SIXTEEN

1031 Words
SIXTEEN Panay ang tawa ko sa ginagawa nito. Sa sobrang pagkalibang hindi na namin namalayan ang oras. Hindi ko rin inaasahan na matatapos ko ang pagpinta kay Rosalinda. "Grabe may magic ba ang kamay mo!" Hindi makapaniwalang sabi ni Rosalinda. Ngiting-ngiti ito."Pakiramdam ko gumanda ako d'yan!" "Maganda ka Rosalinda!" Nakangiting sabi ko."Para sa'yo!" Iniabot ko rito ang canvas na kung saan nakapinta ang babae. "Salamat!" Ngiting-ngiti na sabi nito. "Wala yun. Ah pwede bang pakiayos ng mga ginamit ko?" "Oo naman, ako na ang bahala rito!" Nagpaalam na ako na papasok muna sa mansion. Nagbabakasakaling makita si Gage roon pero bigo ako kaya naman pumanhik ako sa silid. Saktong tumutunog ang telephone kaya mabilis kong sinagot iyon. "Naz?" "Princess!" Kilalang-kilala ko ang boses nito kaya naman kahit pangalan pa lang ang binabangit nito alam ko ng s'ya yun. "May nalaman ako Nazneen, sa tingin ko kailangan mong malaman ito!" Seryoso ang tinig n'ya. "Ano yun Princess? Ayos lang ba si lolo? Ilaw?" bigla akong nakadama ng kaba sa dibdib. "Wag mo kaming alalahanin Naz, ang isipin mo yung sarili mo!" Waring bumubulong lang ito sa kabilang linya. "A-nong nalaman mo? Tungkol ba ito sa case ng parents ko?" "Nope, mas higit pa roon!" "Sabihin mo sa akin, makikinig ako!" Umupo ako sa kama na kabadong-kabado. "Nazneen, a-lam mo bang nagkaroon ng affair ang Mommy mo?" "Ang Mommy ko?" Gulat na sabi ko rito. Seryoso akong nakinig sa isinisiwalat ng bestfriend ko. Mas better ng alam ko para hindi na ako magmukhang tanga. --- "Kumain na ba si Nazneen?" Tanong ko kay Rosalinda na nakita kong palabas ng silid ni Naz. "Hindi ko nga ho alam kung bakit ayaw n'yang kumain. Matamlay ho eh!" Tumango ako rito at itinulak ang pinto sa silid ni Nazneen. Inabutan ko itong nakahiga sa kama. Ang tingin ay nasa kabilang bahagi. "Bakit hindi ka pa kumain?" Seryosong sabi ko rito. "Hindi ako gutom!" "Sa tingin mo makakatulong sa'yo ang pagskip mo ng meals sa kalagayan mo?" "G-age, sa tingin ko mas mabuting contakin mo na si lolo Jako!" Bigla itong umupo at tumingin sa akin. "W-hat?" "Gusto ko sanang kasama ko ito kapag ipinagpatuloy ko na ang pagpapagamot ko!" "Pwede mo naman akong kasama! Delikado ang sitwasyon n'yo ngayon ng lolo mo Nazneen!" "A-lam ko, pero kasi---" "Marami akong pwedeng contakin na doctor. Sabihin mo lang sa akin kung kelan mo gustong magsimula!" "A-nong kapalit sa gagawin mong pagtulong sa akin?" "Kapalit?" Gulat na sabi ko kaya naman tumango ito. "Oo kapalit, sabi ni Princess sa panahon ngayon hindi lahat ng tulong libre. Minsan hindi alam ng taong tinulungan na may gustong kapalit pala ang tumulong sa kanya. Ikaw ba, Gage?" "Bukod sa merger ng mga company natin, wala na!" Seryosong tugon ko. Tumayo ito at lumapit sa akin. Napaatras pa ako na waring naguguluhan sa action nito. "Titigan mo ako sa mata Gage, sabihin mo sa akin ang totoo?" Malungkot ang expression ng mga mata nito. Na waring galing sa pag-iyak. "I'm telling you the truth!" Tugon ko rito. Huminga ito ng malalim tsaka pilit ang naging ngiti. Hindi rin nito naitago ang naglandas na luha rito. Sinapo ko ang baba nito para makita ang mukha nito. Ayon nanaman ang pilit na ngiti sa labi nito. Huminga ng malalim at akmang aatras ng kabigin ko ito at sinabayan ng yuko sabay lapat ng labi sa mga labi nito. Mabilis akong itinulak nito. Nang magkatitigan kami waring nagtatanong ang tingin nito. "Sorry!" Sabi ko ngunit muli itong kinabig at inilapat ang labi sa mga labi nito. Ngunit sa ikalawang pagkakataon hindi na ako nito itinulak. Hinayaan ako nitong galugarin ang bibig nito. Napakapit pa ito sa t-shirt ko habang nagsasalo kami sa mainit na halik. Ngunit naputol iyon ng may kumatok. "Let's talk tomorrow!" Sabi ko rito at mabilis na itong tinalikuran. Ako na ang nagbukas ng pinto at lumabas ng silid. Nagulat pa si Rosalinda na may bitbit na gatas ng mabilis akong lumabas at lampasan ito. Stupid Gage. Nazneen is too young for you. Stupid. --- "Ito inumin mo muna bago ka matulog!" Tulala lang ako kahit pa naririnig ko ang tinig ni Rosalinda. Tinapik nito ang balikat ko at ng matauhan tinaggap ko ang bagong iniaabot nito. "Ayos ka lang ba? Gusto mo ba tumawag ako ng doctor?" Mabilis akong umiling dito. Ginugulo ang utak ko ng mga isiniwalat ni Princess. Hindi ako tiyak kung totoo iyon pero kung pagtutugma-tumain ang sinabi nito at ng sinabi ni Yvanah at L.A pakiramdam ko malaki ang connection. "Ako na ang bahala rito, magpahinga ka na Rosalinda!" Sabi ko rito. At kunwari'y ininom ang gatas. Bumuntonghininga ito bago tumango. "Kung ano man yang gumugulo sa utak mo pwede mong ibahagi sa akin kapag ready ka na. Pagkatiwalaan mo sana ako lalo na si Sir Gage dahil ang gusto lang naming maitanim sa isip mo na mapagkakatiwalaan kami!" "O--kay!" Sabi ko na nag-iwas ng tingin. Nang lumabas ito nagtungo ako sa banyo at ibinuhos ang gatas sa lababo. Tsaka nagtungo sa veranda walang takot na sumampa sa pasimano at maingat na naupo ang paa ay nakalaylay lang. Sabay tinagala sa kalangitan. "Kung panibagong pagsubok nanaman ito God, ikaw na po ang bahala sa akin!" Ipagpapasadyos ko na muna. "Narinig ko ang lolo mo naay kausap, tungkol sa Mommy mo. May hinala ang kausap n'ya na baka ang sumabutahe sa sasakyan ng magulang mo ay ang dating nakarelasyon ng Mommy mo." "Parang malabo namang magawa ni Mommy yang sinasabi mo Princess! Mahal na Mahal ni Mom si Dad para lokohin n'ya at magkaroon ng ibang karelasyon!" "Basta yun ang nalaman ko. Hindi ko kayang ilihim sa'yo ito. Deserve mong malaman ang totoo. Magsisiyasat pa ako Naz. Pero please mag-ingat ka sa mga taong lalapit sa'yo. Baka isa sa kanila ay may galit sa magulang mo lalo na sa Mommy mo." "Naguguluhan ako. Akala ko ba kalaban sa negosyo ang gumagawa ng gulo sa buhay namin?" "Hindi pa sapat ang mga nakalap kong impormasyon, hintayin mo ang susunod kong tawag. Mag-ingat ka d'yan Nazneen!" "Thank you Princess!" Tugon ko rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD