ALEX's POV
"Ano bang gusto mo?" Lumuluhang sabi ko.
"Ikaw. Ikaw ang gusto ko." Seryosong sabi niya.
"Naging makasalan ba ako nung nakaraang buhay ko kaya ako pinaparusahan ng ganito?" Umiiyak parin na tanong ko.
"Ano bang ayaw mo sakin?" Mahinahong tanong ni Larry.
"Bakit? Ano din bang gusto mo sa akin?" Kunot noong tanong ko.
"Margarette! Sabihin mo kung anong ayaw mo para malaman ko." Seryosong sabi niya.
"Sinabi ko na sayo kahapon diba?! Ayoko na nang dinidiktahan ako ng mga gagawin ko!" Inis na sabi ko.
"Pumayag ka lang na pakasalan ako Alex pangako hinding hindi mo na mararanasan yan." Seryosong sabi ni Larry.
"Nag papatawa ka ba?!" Natatawang sabi ko.
"No! Alex, I swear gusto kita. Hinding hindi kita pababayaan. Hindi ko hahadlangan ang mga gusto mo. Tutulungan kita na makamit ang mga pangarap mo." Seryosong sabi niya.
"Bakit ako, Larry? Ni hindi mo naman ako kilala." Naluluhang sabi ko.
"Ako ang hindi mo kilala pero ikaw kilala ko matagal na. Nang makita at makausap kita kahapon mas naka sigurado ako na ikaw ang babaeng nararapat sa akin." Seryosong sabi niya na niyakap ako.
"WTF! Bitawan mo ko!" Sigaw ko.
"Subukan natin kung mag wowork tayo. Please Margarette." Naluluhang sabi niya.
"Kilalanin natin lalo ang isa't isa. Bigyan mo ako ng chance." Lumuluhang sabi niya na ikinatulala ko.
Napapikit na lang ako nang halikan niya ako sa aking labi at mas ikinagulat ko na gumanti ako sa mga halik niya sa akin.
Kapwa kaming humihingal ng mag bitaw ang aming mga labi.
"Let's work this out, Margarette." Seryosong sabi niya na niyakap ako.
"One month!" Sabi ko.
"What?" Takang tanong niya.
"Let's try for just one month! Pag hindi tayo nag work aalis ako sa condo mo." Seryosong sabi ko.
"Gagawin ko ang lahat para mag work tayo. Thank you." Ngiting sabi niya na niyakap na naman ako.
"Paano ang boy friend mo?" Seryosong tanong niya.
"Sino bang nag sabi na may boy friend ako?" Takang tanong ko.
"Yung kausap mo lagi sa phone mo? Yung sinasabihan mo ng I love you?" Seryosong tanong niya.
"O.M.G! Si Theo yun! Best friend ko!" Natatawang sabi ko.
"So wala ka talagang boy friend?" Ngiting sabi niya.
"Mayroon." Taas kilay na sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
"Yung sinabihan ko na itry namin ng one month kung mag wowork ba." Nang aasar na sabi ko.
"Fiancee mo ako!" Natatawang sabi niya.
"Di ka pa nga nag popropose fiancee na kita agad?" Natatawang sabi ko.
"Thank you for giving me a chance." Naluluhang sabi niya na hinalikan ako.
Hindi ko maintindihan pero gusto ko ang mga halik niya na sinasabayan ko. Halik na bumaba sa aking leeg.
"Uhhhhmmm" Ungol ko. Nakaramdam ako nang kakaibang init sa ginawang iyon ni Larry.
"I want you Margarette." Bulong niya sa aking tenga.
"Stop it, Larry." Sabi ko.
"Why?!" Takang tanong niya.
"Hindi pa ako handa." Naluluhang sabi ko.
"Okay. Mag hihintay ako." Sabi niya na hinalikan ako sa noo.
Nag timpla ng kape si Larry habang naka upo lang ako sa sala. Nagulat ako ng mag vibrate ang aking phone.
"Girl may lakad bukas ang buong team natin. Sama ka? Para magka kilalanan na din kayo." Chat ni Luke.
"Who's that?" Sabi ni Larry.
"Si Luke. Inaaya ako na sumama sa lakad ng buong team namin bukas." Sabi ko.
"Ohhh okay. Every friday talaga lumalabas sila ng team niya." Sabi ni Larry.
"Pwede ba akong sumama?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman. Basta update mo lang ako." Ngiting sabi niya.
"Thank you." Ngiting sabi ko.
"Basta't wag mong kalimutan na mag update sa akin." Sabi ni Larry na hinalikan ako sa noo.
"Oo na po sir." Ngiting sabi ko na hinalikan siya sa labi na ikinagulat niya.
"Hindi pa ba tayo babalik sa condo? Maaga ka pa bukas diba?" Tanong ko na lang.
"Tinatamad akong mag drive." Walang ganang sabi niya.
"Tara na." Ngiting sabi ko.
"Bakit? Saan tayo pupunta?" Takang tanong niya.
"Amina ang susi ako na ang mag dadrive." Sabi ko.
"No. Maaga na lang tayong umalis bukas." Seryosong sabi niya.
"Sige na namimiss ko na din mag drive." Sabi ko.
"Seryoso ka ba?" Tanong niya.
"Oo nga. Wala ka bang tiwala sa akin?" Kunot noong tanong ko.
"Oo na sige na." Alalang sabi niya na iniabot sa akin ang kanyang susi.
May tinawagan lang si Larry saka siya sumakay sa sasakyan at ini-start ko na ang kotse niya.
"So marunong ka palang mag drive?" Tanong niya.
"Yeah. Hilig ko na talaga ang mga sasakyan bata pa lang ako." Ngiting sabi ko.
"Umidlip ka na muna, gisingin na lang kita pag nasa condo na tayo." Sabi ko.
"Ayoko." Sabi niya.
"Sige na halata namang inaantok ka na." Sabi niya.
"Pero...
"Marami pa naman tayong oras para makapag usap hindi ba?" Ngiting sabi ko na tinanguan niya.
Ilang minuto lang ay nakaidlip na nga si Larry kaya binilisan ko na ang pag mamaneho.
Nang makarating kami sa condo building ay ginising ko na siya matapos ko na maipark ang kanyang kotse.
"Larry, gising ka na andito na tayo." Malambing na sabi ko.
"Sorry baby, natulog lang ako buong byahe." Gulat na sabi niya.
"Okay lang ang importante naka tulog ka." Ngiting sabi ko.
"Tara na sa unit natin para makapag pahinga na tayo." Sabi ko pa na tinanguan niya.
Kinuha ko lang ang mga pinamili ko sa likod ng kotse niya saka ini-lock iyon at ibinigay ang susi sa kanya at inagaw niya ang mga pinamili ko at siya na ang nag bitbit.
Nang makarating kami sa aming unit ay naupo muna siya sa sofa. Nag lagay naman ako ng fresh milk sa baso at saka ininit sa microwave bago ipainom sa kanya.
"Ganito ka ba talaga kaasikaso?" Tanong niya.
"Yup! Sa mga malalapit lang sa akin." Ngiting sabi ko.
"Sige na papasok na ako sa kuwarto ko. Mag pahinga ka na din pag tapos mo niyan." Sabi ko pa.
"Okay, baby. Good night." Sabi niya.
"Good night." Sabi ko naman na naglakad na papunta sa kuwarto ko ng pigilan niya ako.
"Where's my kiss baby?" Ngiting tanong niya.
"Nakakarami ka na huh!" Natatawang sabi ko na hinalikan siya.
Nang makapasok ako sa aking kuwarto ay nag halfbath na muna ako at nag bihis ng pajama's.
"Bii may kwento ako." Chat ko kay Theo.
"Ano yan? Sa saturday afternoon nasa makati ako. Magkita na lang tayo." Reply ni Theo.
"Okay bii. Sige na matutulog na ko. Goodnight bii. Love you." Sabi ko.
"Okay goodnight bii. Love you." Huling chat ni Theo na hindi ko na nireplyan.
Naka tulog naman ako agad nang gabing iyon at nagising ako ng maaga kung kaya naisipan ko na mag luto na ng breakfast.
Ham, bacon, at egg lang ang iniluto ko at nag prepare ako ng maraming garlic para sa gagawin ko na garlic bread. Nang makapag prito ako ay bumaba ako sa conveniece store sa baba lang ng condo upang bumili ng loaf bread at butter dahil wala nun sa unit namin ni Larry.
Nang maka pamili na ako ay agad na akong bumalik sa unit at gumawa ng garlic bread.
Nang matapos ako ay bumalik ako sa aking kuwarto at nag shower. Nang matapos ako lumabas na ako ulit upang mag handa ng kape. Nag shorts lang ako at white shirt dahil wala naman akong lakad ng umagang iyon. Tapos ko ng ihanda ang lamesa ng lumabas si Larry sa kanyang kuwarto.
"Good morning baby. Ang aga mo naman." Sabi ni larry.
"Good morning din. Nasanay lang talaga ako na maagang magising." Ngiting sabi ko.
"Tara breakfast ka na muna bago ka umalis." Sabi ko pa.
"Nag handa ka na naman ng pagkain?" Sabi niya.
"Yup. Actually ipinag handa na din kita ng snacks mo medyo naparami kasi ang gawa ko." Natatawang sabi ko.
"Baka masanay ako baby." Sabi niya.
"Okay lang, willing naman akong gawan ka lagi ng ganito." Ngiting sabi ko.
"Thank you baby." Ngiting sabi ni Larry na hinalikan ako sa noo.
"Tuloy ka ba mamaya sa lakad mo?" Tanong ni Larry.
"Yup. Nasabi ko na din kay Luke." Sagot ko.
"Oh okay." Sabi niya na sumubo ng garlic bread.
"Why? Di mo na ba ako papayagan?" Tanong ko.
"No, baka lang magulat ka mamaya nasa bar din ako." Natatawang sabi niya.
"Why?" Kunot noong tanong ko.
"Sa bar ko kasi laging nag pupunta ang team ni Luke. Tapos tuwing friday lang din ako nag pupunta sa bar ko kasama ang mga college friends ko." Paliwanag niya.
"Ohhh. Okay." Sabi ko.
"Ipakikilala kita sa mga friends ko later." Ngiting sabi niya.
"Larry, ayokong malaman ng mga katrabaho ko kung sino talaga ako." Alalang sabi ko.
"Don't worry baby, ako ang bahala." Sabi niya.
Masaya kaming kumain ng breakfast at ng matapos ay nag ligpit na ako ng pinag kainan namin at nag paalam na rin siya na pupunta na siya sa kanyang opisna.
"Update mo ako later okay?" Sabi niya na tinanguan ko.
"Padadalhan kita ng lunch later wag ka ng laging mag fastfood." Sabi ko.
"Okay, baby. Ngayon ko lang din naman kasi na enjoy ang pagkain ng fastfood." Natatawang sabi niya.
"Alis na ko baby. Chat kita pag office na ako. Hintayin ko ang lunch na ipapadala mo." Sabi niya na hinalikan na ako.
"Okay mag ingat ka." Sabi ko na niyakap siya.
Ganito pala ang feelings nang may boy friend. Natatawang sabi ko sa sarili ko.
Nang makaalis si Larry ay nagligpit at nag hugas na ako ng mga pinagkainan namin.
Nang matapos ako ay naisipan ko nang mag punta sa super market na malapit lang din sa aming condo.
Beef sinigang ang naisipan ko na iluto. Nang makapamili na ako ay may nadaanan ako na nag titinda ng mga fresh fruits at veggies kaya namili na rin ako ng mga iyon.
Nang maka balik ako sa condo ay pinalambot ko na agad ang baka sa presure cooker at saka ako nag salang ng sinaing sa rice cooker.
Habang nag sasaing at nag papalambot ng karne ay inihanda ko naman ang mga sangkap para sa lulutuin ko na ulam.
"See you later girl." Chat ni Luke.
"See you." Reply ko naman.
"Anong ginagawa ng baby ko?" Chat ni Larry.
"Nag pe-prepare na ako ng lunch." Reply ko kasama ng picture ng ginagawa ko.
"Okay baby. Meeting muna ako. Baka 11:30 tapos na ako uuwi na lang ako at diyan mag lalunch para sabay tayo." Reply niya.
"Sure ka ba?" Tanong ko.
"Yes, baby. Di na din ako babalik dito sa office. Tapos na ang meeting ko ngayong araw kaya ang secretary ko na ang bahala dito." Reply niya.
"Okay, sige. Hintayin na lang kita." Huling reply ko kay Larry bago itago ang phone ko.
Nang lumambot na ang karne ay luto na rin ang aking sinaing. Inayos ko na muna ang aking mga pinamili at naisipan ko na gumawa ng pineapple juice.
Nang matapos ko na gumawa ng pineapple juice ay sinimulan ko na na lutuin ang sinigang.
Nang matapos ako na mag luto ay nahiga na muna ako sa aking kuwarto at nagbrows sa aking mga social media accounts. Hindi ko namalayan na naka idlip na pala ako. Nagising ako na kumakatok na si Larry sa pinto ng aking kuwarto.
"Hey, sorry naka tulog pala ako." Nahihiyang sabi ko.
"Okay lang baby, alam ko maaga kang nagising." Ngiting sabi niya na hinalikan ako.
"Initin ko na muna yung pagkain." Sabi ko at pinigilan ako ni Larry.
"Okay na baby nainit ko na. Naka hain na sa lamesa." Sabi ni Larry.
"Oh, thank you." Sabi ko.
Naupo na kami sa lamesa at kumain.
"Di ka na talaga babalik sa office mo?" Tanong ko.
"Nope. Gusto kong mag spend ng time sa fiancee ko." Ngiting sabi niya.
"Ohhhh, ang swerte naman ng fiancee mo. Nag lalaan ka talaga ng time for her. Sana all." Natatawang sabi ko.
"Why? Ayaw mo ba?" Kunot noong tanong niya.
"Huh? Sino ba kasing fiancee mo ang sinasabi mo?" Natatawa paring sabi ko.
"Ikaw lang ang fiancee ko Marga." Inis na sabi niya.
"Hey, relax! Sorry wala naman kasi akong singsing at hindi ka naman nag propose kaya wala akong idea." Nang aasar na sabi ko pa.
Hindi na nag salita si Larry hanggang sa matapos siyang kumain. Tumayo naman ako at kinuha ang ginawa ko na pineapple juice at nilagyan ang baso niya.
"Sorry na. Nag bibiro lang naman ako kanina. Di ko na uulitin." Sabi ko na di pinansin ni Larry.
Nang matapos siya ay pumasok na siya sa kanyang kuwarto at nag ligpit naman ako ng mga pinagkainan namin. Nang matapos ako na mag ligpit at mag linis ay pum7asok na rin ako sa aking kuwarto. Nag suot ako ng earpods at nakinig ng music at gusto ko na matulog ulit.
Nag joke lang naman ako kanina. Hayyy di na nga lang ako mag sasalita pag andiyan siya. Bulong ko.
Ilang minuto din akong nakinig sa music hanggang sa makatulog ulit.
6pm na nang magising ako.
S**t! Ang haba ng tulog ko. Napabulong ako.
Agad na akong bumangon at lumabas patungo sa kusina upang uminom muna ng tubig ng maabutan ko si Larry sa kusina.
"Mag dinner na tayo." Seryosong sabi niya.
"Mamaya na lang ako." Walang ganang sabi ko.
"So hindi ka kakain dito?" Tanong ni Larry.
"Hindi pa kasi ako gutom." Maang ns sabi ko.
Nagulat na lang ako ng iligpit niya bigla ang mga plato sa lamesa at itapon sa basurahan ang pasta.
"WTF! Anong ginagawa mo?" Gulat na sabi ko.
"Lahat na lang ayaw mo!" Sigaw niya.
"Anong ayaw ko? May sinabi ba ako na ayaw ko? Ang sinabi ko lang naman hindi pa ako gutom!" Sigaw ko din.
"Alam mo hindi ko alam kung paano kita pakikisamahan! Kausapin mo ako ng maayos hindi yung basta ka nagagalit ng hindi ko alam!" Sabi ko pa.
"Kanina nung sinabi ko na fiancee kita ayaw mo hindi ba?" Kunot noong sabi niya.
"Larry nag bibiruan lang tayo kanina! Kung hindi ko gusto na fiancee mo ako edi sana wala na ako rito!" Paliwanag ko.
"Napipilitan ka lang, kasi wala kang choice dahil wala kang matitirahan." Walang ganang sabi niya.
"O.M.G! Talagang napaka baba nang tingin mo sa akin ano? FYI! Kaya kong humanap ng ibang matutuluyan!" Galit na sabi ko na lumakad palabas ng condo.
Agad akong sumakay sa elevetor pababa at nagpara ng taxi. Bumaba ako sa mall at bumili ng chocolate cake. Nag lakad lakad lang ako nang makita ko ang oras 8pm na.
Siguro naman wala na siya sa condo. Maka uwi na nga bakit ba kasi naiwan ko pa ang phone ko! Inis na bulong ko sa aking sarili.
Nang makalabas ako ng mall ay agad akong sumakay ng taxi at nagpahatid sa condo.
Nang makarating ako sa unit ay inilagay ko ang binili ko na cake sa ref at saka nag punta sa aking kuwarto.
Agad na din akong naligo at nag bihis. Black fitted dress ang suot ko at kinulot ko ang dulo ng aking mahabang buhok at saka nag lagay ng light make up.
Nang matapos ako ay kinuha ko na ang phone ko na napakaraming messages at missed calls.
"Nasaan ka?"
"Baby, mag usap naman tayo. Sagutin mo na ang tawag ko oh. Hindi ko alam saan kita hahanapin."
"Baby nag aalala na ako." Mga chats ni Larry na hindi ko nireplyan dahil tumatawag na siya.
"Thank god! Sumagot ka na." Sabi niya.
"Nasaan ka? Pupuntahan kita." Sabi niya pa.
"Dito sa condo. Kakatapos ko lang mag ayos papunta na ako sa bar na sinabi ni Luke." Walang ganang sabi ko.
"Hintayin mo ako, babalik ako diyan susunduin kita." Sabi niya.
"Alam mo hindi na kailangan. Okay ako kaya ko." Inis na sabi ko.
"Okay, hintayin na lang kita dito. I'm sorry." Sabi niya at binaba ko naman ang tawag niya.
"Girl nasaan ka na? Kakarating lang namin dito sa bar." Chat ni Luke.
"OTW na ako girl. Nag aabang na ako ng taxi." Reply ko.
Nang makasakay ako ng taxi ay agad na akong nagpa hatid sa bar kung nasaan sina Luke. Ilang minuto din ang naging byahe ko bago ako nakarating doon.
"Girl dito na ako sa labas." Chat ko kay Luke.
"Okay girl. Wait lang puntahan kita." Reply naman niya.
Nag hintay lang ako sandali at lumabas na si Luke upang sunduin ako.
"OMG! Ang ganda ganda mo naman girl." Ngiting sabi ni Luke na niyakap ako.
"Gosh! Thank you." Natatawang sabi ko.
"Let's go na. Pakikilala na kita sa buong team." Sabi niya na tinanguan ko.
Nang makapasok kami ay nag tungo kami sa VIP room ng naturang bar. Maingay at mausok sa labas ng VIP room na iyon kaya naka hinga ako ng maayos ng maka pasok kami sa loob.
"Ehemm. Hello guys. Meet Alexandra Margarette Arevalo. Ang bago kong assistant." Ngiting pagpapakilala sa akin ni Luke.
"Hello, guys. Alex na lang. Kinagagalak ko kayong makilala. Sana ay maging mag kakaibigan tayo." Ngiting sabi ko.
"Jayson nga pala, Alex. Single. Single ka din ba?" Ngiting sabi ng isa na makikipag kamay sa akin.
"Hey! Hey! Hey! Russel nga pala. So single ka pa nga?" Sabi naman ng isa.
"Hello guys. Ahm sorry pero hindi ako single." Ngiting sabi ko.
"Ouch! Buti nga sa inyo." Natatawang sabi ni Luke.
"Okay, let's drink na guys." Sabi ng isang babae na naroon.
"Sandra nga pala name ko miss Alex." Sabi niya.
"Nice meeting you Sandra." Ngiting sabi ko.
Habang nag iinom ay masayang nag kukwentuhan ang mga kasama ko.
"Girl may problema ka ba?" Tanong ni Luke.
"Wala naman may iniisip lang ako." Ngiting sabi ko na tinanguan niya.
Nang kukwentuhan kami ni Luke ng mag vibrate ang phone ko.
"Baby mag usap naman tayo. Labas ka sa VIP room hintayin kita." Chat ni Larry.
Nag paalam ako kay Luke na lalabas lamang muna ako sandali dahil may kaibagan ako na nag hahanap sa akin at tinanguan naman niya ako.
Nang maka labas ako ng VIP room ay narinig ko na naman ang ingay ng tugtog at sigawan ng mga tao. Nagulat ako ng may humaltak sa akin.
"WTF!" Sigaw ko.
"Baby, sorry na sa mga nasabi ko." Naluluhang sabi ni Larry.
"Are you drunk?" Kunot noong tanong ko.
"Naka inom ako pero di pa ako lasing." Sabi niya na niyakap ako.
Nagulat ako ng hilahin niya ako sa isa pang VIP room.
"Hey, dude sino yang kasama mo?!" Tanong ng isang lalaki.
"Hey, guys! Meet my girl friend Alexandra Margarette." Pag papakilala sa akin ni Larry.
"OMG! She's so pretty." Sabi ng isang lalaki.
Pilit ang ngiti ang naibigay ko sa kanila.
"Alex, alam mo bang ikaw ang kauna unahang babaeng ipinakilala niyan samin." Natatawang sabi ng isa pang lalaki.
"Mag ingat ka, napaka possisive niyang boyfriend mo." Natatawang sabi naman ng isa pa.
"Okay enough guys. Baka lalong magalit ang girlfriend ko." Inis na sabi ni Larry.
"Okay, pero yung shot mo kanina pa nag aantay sayo." Taas kilay na sabi ng isa.
"Shut up. Ivan! Inis na sabi ni Larry na kinuha ang baso. Nagulat siya ng agawin ko sa kanya ang baso ng alak na hawak niya at inumin ang laman niyon.
"Uuwi na ko, Larry." Inis na sabi ko.
"Wait lang baby. Siya nga pala si Ivan, Ken, James at Pat. Mga kaibigan ko simula mga bata pa kami." Sabi ni Larry.
"Hi, Alex. Hintayin mo saglit yung best friend ni Larry. Malapit na yun." Paki usap ni Pat.
"Upo na muna tayo baby." Bulong ni Larry.
"Mag dadrive ka ba pauwi?" Tanong ko kay Larry na tinanguan niya.
"Tigilan mo na yang mag inom mo." Inis na sabi ko sa kanya.
"Dude, shot!" Sigaw ni Ivan kay Larry at ininom niya naman.
"Susi mo nasaan?" Inis na tanong ko.
"Huh? Bakit?" Takang tanong ni Larry.
"Asan ang susi mo?" Galit na sabi ko na agad namang ibinigay ni Larry ang susi ng kotse niya.
"Mag taxi ka pauwi! Uminom ka hanggang gusto mo!" Galit paring sabi ko kay Larry.
"Baby, sige na hindi na." Sabi ni Larry.
"Bahala ka na nga!" Inis na sabi ko na ibinalik sa kanya ang susi ng kotse niya at tumayo na ako sa aking kinauupuan ng pumasok si Luke na ikinagulat ko.
"Oh girl nandito ka pala." Ngiting sabi ni Luke na nakitang hawak ni Larry ang kamay ko.
"Oh, you know each other?" Tanong ni James na tinanguan ni Luke.
"So change of heart ka na ba ulit?" Natatawang tanong ni Ivan kay Luke.
"Shut up dude!" Kunot noong sabi ni Luke.
"Teka anong nangyayari?" Takang tanong ko.
"Oh, Alex si Luke nga pala ang bestfriend ni Larry." Sabi ni Ivan.
"Luke si Alex girlfriend daw ni Larry." Sabi pa ni Ivan.
"WTF! Seryoso ba?" Gulat na sabi ni Luke.
"Oo dude." Ngiting sabi ni Larry.
"OMG! First time to ah." Natatawang sabi ni Luke.
"Tara na ulit sa room natin girl. Baka hanapin na tayo ng mga kasama natin." Sabi ni Luke sa akin na tinanguan ko.
"Alagaan mo dun girlfriend ko dude ah!" Sabi ni Larry kay Luke.
"Oo na. Ako na ang bahala sa kanya." Natatawang sabi ni Luke.
"Guys, kitakits na lang bukas ng lunch okay?" Bilin ni Luke sa mga kaibigan niya.
Nang makabalik kami sa room namin ay ininom ko agad ang alak na iniabot sa akin ni Jayson.
"Jusme ka girl! Magagalit sa akin nito ni Larry! Bulong ni Luke.
" Hayaan mo nga siya!" Inis na sabi ko.
"So magka ibigan pala kayo." Tanong ko.
"Yeah! Since elementary days pa namin." Sabi niya na tinanguan ko lang.
"Anong nangyari? Nag away kayo noh?' Sabi ni Luke.
"So alam ni Larry kung ano ka talaga?" Tanong ko.
"Of course girl! Best friend ko yun eh. Acually lahat ng tao sa VIP room na yun alam nila. Mga kababata ko sila." Paliwanag niya.
"Tinanggap mo ba ako sa company dahil kay Larry?" Naluluhang tanong ko.
"Nope. At first di ko alam na ikaw si Marga na fiancee niya. Wala akong idea kung sino ka nung ini-interview kita." Sabi niya.
"So paano mo nalaman?" Tanong ko.
"Tinadtad lang naman ako ni Larry ng chats na puro mura." Natatawang sabi niya.
"WTF!" Natatawang sabi ko.
"Girl, be carefull napaka possisive ng fiancee mo. Nagseselos yun kahit kanino." Alalang sabi niya.
"I know. Ang sakit niya ngang mag salita eh." Inis na sabi ko.
"Hayaan mo pag sasabihan ko siya." Sabi ni Luke.
Isa-isa nang nagpaalam ang mg a kateam namin habang nag kukwentuhan kami ni Luke. Nang maka alis na ang lahat ay nag bayad na si Luke at hinaltak ako palipat sa kabiang VIP room.
"Ang tagal niyo namang nakabalik." Sabi ni Ivan.
"Oo nga, kanina pa ayaw uminom ni Larry eh. Sagot mo na isang bote pa Luke ah." Sabi ni Pat.
"Sure." Ngiting sabi ni Luke.
"Okay guys ituloy niyo na yan uuwi na ko pagod na ko. BTW nice meeting you all." Ngiting sabi ko.
"Uuwi na din ako. Sagot ko na to mag order na kayo kung anong gusto niyo. ako na ang bahala." Sabi ni Larry.
Hindi ko na hinintay si Larry at lumabas na ako matapos ko na magkapag paalam.
Habang nag lalakad ako palabas ng bar ay may bumangga sa akin na lalaki.
"Oh sorry miss beautiful." Sabi ng lalaki.
"Anong name mo? Ngayon lang kita nakita dito. Wala ka bang kasama? Join ka na lang sa amin." Sunod sunod na sabi ng lalaki.
"No thanks. Excuse me." Inis na sabi ko.
"Pahard to get ka naman. Tara na!" Sabi ng lalaki na hinawakan ang kamay ko.
Nagulat na lang ako ng napaatras siya.
"Wag mong hahawakan ang girl friend ko!" Sigaw ni Larry.
"Larry, tama na. Halika na." Sabi ko na lang kay Larry na hinila siya palabas.
Nang malapit na kami sa exit ng bar ay hinaltak ng lalaki ang braso ko.
"Hey! Miss beautiful iwanan mo na yang jowa mo at sumama ka na sakin. Paliligayahin kita." Sabi ng lalaki na hahalikan na ako.
Agad ko naman siyang sinapak at tinadyakan na ikinagulat ni Larry.
"What did you say?!" Inis na sabi ko.
Tumakbong palapit sa akin ang lalaki na balak gumanti sa ginawa ko sa kanya na agad ko namang naiwasan at nasapak ko na naman siya.
"Come on! Di man lang ako pag papawisan sayo." Natatawang sabi ko.
At kinaladkad na palabas ng bar ang lalaki.
"I-ban niyo sa lahat ng bar ko ang lalaking iyon! Rinig kong sabi ni Larry.
Lumabas na ako ng bar dahil hindi ko na kaya ang nalalanghap ko na usok mula roon.
Papara na sana ako ng taxi ng yakapin ako ni Larry mula sa likuran ko.
"Baby wag ka nang magalit sa akin. Sorry na di ko na uulitin." Sabi niya.
"I swear baby. Pipilitin ko na baguhin ang ugali ko na iyon. Please wag ka nang magalit sa akin?" Dagdag niya pa.
"Fine! Sige. Pero pag inulit mo pa lalayasan kita." Sabi ko na tinanguan niya.
Niyakap lang ako ni Larry at hinalikan sa noo. Napahinga naman ako ng malalim dahil nahihirapan na akong huminga.
"Are you okay baby?" Tanong niya.
"Nag i-smoke ka ba?" Balik na tanong ko.
"Yeah, why?" Kunot noong sabi ni Larry.
"May hika ako, Larry." Nahihirapang sabi ko.
"S**t! Sorry hindi ko alam." Alalang sabi niya.
"Tara na sa hospital." Tarantang sabi niya pa.
"Kumalma ka nga! Umuwi na tayo. Pumara ka na ng taxi." Sabi ko.
"Kaya kong mag drive." Sabi niya.
"No! Hindi ako sasakay sa sasakyan mo kung ikaw ang mag da-drive." Seryosong sabi ko.
"Fine! Kukuha ako ng driver!" Sabi ni Larry na nag dial na sa phone niya.
Ilang sandali lang ay huminto na ang sasakyan niya sa harap namin at isinakay na niya ako.
"Are you okay baby?" Tanong niya na tinanguan ko.
"Kailangan ko lang na mainom ang gamot ko." Sabi ko.
"Nasaan ba ang gamot mo?" Tanong niya.
"Nasa bag ko. Teka lang." Sabi ko na hinanap ko na sa bag. Nang makita ko ay agad ko na din na ininom iyon.
Nang makarating kami sa condo ay inalalayan ako ni Larry hanggang sa makapasok sa unit namin.
"Mag pahinga ka na." Sabi ni Larry.
"Goodnight." Sabi ko sa kanya.
Nang makapasok ako sa aking kuwarto ay pumasok rin siya.
"Babantayan kita, baby." Seryosong sabi niya.
"Okay lang ako. Maya maya lang okay na ko." Sabi ko naman.
"No! Dito lang ako." Matigas na sabi niya.
"Okay, ayaw ko na makipag talo." Sabi ko.
"Mag palit ka na muna ng damit mo okay lang ba? Na-aamoy ko padin yung smoke sa damit mo." Sabi ko pa.
"Okay, okay baby. Sorry." Tarantang sabi niya.
Nag bihis lang ako ng aking pajama at nahiga na sa aking kama.
"Baby tulog ka na ba?" Sabi ni Larry na pumasok sa kuwarto ko.
Hindi ako sumagot dahil antok na antok na talaga ako.
Naramdaman ko na tumabi sa akin si Larry ay niyakap ako.
"Sorry kanina. Hindi ko talaga alam na may hika ka." Bulong niya saka hinalikan ako sa ulo.
Tuluyan na akong naka tulog habang yakap niya ako. Nang magising ako kinaumagahan ay wala na siya sa tabi ko kaya nagtungo na ako sa aking banyo at nagshower na. Nang makapag bihis ako ay nag blower na ako ng aking buhok upang matuyo ito agad. Nag shorts at oversized shirt lang ako at saka lumabas sa aking kuwarto upang mag handa sana ng aking breakfast.
"Baby, gising ka na pala. Good morning." Ngiting sabi ni Larry.
"Tara na breakfast na tayo." Sabi niya pa.
Nang maka upo ako ay nilagyan niya ako agad ng pagkain sa aking plato.
"Gosh ang dami naman ng nilagay mo." Sabi ko.
"Anong gusto mong lunch, baby?" Tanong niya.
"Baka hindi ako dito mag lunch. May lakad ako." Sabi ko.
"Saan ka pupunta?" Kunot noong tanong niya.
"Mag kikita kami ni Theo. Nandito siya ngayon sa manila kaya magkikita kami." Ngiting sabi ko.
"Bakit kayo magkikita? Saan?" Tanong niya na parang nawala na sa mood.
"Dito lang din sa Makati. Miss ko na kasi siya marami kaming pag kuwentuhan." Sabi ko at tuluyan na siyang nawalan ng gana.
"Okay." Sabi niya.
"Nag seselos ka parin sa bestfriend ko?" Natatawang sabi ko.
"Nope." Kunot noong sabi niya.
"Sinungaling." Sabi ko na lumapit sa kanya at niyakap siya sa kanyang likod.
"Bestfriend ko lang si Theo. Gusto mo bang sumama para ipakilala kita sa kanya?" Sabi ko.
"Pwede akong sumama?" Tanong niya.
"Yup. Para di mo na rin siya pag selosan." Ngiting sabi ko.
"Sige na kumain na tayo, okay?" Sabi ko pa na tinanguan niya.
Matapos namin na kumain ay nag kuwentuhan muna kami sa salas.
"Baby, anong favorite food mo?" Biglang tanong ni Larry.
"Kahit ano naman kinakain ko marami akong favorite. Pero comfort food ko talaga ang mga pagkain sa fastfood lalo na yung dun sa kung saan tayo nagka kilala." Natatawang sabi ko.
"Oh?! Parehas tayo." Natatawang sabi niya.
Nag kuwentuhan pa kami hanggang sa oras na upang mag asikaso para sa lakad namin.