CHAPTER 1: NEW LIFE

1210 Words
NAGISING ako sa ingay ng mga sasakyan pati na rin ang mga tao. Pagmulat ko napansin kong nakahinto na ang sasakyan kaya nasisiguro kong nandito na kami sa terminal. Sumasagi sa isip ko na hindi ako ito pero kailangan kong maging matatag at kalimutan ang isang Stacey na maarte at walang iniisip kundi ang pansarili lamang. I know that it's too late to change, alam kong naiisip rin ng iba na ngayon lang ako magbabago kapag nawala si Dad. Its hard for me kasi naririnig ko rin sa mismong kapitbahay namin. "Ms.? Baba na o gusto mo pang bigyan ka namin ng isang oras para magimagine diyan nakakahiya naman sa iyo. Maganda ka sana pero lutang naman" sarkistikong saad ni Kuya driver. Hindi ko na ito pinansin at kinuha ko ang aking dalang bag "Sorry po" paumanhin ko. Bitbit ang isang bagpack at dalawang maleta nagtungo ako sa waiting area para hintayin ang susundo sa akin. It's been a months bago nagtungo nga si Tita at Mom sa Amerika para maipagamot at maobserbahan ng mabuti ang kanyang kalagayan. Sa mga nagdaang araw napakahirap para sa akin ang mag-adjust dahil nag-iisa lang ako sa bahay, kinailangan ko muna kasing taposin ang ang aking first sem bago ipagpatuloy dito ang aking pag-aaral. My thoughts suddenly stop when my phone vibrated "Hello Tita?" I greeted her. "Hi Iha! Where are you? just send me the exact location so that Kuya Alfred will pick you up" "Nandito na po ako sa terminal Tita dito sa Pasay" I replied. "Oh! I didn't know that its only a couple of hours before you totally arrived. I'm sorry Iha but I will call Kuya Alfred to go there and please don't go somewhere okay. He will get there as soon as possible" "Yes Tita" "Makalipas ang ilang minuto, may lumapit sa aking lalaki. I think he's 50 yrs. old at hindi maipagkakaila na bodyguard o driver ito dahil sa kanyang unipurme." "Ms? tawag niya" "Bakit po?" sagot ko. I'm an observant person, I can feel if that someone is good or bad. Sa katauhan ni Kuya nakikita kong mabait ito at magaan ang loob ko sa kanya. "Ipinapasundo ka ni Ma'am Lilienne pero tatawagan muna natin siya dahil alam kong nagdududa ka kung sino ako" magalang niyang sambit "Hello Ma'am nandito na ako sa terminal at nakita ko na siya pero ipapakausap kita sa kanya Ma'am para makasigurafo siyang ako nga ang inutusan ninyo" Ibinigay niya ang kanyang phone at nagpasalamat muna ako sa kanya bago ko ito kinuha. "Iha siya yung sinasabi kong susundo sa iyo si Kuya Alfred. Siya din ang magiging driver mo. Oh siya sumama ka na sa kanya at magpahinga ka, alam kong napagod ka sa biyahe and I already talk to the maids that you are my niece so nothing to worry okay. Don't hesitate to call me when you need someone to talk with and if you need something just tell to the maids okay?" Tumango ako "Sige Tita thank you" I said before the call ended. Binigay ko na kay Kuya Alfred ang kanyang phone, pagkakuha niya kinuha nya kaagad ang aking mga maleta para ipasok sa kotse . Papunta na kami sa bahay ng aking Tita at pagkalipas lamang ng dalawampung minuto nasa harap na kami nang isang napakalaking bahay mansyon kumbaga, may malaking gate at napapalibutan ito ng mga iba't ibang bulaklak at puno. Pagbaba ko sa kotse sinalubong agad kami ng mga maraming maids at iginiya nila ako papasok sa loob ng bahay. "Welcome sa mansion ng mga Rivero Iha" maligaya nilang sambit "Salamat po mga Ate" nahihiya kong sambit One-time noong tinanong ko kung nasaan ang parents ni Mom sinabi nilang may hindi sila pagkakaintindihan sa kadahilanang hindi nila matanggap si Dad bilang magiging asawa ni Mom kaya naman nagtanan na lang sila at nagpakalayo layo. Magmula daw noon pinutol ni Mom lahat ng komunikasyon nila ng kanyang pamilya. Hindi ko pa nakikita ng personal si Tita at wala akong kaideya-ideya kung mayroon ba silang anak , babae ba o lalaki pero hindi na importante sa akin as long as magkakaroon na rin ako ng karamay at kaibigan. Ipinasok na ni Kuya Alfred ang aking maleta , habang ang mayordoma naman ay lumapit sa akin. "Halika Iha dito sa kusina nang sa ganoon ay makakain ka na alam kong nagutom ka sa byahe" sabi ng matanda "Sige po?" hindi ko pa kasi alam ang kanyang pangalan "Ako nga pala si Peach hmm?kung gusto mo pwede mo rin akong tawaging Nanay at sya naman si Macey nag-iisang anak ko" sabay turo sa isang babaeng nasa gilid, nginitian ko ang babaeng sinabi ni nanay Peach akala ko ngingitian niya rin ako kagaya ng ibang kasambahay dtto ngunit laking gulat ko nang irap ang isinukli niya sa akin. Iginiya ako ni Nanay Peach sa kusina, sumama na ako sa kanya dahil gutom na rin ako. Pagkapasok sa kusina tumambad sa akin ang iba't ibang uri ng pagkain na parang handa sa isang birthday party, may fried chicken, adobong manok, lechon,graham etc. Namangha na lang ako at pinasya ko na lang na humila ng upuan para makakain na rin. Pagkatapos naming kumain sinamahan ako ni Nanay Peach sa magiging kwarto ko kasi baka daw maligaw ako dahil sa dami ng kwarto. Nagulat ako dahil mayroon ding elevator na siyang ginamit namin upang makapunta sa third floor. Wala akong ideya na ganito sila kasobrang kayaman. Ang mansion na ito ay may apat na palapag, napansin ko kanina na ang first floor ay ang mga kwarto ng mga maids, drivers, hardinero.Ang second floor o tinatawag nila ditong guest floor oh di ba akala ko guest room lang pero dito sa mansion guest floor ang tawag nila dahil ang buong second floor ay para sa mga bwisita I mean bisita. Ang third floor naman ay ang kwarto ng pamilya Rivero and the fourth floor ay ang rooftop kung gusto mong mag-unwind. Ito ang magiging kwarto mo Iha at iginaya niya ako papasok. I was dumb full speechless when I saw my room Yes, it is simple yet beautiful looking. The bed is cover with mint green comforter and the whole room is painted in creamy white. There's a couch, refrigerator and a comfort room, a closet next to my bed. There's also a flat screen television. I'm now a second-year college student taking a Civil Engineering course. Second semester na ako papasok sa bago kong school. Sabi sa akin ni Tita sya na daw ang bahala sa mga papers and requirements sa magiging school ko. Laking pasasalamat ko talaga sa kanila dahil nandyan sila para damayan at tulongan ako. Hindi ko makakalimutan ang mga paalala sa akin nina Mom and Dad "Be brave and responsible enough to face your fears in life "at gagawin ko ito hindi lang sa aking sarili kundi sa aking pamilya at ang mga taong may tiwala sa akin. Kinuha ko na ang aking dalawang maleta nang sa ganoon ay ma-iayos ko na ang aking mga gamit sa aking closet. Nang maiayos ko na lahat pumasok na ako sa banyo para makapagbihis. Tinuyo ko kaagad ang aking buhok gamit ang blower. Nakaramdam ako ng pagod kaya humiga ako sa aking kama at doon na ako linamon ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD