Episode 9

1904 Words

"Tito, mamayang gabi pa naman po ang alis natin, 'di ba?" tanong ni Nicholai sa Daddy ni Clarisse. Wala kasi rito ang Mommy at Kuya niya dahil namili ang dalawa sa mall. Hindi siya sumama sa dalawa dahil wala naman siyang bibilhin kaya sila lang dalawa ng Daddy niya ang tao rito nang bumalik si Nicholai na baliw. Hindi niya ito puwedeng saktan ngayon dahil nakaharap ang ama niya. Isa pa, dikit na dikit ito sa ama niya kaya talagang malabo niya itong masaktan kahit na pasimple lang. "Madaling-araw, Hijo," pagtatama ng Daddy niya. "Mamayang madaling-araw tayo aalis kaya dapat maghanda ka na ngayon pa lang." "Tapos na po, Tito. Siya nga po pala, 'yong sasakyan ko na lang po ang gamitin natin," sabi nito kaya pinanliitan niya ito ng mga mata. "Salit-salitan na lang po kami ni Francis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD