Two

2363 Words
Kung dati weekends narito sa mansion si Daddy, nitong mga nakaraang linggo ay hindi ito umuwi. Mas lalong naging unfair si Lolo and Lola, mas naging madalas ang pananakit nila sa akin. Ewan ko ba, okay naman kami ni Coleen. Pero kapag nasasaktan ito ay ako ang pinagmamalupitan ng grandparents namin. Palaging humihingi ng sorry si Coleen, kahit nga akuin n'ya ang kasalanan ay ako pa rin ang pinagbubuhatan ng kamay. Hindi ko alam kung bakit ayaw nila sa akin, kung tutuusin ay mas matalino pa ako sa pinsan kong iyon. Naiingit ako, kahit alam kong mahal na mahal ako ng pinsan ko. Naiingit pa rin ako sa kanya. Sabi ni Mama, sabihin ko raw kay Daddy ang ginagawa nila Lola sa akin. Pero paano ko iyon gagawin kung ang banta ng Lola ko'y ilalayo n'ya si Mama sa akin? "Kumusta na ang pakiramdam mo?" umupo si Coleen sa tabi ko. Inabot n'ya sa akin ang paborito n'yang stuffed toys, tinanggap ko iyon at niyakap ko. "Okay na. Hindi na masakit." Nakangiting ani ko rito. Hindi na masakit kasi manhid na talaga ang likod ko. Alam lang talaga nito ay palo sa kamay at sermon lang ang inaabot ko sa library. "Kasalanan ko naman kung bakit nahulog iyong vase kanina, bakit ikaw ang ikinulong sa library?" nagtataya-tayaan kasi kami. Tapos nang tayain ako nito ay medyo lumakas ang pagtulak n'ya sa akin. Ayon dumeretso ako sa vase, nahulog iyon saka nabasag. Ang alam nito pinalo ako sa kamay. Ang hindi nito alam, panibagong latay na naman sa aking likod ang nagmarka dahil sa nangyari. "Ano ka ba? Ako naman ang nakasagi. Punishment lang iyon, ang mahal kaya no'ng vase." "Kaya namang palitan ni Uncle iyan, eh. Sana hindi ka na pinalo." "Huwag ka na lang maingay. Tapos naman na, napalo na ako. Hindi na dapat ito umabot kay Daddy, kasi baka mag-alala s'ya." "Ikaw na nga ang bahala. Aakyat muna ako sa room ko. Kung gusto mong maglaro akyat ka lang tapos katok ka sa room ko." "Sige! Hiramin ko muna ito ha." Tukoy ko sa stuffed toy n'ya. "Alagaan mo si Kulit ha." Pangalan iyon ng stuffed toys n'ya. Tumango naman ako saka kumaway rito. Wala sina Lola ngayon. Ang dalawang Yaya ko ay nasa couch nakaupo. Ako naman ay nakaupo rito sa hagdan. Nagkaroon ng chance si Mama na lumapit at umupo sa tabi ko. "Anong ginawa na naman sa 'yo ng Lola mo sa library?" tanong nito sa akin. Halatang umiyak ito. Siguro'y nag-alala na naman sa akin dahil ipinasok ako sa library kanina. Tamang-tama na magbibigay sana ito ng juice sa amin ni Coleen dahil uhaw na kami. "Ah, pinagsabihan po n'ya ako na mag-iingat ako. Kasi baka raw po masaktan ako." Ang bata ko pa pero heto at nagsisinungaling na ako. Alam nitong pinarurusahan ako pero hindi grabe. Kapag sinabi ko, what if magsumbong si Mama kay Daddy? Tapos magalit si Daddy, aawayin ngayon ni Daddy si Lola. Tapos magagalit si lola, ilalayo n'ya sa akin si Mama. Mas mabuting hindi na nito malaman pa. Alam nitong pinapalo ako, pero iyong latigo... hindi n'ya alam. "Anong ginagawa mo? Bumalik ka nga sa kusina." Sita ni Yaya Raiza kay Mama. Takot naman itong si Mama na mabilis na kumilos para sundin ang utos ni Yaya. "Yaya, wala naman pong ibang tao." Malungkot ang tinig na ani ko rito."Nag-uusap pa po kami ni Mama." "Mas mabuti ng hindi kayo mag-usap. Gusto mo bang mapalo na naman, Seniorita Lucille?" tanong nito sa akin. Humigpit ang yakap ko sa stuffed toy saka bumuntonghininga. "Ayaw ko po." "Pwes magpakabait ka. Nasasaktan din