JOSEPHINE Nagmamadali akong bumalik sa unit ni Uncle Ding. Dahil nag-aalala ako sa mataas ang lagnat nito. Wala ba itong girlfriend? Bakit walang nag-aalaga rito tapos ako ang naisip tawagan. Kung sabagay okay lang din sa akin dahil nakabayad din ako sa pagkakautang rito sa pagtulong niya kay Itay. Quits na kami wala na itong maisusumbat sa akin. Pagdating ko sa unit ni Uncle. Nagderetso muna ako sa kusina nito kung mayroon pwedeng ipakain dito. Nag-aalala ako rito kung saan nito nakuha ang nagdurugong sugat sa kaniyang balikat. “Diba nga sabi ni Itay ay secret agent, ay oo nga makulit lang talaga ako.” Kausap ko pa sa aking sarili. May misyon ba ito kanina? Baka ‘yong sinabi nito na biglaan niyang lakad ‘yon siguro, kaya hindi ako natuloy rito at hindi na lang muna sa umaga pinapunta