JOSEPHINE “Dominador, bukas na raw tayo umuwi sabi ni Itay,” saad ko kay Ding paglabas namin ng k'warto. “Kung iyan ang gusto mo, baby, sige,” mabilis niyang pagpayag pagkatapos ay pinulupot ang isang kamay sa baywang ko. Kumibot-kibot ang labi ko at tahimik lang. Malapit na kami sa hagdan pababa upang tumungo sa dining area dahil nag-aantay na raw sa amin ni Dominador sila Itay at ang girlfriend nito. Tanghalian na rin kasi dahil pag-akyat ko kanina patungo rito sa second floor sa kwarto ko ako pumunta. I just intend to go to my husband to let him know na narito na sila Itay. Ngunit pagdaan ko sa kwarto ko, nagbago naman ang isip ko na imbis sa k'warto ni Dominador ang punta ko naisipan kong sumilip muna sa silid ko ‘yun nga lang ang balak kong pagsilip lang humiga ako at napaidlip