kami sa tuwing wala kaming magawa kapag pinaparusahan ka." Halata namang concern lang din ito sa akin. Tumango ako rito saka pilit na ngumiti at nagpasalamat. YAKAP KO pa rin ang stuffed toys ni Coleen nang magyaya ako sa dalawang Yaya ko na lumabas saglit. Maglakad-lakad lang sa bakuran. Kaso nakasalubong namin sina Lola kasama ang hindi pamilyar na lalaki na hawak sa isang kamay ang batang lalaki na may kulot na buhok. Agad akong ngumiti saka marahang yumukod para magbigay galang sa mga ito. "Oh, she's my apo. Batiin mo sila, apo." Hindi man lang mabigkas ni Lola ang pangalan ko sa harap ng iba. Ngumiti ako saka nagsalita. "Magandang araw, Senior at Seniorito." Bahagya ko pang iniyukod ang ulo ko. Nang magtaas ng tingin ay nginitian ko sila. "Pasok na tayo sa loob." Yaya ni Lolo sa dalawang bisita. "I'll stay here, Dad." Seryosong ani ng batang kasama ng bisita. "Behave, Alejandro!" bilin ng dad nito. "I will." Sagot naman ng batang lalaki. Nang maiwan ako, si Alejandro at ang dalawa kong Yaya ay nginitian ko si Alejandro. Gusto siguro n'yang makipaglaro sa akin. "I'm Alejandro!" "I'm...Kulit!" ikinaway ko pa ang kamay ng stuffed toy ni Coleen. Biro ko lang naman iyon pero hindi na ito nagtanong pa sa akin. Niyaya ako nitong maglaro, pero tumangi ako. Kaya naman maglakad-lakad na lang kami nito. "Hindi ka pa nakalabas sa gate na iyan?" takang tanong nito sa akin. Mabilis naman akong tumango. "Dito nga rin ako sa mansion nag-aaral eh. Pero iyong ibang pinsan ko sa city sila." "Ikaw?" tanong nito sa akin. "Nandito naman si Mama sa mansion, hindi naman s'ya umaalis. Si Daddy ko naman ay nagwo-work pero sabado lang ang uwi n'ya." "Hindi ka pa nakalabas?" tumango ako rito. "Bawal. Sabi ni Lolo and Lola, kaya sumusunod na lang." Nakangiting ani ko rito. "That's boring!" "Boring? Hindi kaya, ang saya kaya rito. May mga kabayo rin sa kwadra na nasa kabilang dako ng lupain. Pwedeng sumakay roon. Iyon nga lang kailangan kasama ang bantay ng kabayo para hindi madisgrasya." Nakangiting ani ko rito. Ang saya naman, iyong may makausap ka na ibang tao. "Ang boring no'n, mas masaya sa mall o kaya sa park. Marami kang pwedeng gawin, kaysa nakakulong ka lang dito." "Siguro kapag 18 na ako pwede na!" mabilis kong ani. "Sige, kapag 18 ka na yayayain ko si Daddy na bumalik dito. Tapos yayayain kitang lumabas, pupunta tayo sa mall at park." "Asahan ko iyan ha!" ngiting-ngiti na ani ko kay Alejandro. Tumango naman ito sa akin. Huminto ito sa paglalakad saka nito iniangat ang kamay sa batok nito. Tinatanggal n'ya ang suot n'yang kwintas. "Ibalik mo iyan sa akin sa sunod kong pagbalik dito. Tandaan mo, ibabalik mo lang iyan sa akin kapag natupad ko na iyong promise ko sa 'yo na ipapasyal kita sa mall at park." "Noted!" sagot ko na tinanggap ang kwintan nitong ginto. Lumapit si Yaya Mercy at pinunasan ako ng pawis. "Balik na tayo sa mansion, mainit na." "Gusto mo na bang bumalik?" tanong ko kay Alejandro. "Sige, malayo na rin ang nalakad natin. Nauuhaw rin ako." Ginagap nito ang kamay ko saka kami magkahawak na naglakad. Narinig ko pa ang pagtunog ng cellphone ni Yaya Mercy, sa tingin ko'y kinuhanan kami nito ng larawan habang naglalakad. Nakatalikod sa direction nito. Pagdating sa mansion ay tamang-tama naman na palabas na sina Lolo at ang Daddy ni Alejandro. "Hihintayin kita sa pagbabalik mo." Masayang ani ko kay Alejandro. "Oo, babalik ako. Bye, Kulit." Nakangiti ako, mali ang name. Saka ko na itatama kapag bumalik na s'ya rito. "Akyat sa kwarto, Lucille. Mag-aral ka!" utos ni Lolo. Agad akong yumukod dito, saka sumama kina Yaya na agad akong hinawakan pagkarinig sa matapang na tinig ni Lolo. Humakbang kami patungo sa hagdan. "Nakakatakot talaga ang Lolo mo." Mahinang ani ni Yaya Raiza sa akin. "Para akong natatae sa nerbyos," ani naman ni Yaya Mercy. "Punta na lang muna po tayo kay Coleen. Tiyak na miss na n'ya itong laruan n'ya." "Ihahatid lang natin, kailangan mong bumalik na sa kwarto para hindi ka pagalitan. Mag-aaral ka roon kahit na kabisado mo na ang nilalaman ng mga libro sa kwarto mo." "Sige po." Sagot ko naman. Nang marating namin ang kwarto ay si Yaya Analyn lang ang tumanggap ng laruan dahil nag-aaral na raw si Coleen. Bumalik kami sa kwarto ko, saka nagsimula na ring mag-aral. Sabi ni Yaya mas matalino pa raw ako kaysa sa kanila. Hindi naman ako naniniwala, kasi feeling ko ang dami ko pang hindi alam na alam na nila. "Alam n'yo po ba, Yaya, na may paraan pa para maibalik ang maayos na mukha ni Mama?" hawak ko ang science book na regalo ni Daddy sa akin. "Paraan? Anong paraan? Malabo na iyon, sunog ang mukha ng Mama mo. Nakakadiri ngang tignan." "Tinatawag pong plastic surgery. Plastic surgeons naman po ang tawag sa gumagawa no'n." "Umaasa ka pang gaganda ang Mama mo? Tiyak na mahal iyong gano'n," ani ni Yaya Mercy na abala sa pagmasahe sa binti nito. "Maraming pera si Daddy, pwede po akong humingi." Excited sa naisip, napapalakpak pa ako. "Kaso may iba ng pamilya---" "Ha? Sino po ang may ibang pamilya?" takang tanong ko sa Yaya ko na agad naghilaan ng buhok. Parang may nasabi sila na hindi dapat sabihin. "Wala iyon, sabi ko ang sarap mo namang maging pamilya." Si Yaya Raiza na ngiwing-ngiwi. Habang si Yaya Mercy ay sinesenyasan si Yaya ng lagot. Nagkibitbalikat ako at nagpatuloy sa pagnanasa. Nang mainip ay nagsabi ako sa kanila na sa silid muna ako ni Coleen. Mabilis namang tumayo ang mga ito at sumunod sa akin. Nakipaglaro ako kay Coleen ng dolls n'ya. Iyon iyong mga favorite n'ya na hindi n'ya inihahalo sa playhouse naming dalawa. "Lucille, alam mo ba susunduin ako ni Mommy at Daddy rito after ng exam natin." Natigilan ako sa pagsuklay sa buhok ng doll at tumingin dito. "Talaga? Saan kayo pupunta?" excited na tanong ko rito. "Sabi ni Daddy sa Korea raw. Excited akong sumakay ng airplane." "Masaya bang sumakay sa airplane?" tanong ko rito. Curious dahil sa TV lang namin napapanood iyon, pero si Coleen nakasakay na s'ya sa airplane. Maraming beses na kasama ng parents n'ya. "Sobra, tapos mabilis lang makarating sa pupuntahan. Hindi katulad ng car na nasa land lang, sobrang bagal." Kwento nito. Napatango-tango naman ako. "Sana makasakay rin ako sa plane." Habang nagkwekwentuhan kami ay nakarinig kami nang malakas na tili at pagkabasag ng kung ano. Kaya naman pareho kaming napatayo ni Coleen sa kinasasalampakan. Patakbong lumabas ng silid kasunod ang mga Yaya namin. Hindi kami bumaba. Sumilip lang kami sa barandilya upang tanawin ang nangyayari sa sala. Nakita ko si Mama, nakaluhod sa sahig kung saan may basag na vase. Sa tingin ko'y nasugatan din ito. Akmang aalis ako sa pwinestuhan namin ni Coleen nang pigilan ako ni Yaya Raiza. Sunod-sunod na pumatak ang luha ko nang makita kong ang hawak ni Lola na Hilda na baso na may lamang juice ay ibinuhos n'ya sa Mama ko. Palagi namang nananakit ang Seniora sa mansion na ito. Pero iyong makitang si Mama iyon, parang nadudurog ang puso ko. Kasunod no'n ay ang pag-abot kay Lola Hilda ng latigo. Pamilyar na latigo... iyon kasi ang ginagamit ni Lola sa tuwing sinasaktan n'ya ako. Lumatay sa makinis na braso at hita ni Mama ang latigo. Gigil na gigil si Lola na ibinuhos ang galit na hindi ko alam kung saan nito hinuhugot. Huminto lang ito nang bumagsak si Mama na namimilipit sa sakit. Sa buong durasyon nang pagmamalupit nito. Pinanonood ko lang, habang takip-takip ni Yaya ang bibig ko. Nang tignan ko si Coleen ay nanonood din ito. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha nito. "Y-aya, pasok na po tayo sa room. Nakakatakot si Lola." Mahinang tinig ni Coleen ang dahilan kung bakit napakurap ako. Nangingilid ang luha nito na sumama na sa mga Yaya n'ya. "Y-a, si M-ama!" niyakap ako ng dalawa kong Yaya. Gusto kong lapitan si Mama pero hindi pwede. Nasa mansion sina Lola. Baka mas malala pa ang danasin naming mag-ina kapag ipinilit ko ang gusto ko. "Halika na sa loob." Iginiya ako ni Yaya Raiza pabalik sa silid ko. Si Yaya Mercy naman ay tinungo ang hagdan. "Y-a, tiyakin mong okay si Mama." Luhaan pero mahina ang tinig na ani ko kay Yaya Mercy. Bumuntonghininga ito saka tumango. Nagsimula na rin itong bumaba. Kaya naman tuluyan na akong iginiya patungo sa kwarto ko. Pagpasok sa loob ay agad akong humiga. Isinubsob sa unan ang luhaang mukha. "Tahan na, Lucille. Baka may nagawang mali ang mama mo kaya nagalit ang Seniora. "Pero kung may mali man si Mama dapat ay itama nila. Hindi nila dapat pagmalupitan." "Alam ko, kaya ikaw mag-aral kang mabuti. Kapag mahusay ka sa lahat ng bagay ay walang magmamalupit sa 'yo. Tumahan ka na, mag-aral ka. Daigin mo si Coleen. Matalino ang pinsan mo, kaya dapat mas maging matalino ka sa kanya." "Bakit ko kokompentensyahin ang pinsan ko. Ang bait n'ya sa akin." "Minsan kailangan mong gawin iyon para hindi ka na mahirapan." Umiling ako. Walang kasalanan si Coleen. Isa s'ya kakampi ko sa mansion na ito. Hindi s'ya pwedeng madamay sa nararamdaman kong galit sa Lola ko. PAGSAPIT NG gabi, nakakuha ako ng pagkakataon na tunguhin ang maid's quarter. Gusto kong tiyakin kung ayos lang ba ang aking ina. Ngunit bago ko pa narating ang silid ay nakita ko na itong hila-hila ng kapwa n'ya kasambahay. Agad akong nagkubli. Walang malay ang aking ina. Maingat akong sumunod patungo ang mga ito sa likod ng mansion. Ingat na ingat ang kilos. Nagkubli ako sa likod nang malaking paso. Doon, nakita ko si Lolo at ang isa kong uncle na galak na galak na sinakluban ng itim na tela ang ulo ni Mama. Ayaw ko nang sabihin pa kung ano ang nakita kong ginawa nila. Pero iyon ang dahilan kung bakit ang galit sa puso ko ay mas lumala pa. "Dad! Patay na s'ya." Tarantang ani ni Uncle Manny. Agad na lumayo sa katawan ng aking ina. Tarantang-taranta na tinawag ng mga ito si Seniora. Hindi ko alam kung paanong nakaalis ako sa lugar na pinagkublihan ko ng hindi napapansin. Nakalabas ako sa mansion na walang guard na humarang. Hindi sa main gate ang tungo ko. Kung 'di sa kwadra na tiyak kong walang tao ngayon. "Kasmir, tulungan mo ako. Kailangan kong makalayo rito." Kausap ko sa kabayo na waring nakaunawa naman at lumuhod upang makasakay ako. Aalis ako. Pero ipinapangako kong babalikan ko silang lahat. Wawasakin ko silang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD