NAKALIPAS ANG LIMANG TAON ... “Bakit mo kasi sinuntok ’yong kaklase natin? Sigurado malalagot na naman tayo kay Nanay,” nag-alalang sabi ni Sebastian sa kapatid. Naiiyak na rin ito habang papasok sila sa loob ng bahay. “Paano ko ’di susuntukin ’yon? Tinukso naman tayong mga putok sa kawayan,” matapang nitong sagot sa kapatid. “Sana pinabayaan mo na lamang sila. Hindi ka na nasanay sa kanila, kuya,” dagdag pa ng kapatid. “Sawa na ako sa panunukso nila.” Sabay iwan nito sa kapatid. Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng kanilang bahay. Ngunit nagulat si Sebastino ng magsalita ang Ina galing sa kusina. “Ano na naman ang ginawa mo? Nasa pintuan pa lang kayo ng shop naririnig ko na ang mga boses n’yo,” galit na turan ni Nathalie sa mga anak. Biglang naging maamong tupa si Sebastino sa har
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books