Chapter 25: The Strange Image

1572 Words

Oceane BINABASA ko ang front page at isang larawan ng bampira ang nanduon, lalaking bampira. Mahaba ang buhok nito na sa tingin ko ay lampas balikat, seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa camera. Katulad ng ibang larawan gumagalaw din ito, mapapansin ang di niya pagkurap at simpleng pag ngiti. "Mula noong eve of full moon, nagsimula silang manggulo sa ibang bayan at kahapon lang, tumawid sila sa kabilang mundo at doon sila nanggugulo.” sabi ni Zaiden" "B-bampira? Y-yung kumakagat sa leeg?" tanong ko Tumango naman si Zaiden. Napalunok ako. "Totoo pala sila?" "Oo naman.. " sabi ni Zaide Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.Nakaramdam ako ng takot ng makita ko ang larawan ng bampira sa dyaryo. "B-bakit sila nasa mundo namin? Bakit sila tumawid doon para manggulo?" tanong ko uli

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD