Chapter 21

2040 Words

NANG buksan ni Victoria ang pinto sa kwarto niya ng makarinig siya ng katok ay tumambad sa kanyang mata ang nakangiting mukha ni Victor. Tinaasan naman niya ito ng isang kilay nang magtama ang mga mata nila. "Bakit?" tanong niya sa kapatid. "Ate, may bisita ka," imporma naman ni Victor sa kanya. Bahagya namang kumunot ang noo niya. "Bisita?" balik tanong niya dito. Wala kasi siyang inaasahan na bisita ng umagang iyon. Imposible namang si Yngrid iyon, eh, kapag bibisita ito ay sasabihin nito iyon sa kanya. "Sino pa ba? Eh, 'di ang manliligaw mo. Si Kuya David," imporma nito kung sino ang sinasabi ni Victor na bisita niya. "Oh," sambit na lang niya. "Oh, talaga, Ate. Kaya labasan muna ang manliligaw mo. Magpapaturo pa ako kay Kuya Callum sa assignment ko," wika ni Victor sa kanya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD