Chapter 1
Marga's POV
Ako nga pala si Margarette Alexis Escudero, pwede niyo rin akong tawaging Marga o kaya'y Alex. galing ako sa kilalang pamilya sa aming lugar. Sa kagustuhan ko na makalaya sa aking mga magulang ay umalis ako sa amin at nag punta sa maynila upang gumawa ng aking sariling kapalaran. 25 na ako at nag tapos ng college na magna cumlaude. Sa edad ko na ito ay itinuturing parin akong bata ng aking mga magulang.
Nang makarating ako ng maynila ay agad akong naghanap ng mauupahang bahay at trabaho.
Nahirapan ako sa paghahanap ng matutuluyan dahil puro bedspace lang ang may roon. Hindi rin ako sanay na may kasama sa aking kuwarto. Tanghali na kaya napag pasyahan ko na kumain na muna sa isang fastfood chain. Kumakain na ako ay nag search ako kung mayroong nagpaparent ng condo na may 2 bedroom lang upang may maka hati ako.
May nakita ako na malapit lang dito kung kaya nag message na ako agad sa nag post upang mapuntahan ko na rin agad.
Pag tayo ko ay may sumulpot na lalaki at natapon ang laman ng tray na bitbit niya.
"WTF!" Sigaw ng lalaki.
"OMG! I'm so sorry sir. Hindi ko po sinasadya. Sorry po talaga papalitan ko na lang po yung pag kain niyo." Mahinahong sabi ko.
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo! Ang tanga tanga mo!" Sabi ng lalaki na hindi naman naka tingin sa akin.
"Pogi ka sana. Sayang ang pangit ng ugali mo." Bulong ko.
"Anong sinasabi mo?" Kunot noong sabi ng lalaki.
"Ah... Eh... Sorry po talaga sir. Hindi ko po talaga sinasadya." Alibi ko.
"Papalitan ko na lang po ang pagkain niyo na natapon sir. Sorry po talaga." Sabi ko pa na pupunta na sana sa counter upang mag order.
"Stop! I already lost my appetite." Walang ganang sabi niya.
"Pasensya na po talaga kayo sir. Babayaran ko na lang po yung pagkain niyo." Seryosong sabi ko.
"Seriously?! Tumigil ka na ng kakahingi mo ng sorry pwede ba?! Nakakainis lang lalo." Kunot noong sabi niya.
"Napaka sungit naman ng tao na to!" Bulong ko.
"What?!" Singhal niya.
"Okay po sir. Sige po mauna na ako at may lakad pa po ako. Kung maisip niyo po na pabayaran sa akin yung natapon na pag kain niyo ay ito po ang number ko." Sabi ko na iniabot ang tisue na sinulatan ko ng aking personal number.
"Pasensya na po talaga sir." Sabi ko pa.
"hindi na sana kita ulit makita." Inis na bulong ko.
Lumabas na nga ako sa fastfood chain na pinagkainan ko at pumara ng taxi patungo sa condo kung saan may nakapost na nag hahanap ng kahati sa isang unit.
Pag naayos ko na ang tutuluyan ko ay paghahanap naman ng trabaho ang aatupagin ko. bulong ko sa aking isip.
Nag mumuni muni ako ng mag vibrate ang aking phone.
"Bruha ka nasaan ka?! Alalang alala na sayo ang parents mo. Kagagaling lang nila dito sa bahay at hinahanap ka. Alex nasaan ka ba?" Chat ni Theo na matalik kong kaibigan.
"Okay ako. Wag kayong mag alala okay ako. Please don't tell my parents this number okay?" Reply ko.
"I know. Balitaan mo ako kung nasaan ka at kung anong nang yayari sayo. Please mag iingat ka. Kailangan mo ba ng cash?" Chat ni Theo.
"No i'm okay. May ipon pa naman ako. Mag hahanap na din ako ng work dito pag nasettle ko na ang titirhan ko dito." Chat ko.
"Okay. Mag sabi ka lang kung anong kailangan mo. Andito lang ako." Sabi niya.
"Thank you, Theo. Please balitaan mo ako about sa parents ko ah." Huling chat ko kay Theo.
Nang makarating ako ng condo ay agad na akong pumasok at tinawagan ko ang number na nasa ads. Sinagot naman ang tawag ko at pinaakyat na ako sa kanyang unit.
Nang maka akyat ako ay naroon na at naghihintay ang isang babae at inilibot ako sa unit ng condo.
Sobrang nagustuhan ko ang unit na iyon tahimik, malinis, at maayos. Nararamdaman ko na malaya ako sa lugar na ito kung kaya agad na akong pumirma sa contrata at nagbigay ng bayad.
"Pwede na po kayong lumipat dito ma'am anytime you want po." Ngiting sabi ng babae.
"Thank you miss. OMG! Pwede na ko mag lipat mamaya." Ngiting sabi ko.
"Okay ma'am ipapaayos ko na po ang permit para makapag lipat na po kayo." Sabi niya.
"By the way sino ang makakasama ko sa unit na ito?" Curious na tanong ko.
"Ohhh si Mr. Ruiz po ma'am. Mabait po siya ma'am. Ayaw lang po ng maingay at makalat." Sabi niya.
"OMG! Lalaki ang makakasama ko dito?" Gulat na tanong ko.
"Yes, po ma'am nasa post ko po iyon." Agad na sagot niya.
"Wag po kayong mag alala ma'am lagi po siyang wala rito. Umuuwi po siya para matulog lang." Dagdag niya pa.
"Are you sure i'm safe here?" Paninigurado ko.
"Yes, ma'am! I assure you, safe na safe ka po." Ngiting paninigurado niya.
"Okay. Thank you again miss." Ngiting Sabi ko.
"See you around ma'am. Daanan niyo na lang po ang papers mamaya sa reception. Doon ko na lamang po iiwan. May other clients pa po ako na kailangang puntahan." Ngiting sabi niya na iniabot sa akin ang susi ng aking unit at kuwarto.
Naisipan ko na linisin na lamang muna ang aking kuwarto upang aayusin ko na lang ang konting gamit ko na dala mamaya.
Nang matapos ako ay agad na akong bumaba at nag tungo sa reception area.
Nang makalabas ako ng building ay agad na akong pumara ng taxi patungo sa hotel kung saan ako nagcheckin pagka rating ko ng maynila.
Nang makarating ako ng hotel ay iniayos ko na agad ang aking mga maleta at nag check out na.
"OMG! Mamumuhay na akong mag isa at malaya. Gabayan niyo po ako panginoon." Ngiting sabi ko sa aking isip.
Gabi na ng makarating ako sa aking condo at agad na akong pumasok sa aking kuwarto. Nang maayos ko na ang aking mga gamit sa closet ay nakaramdam na ako ng gutom.
May convenience sa baba kaya naisipan ko na doon na lang muna bumili ng makakain. Nang makapamili na ako ay naisipan ko na mag luto na lang ng adobo para maka kain din ang kasama ko sa unit.
Pagkarating ko sa aking unit ay nag salang na ako agad ng sinaing at inihanda ang mga gagamiting sangkap para sa aking lulutuin.
Alas otso na ng matapos akong magluto kaya iniayos ko na agad ang hapag kainan.
Nag aayos ako ng lamesa ng bumukas ang pinto.
"Good eve----
"Ikaw?!" Sabay na sabi namin ng lalaking pumasok sa pinto.
"OMG!" Sabi ko.
"WTF!" Sabi niya.
"Watch your word SIR!" Sabi ko.
"Wala kang pakelam!" Sabi niya na kinuha ang kanyang phone.
"Amber ano to? Bakit babae na naman ang kinuha mong kasama ko dito sa unit ko?!" Sigaw ng lalaki.
"Gawan mo ng paraan to! Ibalik mo ang pera niya at palayasin mo siya rito! Ngayon din!" Galit na sabi ng lalaki.
"Grabe ka sir noh?! Wala kang respeto sa babae? Wala kang modo!" Inis na sabi ko.
"Excuse me?!" Sabi niya.
"Pumirma na ako sa kontrata na lahat ay naka pabor sayo. Naka ayos na ang lahat ng gamit ko sa kuwarto ko. Gusto ko lang naman ng matahimik na buhay yung malaya ako na magawa ang gusto ko na hindi kailangan ng tulong galing sa magulang ko." Naluluhang sabi ko.
"Maraming beses na akong humingi sa sorry sa iyo. OMG! Why I even explain my self to you?!" Naluluhang sabi ko pa.
"Fine! you can stay here but please, ayoko ng maingay at makalat!" Kunot noong sabi niya.
"Salamat po. No worries ayoko din ng maingay at makalat sir." Sabi ko.
"Kumain na po ba kayo sir? Gusto niyo pong kumain muna? Sabayan niyo na po ako." Ngiting sabi ko.
"Sige na po sir kahit tumikim lang po kayo. Pasasalamat ko na din po na di niyo ako tuluyang pinaalis sa unit niyo at pag bawi ko na rin po para sa natapon niyong pagkain kanina." Sabi ko pa.
Naupo siya kung kaya ipinaghain ko siya sa kanyang plato at kumuha ng bottled water sa kanyang ref.
"Saan ka nag order nito?" Tanong niya.
"Luto ko po yan sir. Ayoko po kasing mag order magastos pa." Ngiting sabi ko.
"Really? Ngayon lang ako nakakilala ng babaeng marunong pang mag luto." Ngiting sabi niya.
"Hala si sir." Natatawang sabi ko.
"Seryoso ako. Ang mga kilala kong babae eh puro pag papaganda at pag shopping lang ang alam." Seryosong sabi niya.
"Well, masayang mag shopping oo lalo na kung di mo sariling pera ang nilulustay." Natatawang sabi ko.
"Pero sa totoo lang mas maganda kung makukuha mo ang mga bagay na gusto mo kung pinaghirapan mo. Alam mo yun nakaka proud." Sabi ko.
"Ibang iba ka nga. Tiga saan ka nga pala?" Tanong niya.
"Tiga bicol po sir." Sabi ko.
"Larry na lang. Ako nga pala si Larry Ruiz. Sir ka ng sir eh." Natatawang sabi niya.
"Ah okay Larry. Ako nga pala si Margarete Alexis Escudero. Alex na lang.
"Okay. Escudero? Kaano ano mo si sir Felix? Do you know him? Are you related? Tiga bicol rin siya." Sunod-sunod na sabi ni Larry.
"He's my dad." Naluluhang sabi ko.
"WTF?! Ikaw ang unica hija ng Escudero Group of Companies Marga?" Manghang sabi niya.
"OMG! You know my dad?" Pwede ba na wag mong sasabihing magka kilala tayo na di mo ako kilala? Please." Naluluhang sabi ko.
"Why? Bakit ayaw mong ipaalam kung nasaan ka?" Takang tanong niya.
"Gusto kong magawa naman ang mga gusto ko at di ang gusto nila. Matagal ko ng pangarap na maging malaya at mag desisyon para sa sarili ko." Lumuluhang sabi ko.
"Alam mo yun mula pagka bata ko lahat sa buhay ko eh idinikta ng parents ko. Yung gusto lang nila ang nasusunod. Paano naman yung gusto ko?" Dagdag ko pa.
"Okay, okay I understand." Sabi niya.
Tahimik kaming kumakain ng tumawag si Theo sa akin.
"Excuse me sasagutin ko lang tong tawag." Sabi ko kay Larry na tumayo na.
"Hello by? May nangyari ba? Napatawag ka?" Bungad ko kay Theo ng sagutin ko ang tawag niya.
"Wala naman kakamustahin lang sana kita. Kumain ka na ba?" Sabi ni Theo.
"Okay ako by, wag ka nang mag alala. Actualy kumakain pa ako." Ngiting sabi ko.
"Oh okay. Sige na kumain ka na muna. Tawagan mo ako pag tapos ka na. Hintayin ko ang tawag mo." Sabi ni Theo.
"Okay by. Miss mo na ko noh?" Natatawang sabi ko.
"Oo, miss na miss na kita by. Hintayin ko ang tawag mo okay?" Seryosong sabi niya.
"Oo na tawagan agad kita pag tapos ko. Miss you too." Sabi ko bag tuluyang ibaba ang tawag niya.
"Boy friend mo? Bawal ang bisita dito sa unit natin ah." Seryosong sabi ni Larry.
"I know. Hindi rin naman siya pupunta rito." Ngiting sabi ko.
Nang matapos siyang kumain ay tumayo na siya at nag paalam na mag papahinga na.
Matapos ko na kumain ay iniligpit ko na ang aming mga pinagkainan at pumasok na rin sa aking kuwarto.
"Gising ka pa by?" Chat ko kay Theo na agad na tumawag sa akin.
"Bruha ka ang sabi ko kanina tumawag ka! Oo malamang gising pa ako ang sabi ko nga diba hihintayin ko ang tawag mo." Sunod sunod na sabi ni Theo.
"Sorry na by. Wag ka nang magalit." Sabi ko.
"Open mo muna camera mo." Sabi niya na sinunod ko naman.
"Happy?" Sabi ko.
"You look tired by." Sabi niya.
"Yeah, alam mo namang kakalipat ko lang dito sa condo. Tignan mo ang ganda ng kuwarto ko diba?" Ngiting sabi ko.
"Yeah. Gusto mo pabago ang design?" Tanong niya.
"OMG. Syempre oo kaso itatanong ko muna sa kahati ko sa unit na may ari nito kung pwede." Seryosong sabi ko.
"May kahati ka diyan? Sino? Gusto bang kuhaan na lang kita ng sarili mong unit diyan?" Tarantang sabi ni Theo.
"Theodor! Gosh! Okay na ako dito by saka mabait naman si Larry." Sabi ko.
"What? Larry? So lalake ang kasama mo? Ano safe ka ba diyan?" Sunod sunod na tanong niya.
"Yup! Lalake siya. But no worries, I'm safe here." Seryosong sabi ko.
"Are you sure?" Sabi niya.
"Yeah! 100 percent sure by, I'm safe here. Wag ka nang mag alala okay na okay ako dito." Seryosong sabi ko.
"Okay fine! Sabi mo eh. Send mo sa akin ang details ng kuwarto mo ako na ang bahala." Sabi ni Theo.
"Okay, thank you by. Sige na magpa hinga na tayo maaga din ako bukas para mag hanap ng trabaho." sabi ko.
"Okay by. Good night. Mag sabi ka lang kung may kailanga ka okay?" Seryosong sabi ni Theo.
"Yeah, I know. Thank you. Good night by." Sabi ko bago tapusin ang aming usapan.
Matapos ko na mag ayos ng mga gagamitin ko bukas ay nahiga na ako sa aking kama at natulog na.
Nang magising ako kinaumagahan ay nagluto muna ako ng almusal. Dinagdagan ko na rin ang aking niluto upang maka kain rin si Larry.
Hotdog, egg, bacon, at adobo rice pala ang niluto ko inihalo ko sa kanin ang natira naming adobo kagabi.
Nang matapos akong makapag luto ay naligo na muna ako at nag ayos. Nang matapos akong mag ayos ay nagtimpla na ako ng coffee at lumabas na rin sa kanyang kuwarto si Larry.
"Good morning si... Ay Larry pala." Ngiting sabi ko.
"Good morning." Sagot naman niya.
"Coffee?" Tanong ko na tinanguan niya kung kaya ipinagtimpla ko na rin siya.
"Sabayan mo na ako ulit kumain." Sabi ko na dinala sa lamesa ang kape na aking tinimpla.
"May early meeting kasi ako ngayon coffee na lang." Sabi niya.
"Ah okay. Sayang naman pala tong niluto ko para sa ating dalawa." Sabi ko.
"Sige na nga may adobo rice pala sige kakain na din ako." Sabi niya na nakatingin lang sa adobo rice.
"So saan pala ang lakad mo ngayon?" Tanong niya habang kumukuha ng adobo rice.
"Mag hahanap ako ng trabaho." Ngiting sabi ko.
"Bakit di ka na lang mag apply sa company ko?" Sabi niya.
"Thank you but no, thank you." Maikling tugon ko.
"Ruiz Empire is a big company tutulungan kita." Seryosong sabi niya.
"I know. Pero kasi diba sabi ko naman sayo gusto ko na magkatrabaho sa sariling sikap ko. Na walang tulong galing sa iba." Sabi ko.
"Pero kasi....
" No worries Larry. Kapag wala akong nahanap agad eh saka ako lalapit sayo." Ngiting sabi ko.
"Okay, sige sabi mo yan ah." Natatawang sabi niya na tinanguan ko.
"Saan lakad mo ngayon?" Tanong niya.
"May tumawag sa akin kahapon may interview ako mamayang 10. Malapit lang naman din dito." Ngiting sabi ko.
"Okay, goodluck." Sabi ni Larry.
"Thank you. Sana nga matangap na ako." Natatawang sabi ko.
Masaya kaming nag kuwentuhan habang kumakain.
"Mabait ka din naman pala noh?" Natatawang sabi ko.
"Huh? Bakit?" Takang tanong ni Larry.
"Akala ko kasi kahapon napaka sama ng ugali mo." Tumatawang sabi ko.
"Oh. Sorry huh! Mainit lang talaga ang ulo ko kahapon." Natatawang sabi niya.
"Wag ka namang mandamay sa init ng ulo mo." Natatawang sabi ko.
Nagkakatawanan kami habang kumakain. Mabilis kaming nagkapalagayan ng loob.
"Sige na ako na ang magliligpit at mag huhugas ng mga ito. Maaga pa naman." Ngiting sabi ko.
"Okay, See you later." Sabi ni Larry.
"Sige. Ingat sila sayo." Tumatawang sabi ko.
"Sira ulo ka talaga." Natatawang sabi niya.Nang maka alis si Larry ay agad na akong kumilos upang ayusin at linisin ang pinagkainan namin.
Nang matapos ako ay agad naman akong nag ayos upang umalis na din patungo sa aking interview.
Nang makarating ako sa building ay agad na akong nag tungo sa receptionist at nag tungo sa floor kung saan ang aking interview.
Nag hintay din ako ng ilang minuto bago ako matawag ng mag iinterview sa akin.
"Good morning miss Arevalo. I'm Luke ang mag iinterview sa iyo.
" Good morning po sir Luke. I'm glad to meet you po." Ngiting sabi ko.
Hindi ko ginamit ang tunay ko na apelyido sa takot na baka may maka kilala sa akin.
Nang matapos ang interview ay tinanong ako ni Luke kung kailan ako willing na mag start.
"So miss Arevalo. Kailan ka pwedeng mag start?" Tanong ni Luke.
"ASAP po sir. Kahit bukas po ay pwede na akong mag start." Sabi ko.
"That's good to hear." Sabi ni Luke.
"Pero okay lang ba sa iyo na maging secretary ko? Wala pa kasing bakante sa inaapplyan mo na trabaho sa Marketing Dept. Ikaw din naman ang ilalagay ko doon once na may bakante na." Ngiting sabi ni Luke.
"Naku sir okay lang po. Thank you po ah." Tuwang sabi ko.
"Ang ganda kasi ng credentials mo eh. Nakakabilib. Sayang naman kung pakakawalan kita." Natatawang sabi niya.
"Naku, sir thank you po talaga." Ngiting sabi ko.
"Alanganin ang araw kung bukas ka mag start. Sa monday ka na pumasok. Friday naman na bukas." Sabi pa ni Luke.
"Okay po sir. Super thank you po talaga." Naluluhang sabi ko.
"Welcome. Hintayin mo na din ang ID mo para papasok ka na lang sa monday." Ngiting sabi niya na tinanguan ko.
"Gusto mo bang ilibot muna kita sa buong department para makilala ka na din nila?" Alok pa ni Luke.
"Naku sir, okay lang po ba iyon? Hindi po ba makaka istorbo sa inyo?" Nahihiyang sabi ko.
"No, okay lang. Actually ikaw din naman ang gagawa niyan sa mga bagong mahahire natin once na pumasok ka na." Ngiting sabi ni Luke.
"Okay po sir. Thank you po." Sabi ko.
Nang mailibot at maipakilala ako ni Luke sa mga empleyado ay bumalik na kami sa office niya.
"Miss Arevalo dito nga pala ang magiging table mo." Sabi ni Luke na tinanguan ko.
"Gusto mo bang mag lunch?" Lunch break na." Tanong niya.
"Naku sir sa condo na lang po ako kakain." Ngiting sabi ko.
"Sige na sabayan mo na ako. Sagot ko naman." Sabi ni Luke.
"Sir kasi. Ano po eh." Nahihiyang sabi ko.
"Tara na kahit sa fast food na lang may maka sabay lang akong kumain." sabi ni Luke.
"Sige na nga po sir. Sa fast food lang po ah para mura lang." Nahihiyang sabi ko.
"Oo sige. Para mag kakilala na din tayo at di ka na mailang pag pasok mo sa monday. Oh andito na din pala ang ID mo." Ngiting sabi ni Luke na iniabot sa akin ang aking ID.
"Tara na?" Pag aaya niya na tinanguan ko.
Nang maka rating kami sa fast food chain ay agad na siyang nag order.
"Sir thank you po talaga at tinangap niyo ako." Ngiting sabi ko.
"Ano ka ba wala na tayo sa office Luke na lang ang itawag mo sa akin. Saka wala yun magaan kasi ang loob ko sa iyo at alam ko na mapag kakatiwalaan ka." Ang sabi niya.
"Nakakahiya naman yung Luke lang itatawag ko sayo sir." Nahihiyang sabi ko.
"Ano ka ba pag wala tayo sa office ituring mo akong friend pag nasa labas na tayo." Seryosong sabi niya.
"Sobrang bait mo po si--- Luke pala." Ngiting sabi ko.
"Girl! Your like a sister that i never have." Ngiting sabi niya.
"OMG! You're gay?" Gulat na sabi ko.
"Oo gaga ka!" Natatawang sabi niya.
"O.M.G! Hindi halata." Natatawang sabi ko.
"Kailangan di kasi pwedeng malaman ng daddy ko." Seryosong sabi niya.
"Gosh!" Gulat na sbi ko.
"Ikaw pa lang ang nakaka alam sa office." Seryosong sabi niya.
"Seryoso ba?" Seryosong tanong ko.
"Oo nga! Sayo lang ako naging komportable." Ngiting sabi niya.
"Woi, grabe." Gulat na sabi ko.
"Siya nga pala, naadd na kita sa IG. Confirm mo na lang private account ko yung gamit ko." Sabi niya na tinanguan ko at saka naman dumating ang order niyang pagkain.
"Jusme napaka rami mo namang inorder parang isang buong team na ang makakakin nito eh.
"i-take out na lang natin pag di natin to naubos." Natatawang sabi niya.
Masaya kaming nag kukwentuhan ng may lumapit sa akin.
"Hey! Alex? dito ka pala kumain?" Ngiting sabi ni Larry.
"Hey! Larry bakit andito ka?" Gulat na tanong ko.
"Hi, mr. Ruiz." Sabi ni Luke.
"You know each other?" Takang tanong ko.
"Yes, client natin ang Ruiz Empire." Ngiting sabi ni Luke.
"Natin? So na hired ka na pala? That's good to hear." Ngiting sabi ni Larry.
"Magka kilala po kayo?" Tanong ni Luke kay Larry.
"Yeah, she's my long time friend." Sagot ni Larry na ikinakunot ng nuo ko.
"Join us Sir. Naparami po ang order ko." Pag anyaya ni Luke kay Larry na di naman nito tinangihan.
"Tama po pala ang pag hire ko kay Alex. Talaga ngang mapagkakatiwalaan siya. Iilan lang po kasi ang alam namin na kaibigan ninyo." Ngiting sabi ni Luke
"Yeah, isa pa hard working talaga yan. Di kayo mag sisisi. Ayaw niya kasing tangapin ang alok ko na sa company ko mag trabaho." Ngiting sabi ni Larry na ikinailang ko.
Tahimik lang ako na kumain habang nag uusap si Luke at Larry tungkol sa negosyo.
Tapos na akong kumain. Mauna na po ako sa inyo. May meeting pa ako maya-maya. Lex ikaw na ang bahala ah take out mo na lang ang matitira mo." Sabi ni Luke.
"Okay po. Thank you po ulit." Ngiting sabi ko.
"Wala yun ano ka ba. See you on monday. Chat chat na lang muna." Ngiting sabi niya bago tuluyang umalis.
"Congrats nga pala." Sabi ni Larry na tinignan ako na ikinailang ko na naman.
"T-thank you." Naiilang na sabi ko.
"Baka sa susunod malaman ko boy friend mo na si Luke. Chick boy yun." Natatawang sabi niya.
"O.M.G! Ako jojowain ni Luke? Nag papatawa ka ba?" Inis na sabi ko.
"Nag date na nga kayo agad oh! Kakahire lang sayo diba?" Seryosong sabi ni Larry.
"Hindi ito date." Mahinahong sabi ko.
"Oh really?" Sarkastikong sabi niya.
"Ano bang pakelam mo? Date man to o hindi wala kang pakelam!" Kunot noong sabi ko.
"Ganyan ka na talaga kadesperada? Ibebenta mo ang puri mo magka trabaho lang?" Nang iinsultong sabi niya.
"Yes, oo desperada ako na magkatrabaho. Pero hinding hindi ko ibebenta ang puri ko para lang doon. Pinag hirapan ko yun." Galit na sabi ko.
"Kung wala ka nang sasabihin mauna na ako. Hindi mo ko ganun kakilala kaya wala kang Karapatan para husgahan ako!" Galit parin na sabi ko.
Umalis na ako agad sa fast food chain na iyon at nag tungo na agad sa condo.
"Bii may work na ako. Secretary ako pero malilipat din ako sa marketing department once na may bakante na." Chat ko kay Theo.
"Masaya ako para sayo bii." Reply niya.
"Tawagan na lang kita mamaya ah. Mamimili lang ako ng mga damit para sa monday ready na ako." Paalam ko sa kay Theo.
"Okay, mag ingat ka huh. Tawagan mo ko pag naka uwi ka na. Love you bii." Huling chat ni Theo.
Nag shower lang ako at nag palit ng damit at umalis patungo sa mall.
Gabi na ng matapos akong mamili at nakapag pahinga sa coffee shop.
Habang nag kakape ako ay saka ko lang naisip na icheck ang phone ko.
"Sorry sa mga nasabi ko kanina."
"Alex, asan ka?"
"Alex, mag reply ka naman."
"Sorry na sa mga nasabi ko sayo. Ayoko lang na mapahamak ka. Nasa poder kita eh. Mag reply ka naman."
"Sagutin mo naman ang tawag ko. Nasaan ka? Nag aalala ako." Mga chat ni Larry.
Mag rereply pa lang ako nang bigla siyang tumawag.
"Thank god at sumagot ka na!" Bungad ni Larry.
"Ano ba yun?! Bakit?" Kunot noong tanong ko.
"Nasaan ka? Kanina pa kita tinatawagan di ka sumasagot." Tanong niya.
"Nag bebenta ako ng puri!" Sarkastikong sabi ko.
"Look. I'm so sorry sa mga nasabi ko kanina. Sorry talaga. Nag alala lang naman ako." Seryosong sabi niya.
"K. Nasa mall lang ako ngayon. May mga binili lang ako." Tipid na sagot ko.
"Sige pupuntahan kita." Sabi niya.
"Pauwi na din ako." Sabi ko.
"Basta hintayin mo ako. Susunduin kita." Sabi niya saka ibinaba ang phone.
Nag hintay din ako ng ilang minuto bago siya dumating.
"Lex." Tawag niya sa akin.
"Tara kain tayo ng dinner." Sabi niya.
"No thank you. Wala akong gana." Walang ganang sabi ko.
"Sige na please? Sorry na kanina." Sabi niya.
"Okay na yun. Wala lang yun." Seryosong sabi ko.
"Isa pa wala naman akong pakelam sa iniisip mo tungkol sa akin." Kunot noong sabi ko pa.
Tumayo na ako at nag lakad ng hawakan niya ang braso ko at pinasunod sa kanya.
Nang makarating kami sa parking lot ng mall ay agad niya akong isinakay sa kanyang sasakyan.
"WTF!" Galit na sabi ko.
"Mag dinner tayo. Sa ayaw at sa gusto mo." Ma-awtoridad na sabi niya.
Nanahimik na lang ako sa kanyang sasakyan dahil wala na rin naman akong magagawa.
"Saan ba tayo puputa? Bakit parang ang layo na natin?" Takang tanong ko.
"Sa tagaytay. Gusto ko ng bulalo." Sabi niya.
Muli na naman akong nanahimik sa kanyang sasakyan at nag laro na lang ako sa aking phone nang mag chat si Theo.
"Hindi ka pa ba tapos na mamili bii? Ginabi ka na ah." Tanong niya.
"Tapos na bii. Kaso nag aya yung kasama ko sa condo na mag dinner sa tagaytay kaya sumama ako." Pag sisinungaling ko.
"Okay? Ang layo niyo naman mag foodtrip. Tawagan mo ako pag nakarating ka na doon." Reply ni Theo.
"Sure thing bii." Huling reply ko.
"Boy friend mo?!" Kunot noong tanong ni Larry na hindi ko sinagot.
Nang makarating kami sa tagaytay ay nag tungo agad kami sa restaurant kung saan favorite daw ni Larry. Nag order agad siya ng pagkain pagka rating namin doon.
"May gusto ka pa ba?" Tanong ni Larry na inilingan ko lang.
Habang nag hihintay sa order niya ay nag chat ako kay Theo.
"Andito na ako sa tagaytay bii." Chat ko na may kasamang picture.
"Good. Tawagan mo ako pag tapos ka nang kumain. May tinatapos lang ako na project. Presentation ko na bukas." Reply niya.
"Okay bii. Good luck." Huling reply ko kay Theo.
Nang dumating na ang pagkain ay agad nang kumain si Larry at sinadukan niya din ako ng pagkain. Talaga nga namang masarap ang pagkain dito.
Nang matapos kami na kumain ay nag paalam saglit si Larry na pupunta siya ng CR.
Pagka alis niya ay agad ko nang tinawagan si Theo.
"Hello bii? Kakatapos ko lang na kumain. Tapos ka na ba?" Sabi ko kay Theo.
"Hindi pa. Konti na lang matatapos na din naman ako bii." Sagot niya.
"Sige na. Di na muna kita aabalahin. Miss na kita bii." Naluluhang sabi ko.
"Miss you too bii. Love you." Sabi ni Theo.
"Love you too bii. Chat chat na lang mamaya." Sabi ko bago tuluyang ibaba ang tawag.
"Ang sweet mo pala sa boy friend mo?" Kunot noong sabi ni Larry.
"Hindi ko siya boy friend pwede ba!" Iritang sabi ko.
"Come on, nag I love you ka tapos di mo naman pala boy friend." Sarkastikong sabi niya.
"Pakelam mo ba? May gusto ka ba sa akin?!" Iritang sabi ko.
"Oo! Gusto kita! Gustong gusto." Sabi ni Larry.
"You're impossible!" Natatawang sabi ko na tumayo na sa kinauupuan ko at patakbong lumakad palabas
Nang nasa labas na ako ay nag papara ako ng taxi ngunit walang humihinto.
Nagulat ako na may humawak sa aking braso.
"S**t! Ang nasabi ko dahil sa gulat.
" Sorry kung nagulat ka sa sinabi ko pero totoo ang sinabi ko at hindi ko na babawiin pa yun. Gusto kita Alexandra Margarette Arevalo Escudero.
"T**g i*a naman Larry! Kahapon lang tayo nagka kilala!" Sigaw ko.
"Kahapon mo lang ako nakilala pero ikaw matagal ko ng kilala." Seryosong sabi ni Larry.
"Huh?" Kunot noong sabi ko.
"Ako yung lalaking ipinipilit ng mga magulang mo na pakasalan mo." Seryosong sabi ni Larry.
"B**l s**t! Ang tanging nasabi ko.
"So literally ako ang fiancee mo. So halika na sa sasakyan at uuwi na tayo." Sabi niya na hinila ako patungo sa kanyang sasakyan.
Tulala lang ako ng maka sakay sa sasakyan.
"Ayoko na mag lihim sayo kaya sinabi ko na. Alam din ng parents mo na nasa akin ka kaya hindi ka na nila hinahanap." Sabi niya.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako at inabutan niya ako ng panyo na hindi ko pinansin.
"Kaya wag kang mag taka kung bakit nag seselos ako dahil may karapatan ako." Seryosong sabi niya.
"Wala kang karapatan." Walang ganang sabi ko.
"Fiancee mo ako Marga!" Sigaw niya na iginilid ang sasakyan.
"Ikaw lang ang nakaka alam nun! Isa pa hindi nga ako pumayag hindi ba?!" Sigaw ko rin.
Hindi ko namalayan na sa harap pala ng bahay kami huminto. Bumaba si Larry at binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan at pina baba ako.
Nang makababa ako ay hinila niya ako papasok sa malaking bahay na iyon.
"Ano ba! Nasasaktan ako!" Sigaw ko.
"Sumigaw ka hanggang gusto mo wala namang makakarinig sayo!" Kunot noong sabi niya.
"Bakit ba tayo nandito?" Umiiyak na tanong ko.
"Mag uusap tayo!" Sigaw niya.
Nang makapasok kami sa bahay ay iniupo niya ako sa sofa na nasa sala at lumuhod siya sa harap ko.
"I'm so sorry. Wag ka nang umiyak." Sabi niya na pinunasan ang luha ko.
"Ano bang gusto mo?" Lumuluhang sabi ko.
"Ikaw. Ikaw ang gusto ko." Seryosong sabi niya.
"Naging makasalan ba ako nung nakaraang buhay ko kaya ako pinaparusahan ng ganito?" Umiiyak parin na tanong ko.
Itutuloy....