Chapter 10

2141 Words

MAAGANG gumayak si Mang Art kinabukasan papuntang Manila para sa kanyang sideline. Bago ito umalis katakot-takot na bilin ang iniwan kay Nathalie, isa na roon ang mga alagang manok. Napapanguso na lamang ang dalaga sa kaniyang papa, daig pa niya ang isang bata. “Mag-ingat po kayo sa pupuntahan n’yo,” nakangiting pahayag ni Nathalie sa ama. Hinatid niya ito hanggang gate nila. Ngumiti si Mang Art sa anak kahit nalulungkot dahil first time niyang iwan ang anak. Simula ng mag-abroad ang asawa at mag-asawa ang ibang anak, silang dalawa halos ang magkasama. “Ikaw rin mag-ingat ka. Nagbilin na ako kay Daniel sa shop, puntahan mo na lamang para may katuwang siya. Si Alex isasama ko,” sabi ni Mang Art sa anak. Akbay pa niya ang anak. “Opo Papa, tumawag kayo kapag may problema sa pupuntahan n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD