Kinabukasan ay ang huling araw ng paligsahan. At ang pinakahuli nilang task ay ang mag-bisikleta sa Woodlands Waterfront Park. May mga naka-station na staff sa ilang lokasyon sa loob ng park at kailangang hanapin nila ang kulay na naka-assign nila para sumagot sa trivia questions. Naka-assign ang pulang team kina Tavi at Djora at sina Zef at Cavell ay puting team. Hinanap nila ang pulang logo ng show habang nagba-bike. Puti ang nakita at kaya ay nilampasan nila. “Doon!” ani Tavi na ininguso ang kaliwang direksyon. Binilisan nilang mag-pedal at huminto sa harap ng staff. “Ang tanong. Anong team ang pangatlong nalagas sa paligsahan?” Napakunot noo ang dalawang kaibigan. “Uh… Team 9!” “Tama.” Nag-high five ang magkaibigan. Nagpatuloy na sila sa sumunod na station. Nasagot nila ang dala