KABANATA 10 NASA GITNA NA ng biyahe sina Ravia at kagagaling lang nila sa simbahan. Papapunta na sila sa foundation na kung saan sinusuportahan ng pamilya nila. Kahit paano, nasasabik siya na makita ang mga batang nagsusumikap na makapag-aral sa kabila ng hirap ng buhay. Ang kaniyang ipinagmamalaki sa lahat, naging tulay ang kanilang pamilya para maabot ng mga ito ang pangarap sa buhay. “You look so happy, Darling,” sabi ni Andrei. Isinandal niya ang kaniyang ulo sa balikat nito. “Excited lang ako to meet our scholars. Proud lang ako sa family ko. Sana ganoon ka rin soon. Hindi iyong sasabihin mo na ang pera pinaghihirapan at hindi hinihingi lang.” Napatawa si Adale. “Move on, Viang. Kanina ka pa riyan.” “Paano ako makapag-move on? Wala pang tatlong oras nang mangyari iyon,” aniya. “