" Kamusta ang pamamasyal ninyo? Mukhang naging masaya kayo,ah! " taning ni Nana Manda sa amin nang makauwi kaming dalawa ni Samuel. " Ok naman po, Nana. Dinala ko si Jemuel sa Asul na Buwan at Santwaryo ni Amor, " si Samuel ang sumagot. " Nagandahan ba naman ni Jemuel doon? " tanong oa niya habang nakatingin sa akin. " Maganda po, Nana Manda. Hindi nga ako makapaniwala na mayroong ganoong lugar dito sa Puro. Para bang isang imahinasyon nga lang ang lahat, eh, " sagot ko sa kanya. " Dalawang lugar lang ang ipinakita sa iyo ni Samuel, Jemuel. Marami pang nakatago dito sa Puro na pwede niyong puntahan, " sabi niya sa akin na kinangiti ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi kasi ang alam ko ay maliit lang naman na isla ang Puro. Paano naman magkakaroon ng maraming tourist s