Episode 27

1911 Words

"Kuya," untag ni Clarisse sa kapatid niya habang abala ito sa pagtitipa sa laptop nito dito sa sala nila. "Puwede ba akong magtanong?" Huminto ito saglit sa ginagawa at isinandal ang likod nito sa sofa. "Itatanong mo ba kung bakit hindi na pumupunta si Nicholai dito sa bahay natin?" "Of course not!" tanggi niya pero ang totoo ay iyon talaga ang itatanong niya. Nagtataka kasi siya kung bakit isang buwan na niyang hindi nakikita ang pagmumukha ng matalik nitong kaibigan samantalang dati-rati naman ay araw-araw itong nasa bahay nila. Huling kita niya rito ay noong kaarawan pa ng ina nila kaya nagtaka talaga siya ng husto. Tumaas ang kilay ng kapatid niya at kasabay noon ay tila pinag-aaralan din nito ang himaymay ng pagmumukha niya kaya nag-iwas siya ng tingin. "Do you miss him?" pag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD