyag kayo sa paligid lalo ka na Patty baka isang araw mapikot ka. Mahirap na." "Anyway, where's tan-Dad?" Kanina ko pa hindi nakikita si Tanda mula nang dumating ako. Inaasahan ko pa naman ang sermon niya pagdating ko. "May out of the town meeting si Dad. Bukas pa siya makakauwi." ani ni Knch. "What? Matanda na si Dad para sa mga out of the town-out of the town na 'yan. Wala pa siyang ibang maipapadala sa kung saang daku 'yang meeting na 'yan?" Siyempre, nag-aalala rin ako kay Tanda. Tatay ko pa rin 'yun kahit naiinis ako sa kanya. "It was your responsible, brother pero puro ka lang gastos, lakwatsa rito, lakwatsa ro'n, babae rito, babae ro'n. Kailan ka ba magkakaroon ng interest sa business natin?" ani ni Patrick. "Aist! Sabi ko na sa'yong ayoko. Wala akong idea sa pagpapatakbo ng negosyo. Napilitan lang naman akong mag-business management dahil 'yun ang gusto ni Dad." I want to be a police officer but dad didn't let me. He wants me to be his successor. E, ang dami naming lalaki na pwede niyang gawing successor. "Stop acting like you're still a kid. Matanda ka na CJ. Be responsible." ani ni Patrick saka lumabas ng kusina. "Am I already that old?" Nagkibit-balikat ang dalawa saka sumunod kay Patrick na lumabas ng kusina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD